Familiar kayo sa title tama ba? Oo, yan yung sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte sa Katoliko (“What have you done except to collect money from the People?”), ang mga Paring Katoliko daw ay nangongolekta lang ng pera sa tao. Kahit sino ang makabasa at makarinig ng sinabi ni Pres. Duterte ay magagalit nga naman lalo na tayong mga Katoliko. Pero totoo ba ang sinabi niya na nangongolekta lang ng pera ang simbahan sa tao? Sigaw din yan ng mga taga suporta ni Duterte lagi tinitira ang Katoliko lagi tinatag ang page ng CBCP at ang page namin.
Pero hindi nila alam na ang Katoliko ay tumutulong sa tao hindi lang ito lagi naka broadcast gaya ng sa Iglesia ni Cristo tatag ni Felix Manalo. Lagi naka broadcast ang kanilang pag tulong sa kapwa. Pero tayo sa katoliko hindi, dahil hindi tayo nagmamalaki kung ano ang naitulong natin or kung tayo ba ay tumutulong sa kapwa. Sa ngayon tayo ay maglalabas ng katibayan dahil pinupuna tayo ng mga tao lalo na mga sekta protestante na tagahanga ni Duterte at meron din namang mga kapwa nating Katoliko na tinitira ang simbahan dahil totoo naman daw ang sinabi. Nakakalungkot pati kapwa mo kapatid ay tinitira at sinisiraan ang Katoliko.
Sa article na ito bibigyan natin sila ng impormasyon na kapupulutan ng aral na wag agad humusga sa iba. Sa article na ito hindi hangad ng DCF na magkaroon ng hate sa magkabilang grupo. Bagkus magkaroon tayo ng sapat na kaalaman na bago tayo humusga sa iba matuto na muna alamin ang totoo.
Umpisahan na natin mag labas ng impormasyon. Una sa lahat kami ay nagpapasalamat sa NASSA/Caritas Philippines dahil sa kanila namin nakuha ang yearly Annual report nila sa kanilang website. Bisitahin niyo po ang website ng NASSA sa mga gusto mag Volunteer at mag donate.
Kung mababasa ninyo ang Picture na naka attached sa itaas makikita ninyo na out of 86 Dioceses including Military Ordinariate . 80% o 69 Dioceses ang nag submit ng kanilang yearly Solidarity fund and 55% naman o 47 Dioceses sa taong 2017 ang nag submit ng kanilang yearly Solidarity fund. Nagkakahalaga ng P5,673,865.34 sa taong 2016 at sa 2017 naman ay umaabot sa P3,557,017.10, kung susumahin natin ay umaabot ng P9,230,882.44 Pesos isama pa ang 43% o 37 Dioceses na nag donate ng P24,478,872.44 at donation from partner school and donation from individuals. Saan ba lahat napupunta yan sa bulsa ba? Napupunta yan sa Calamities and Disasters pag mayroong mga sakuna at mga kalamidad at sa iba pang mga advocacy at pag tulong sa kapwa. Makikita sa graph napupunta ang 87% ng fund sa Works of Mercy. Amazing tama ba?
Yan ba ang nangongolekta lang ng pera sa tao?
Yan ba ang walang tinutulong sa bansa?
Nasagot na siguro ang mga katanungan ninyo. Mali ang sabihin na nangongolekta lang ng pera ang simbahan sa tao. Tulad nga sa Yolanda Catholic Church spent P563M for Yolanda rehab. Yan ba ang nangongolekta lang ng pera sa mga tao?
Hindi pa tayo nagtatapos meron pa kasunod ito. Tingnan ng mabuti ang mga Imahe na naka attached sa ibaba yan lang naman ang report kung saan napupunta ang mga tulong ng simbahan sa tao sa buong bansa at saka niyo sabihin sa simbahan na nangongolekta lang ng pera sa tao? Kung gusto niyo makita ang buong Annual Report makikita po yan sa website ng NASSA.
Nakakamangha ang pag tulong ng simbahan sa mga tao napakaraming tao ang naabot at maabot palang ng tulong Financial at iba pa. Taliwas sa mga sinabi ni Pres. Duterte na nangongolekta lang daw ng pera sa tao ang simbahan. Sa mga taga suporta ni Pres. Duterte na tuwang-tuwa, paniwalang paniwala pa at ikinakalat na wala daw kuno ginawa ang simbahan sa bansa. Isama pa diyan ang mga kapwa Katoliko na naligaw ng landas imbis na depensahan ang simbahan pero ano ginagawa niyo? Hindi kayo tunay na Katoliko kung ganyan ang ginagawa niyo. Sana maging malinaw itong post na ito na hindi nangongolekta ng pera sa tao ang simbahan. Ang layunin ng simbahan ay tumulong sa tao, sabi nga sa bibliya.
“Carry each other’s burdens, and in this way you will fulfill the law of Christ.” – Galatians 6:2.
“God is not unjust; he will not forget your work and the love you have shown him as you have helped his people and continue to help them.” – Hebrews 6:10