By: Admin Coco, Apologist
Tuwing sasapit ang Christ the King ay ipinapaalala ng Kapistahang Ito na si Kristo ay Tunay na Hari siya ay Hari ng mga Hari (Roma 14:17), kaya ngayong Christ the King Sunday ay wag na wag nating kakalimutang mag-Simba. Gusto kong magtanong sa inyong mga nakakabasa ng post na ito. Alam mob a na mayroon ding Hari bukod ky Cristo? Siya ay walang iba kundi ang Diablo (2 Corinthians 4:4) na hari ng kasamaan. Si Cristo ay Tunay na Hari at Hari ng mga Hari ngunit ikaw ba bilang isang Kristiyano ay naghahari nga ba si Cristo sa iyong sarili? Sa iyong pang araw-araw na pamumuhay? O baka naman nag hahari lamang si Cristo sa iyong buhay tuwing linggo sa loob lamang ng isang oras ngunit pagkalabas mo ng Simbahan ay Diablo na ulit ang mag hahari sa iyo.
Naitanong mo na ba iyan sa iyong Sarili? Kung sino ba talaga ang naghahari sa iyong Puso sa araw-araw mong buhay. Bilang isang Katolikong Kristiyano ay dapat nating tandaan na si Kristo na tunay na Diyos ay siya nagkatawang tao (Juan 1:14) upang iligtas tayo sa mga kasalanan, at itunuro niya sa atin na “Huwag gawing Hari ang Diablo sa ating mga Puso, sa ating Buhay” sa halip dapat ang Diyos ang tunay na mag hari sa ating buhay ibig sabihin nun alisin ang puot, galit sa ating sa mga puso ang mga bagay na maaring makasira sa iyong sa Relasyon sa Dios, Gawing Hari si Cristo sa ating pamumuhay.
Kaya ngayong “Christ the King” ay mag-simba ka at dapat mong tandaan na ang dapat maghari sa iyong buhay ay walang iba kundi “Ang Panginoong Dios”.
Christ is the King of All. #ChristTheKing
CHRISTUS Vincit, CHRISTUS Regnat, CHRISTUS Imperat!