Catholic Church Daily Gospel on DCF Religion

TODAY’S GOSPEL REFLECTIONS on DCF: “Paggaling sa Sakit at Pagkabuhay Muli”

Photo Credit: http://m.mariasarang.net

 

Hulyo 9, 2018. Lunes. Ika-14 Linggo ng Karaniwang Panahon. 

Salmo 145: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan sya’y nahahabag.

Unang Pagbasa: Os 2:16, 17k-18, 21-22

“At sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “Ang itatawag mo sa akin ay ‘Aking Asawa,’ at hindi mo na ako tatawaging ‘Aking Baal.’ Sapagkat ipalilimot ko na sa iyo ang mga pangalan ng mga Baal, at hindi na muling ipababanggit ang mga ito. Sa araw na iyon, alang-alang sa iyo, makikipagkasundo ako sa mga hayop sa parang, sa mga ibon sa kalawakan, sa mga nilikhang sa lupa’y gumagapang. Aalisin ko sa lupain ang pana, ang espada at ang digmaan. Upang kayo’y makapagpahingang matiwasay.

“Sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh,
“Tutugunin ko ang panalangin ng aking bayan,
magkakaroon ng ulan upang ibuhos sa lupa.

Sa gayon, sasagana sa lupain ang pagkaing butil, ang alak at ang langis.
Ito naman ang katugunan sa pangangailangan ng Jezreel.

Ebanghelyo: Mateo 9:18-26

Habang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito, may dumating namang isang pinuno ng mga Judio. Lumuhod ito sa harap niya at nakiusap, “Kamamatay po lamang ng aking anak na babae; sumama po kayo sa akin at ipatong ninyo ang inyong kamay sa kanya, at siya’y mabubuhay.”

Tumayo si Jesus at sumama sa kanya, gayundin ang kanyang mga alagad.

Habang sila’y naglalakad, lumapit sa likuran ni Jesus ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo at hinawakan ang laylayan ng kanyang damit.

Sinasabi ng babae sa sarili, “Mahawakan ko lamang ang kanyang damit, gagaling na ako. Lumingon si Jesus at pagkakita sa kanya’y sinabi, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Noon di’y gumaling ang babae.

Pagdating ni Jesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta at ang mga taong nagkakaingay. Sinabi niya, “Lumabas muna kayo. Hindi patay ang bata; natutulog lamang!” At siya’y kinutya nila. Nang mapalabas na ang mga tao, pumasok si Jesus sa kuwarto, hinawakan niya sa kamay ang bata at ito’y bumangon. Ang pangyayaring ito ay ipinamalita ng mga tao sa buong lupaing iyon.

Pagninilay:

Hanggang saan kaya tayo dadalhin ng ating pananampalataya?

Depende sa kung hanggang saan ang ating paniniwalaan at ano. Kung lagyan natin ng hangganan ay tiyak magkakaroon tayo at ang ating minimithi ng hangganan. Marami tayong limitasyon ngunit ang Diyos ay wala. Tayo lang ang gumagawa-gawa nito. Ang Diyos ay Makapangyarihan sa lahat at wala itong hanggan. Ngayong araw ay natunghayan na naman natin ang pagpapagaling ni Jesus at pagbuhay muli ng namatay na.
Si Jesus ay pareho noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Kung kinakailangan ng himala upang matupad ang ating kahilingan, kung wala tayong duda sa ating puso ay ganito ang mangyayari. Maaring suriin ano nga bang klaseng pananampalataya mayroon ako?

Sabi ng babaing dinudugo ng 12 na taon, “Mahawakan ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako”. Sa ating buhay, ano kayang aspeto ang gusto nating ipahawak kay Jesus upang Siya ang maging abala ukol dito?

Marami tayong bagay na hindi natin kayang gawin mag-isa at kung tayo lang ay tila wala nang lunas. Nawa ay ihayag natin sa kanya ang kung ano mang pananalig mayroon tayo at ito ay maging silbi upang buksan pa natin ang ating puso sa Panginoon upang siya ang magpuno ng anumang kulang sa atin. Amen. +

Panalangin: Panginoon, madali kaming mapanghinaan ng pananampalataya ngunit kung ang aming buhay ay iyong hihipuin, alam naming anuman ang aming hilingin maging ang paggaling sa anumang sakit ay iyong tutugunan. Amen. +

Pagpalain nawa tayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen +

Maraming Salamat sa Inyong Pagsubaybay!

Tulungan ninyo kaming ipamahagi ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pag-CLICK at SHARE nito. I-TAG na rin ang inyong mga kaibigan sa post na ito!

Copyright Reflections Written By: Admin. FMM Francesca Maria Margarita

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?