Bible Daily Gospel on DCF Faith

TODAY’S GOSPEL REFLECTIONS on DCF: “Ang mga Makasalanan sa Simbahan”

Photo Credits: Faith Images

 

Hulyo 6, 2018. Biyernes. Ika-13 Linggo ng Karaniwang Panahon.

Salmo 119: Ang tao ay nabubuhay sa Salita ng Maykapal 

Unang Pagbasa: Amos 8:4-6, 9-12

Pakinggan ninyo ito, kayong sumisikil sa mga nangangailangan, at kayong umaapi sa mga dukha.

Ang sabi ninyo sa inyong sarili,
“Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pagdiriwang. Hindi tuloy namin maipagbili ang aming mga inani. Kailan ba matatapos ang Sabbath, para maipagbili namin ang mga trigo?
Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng madayang takalan, at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili.

Bibilhin namin upang maging alipin ang mga mahihirap sa halagang isang pilak,
at ang mga nangangailangan ay sa halagang katumbas ng isang pares na sandalyas.
At ipagbibili namin ang ipa ng trigo.”

Sa araw na iyon, sabi ng Panginoong Yahweh,
“Lulubog ang araw sa katanghaliang-tapat,
at magdidilim sa buong maghapon.
Ang iyong kapistahan ay gagawin kong araw ng kapighatian;
at ang masasayang awitin ninyo’y magiging panaghoy.
Pipilitin ko kayong magsuot ng panluksa,
at mapipilitan kayong mag-ahit ng ulo.
Matutulad kayo sa magulang na nagdadalamhati, dahil sa pagkamatay ng kaisa-isang anak.
Ang araw na iyon ay magiging mapait hanggang sa wakas.”

Sinabi ng Panginoong Yahweh,
“Darating din ang araw na papairalin ko sa lupain ang taggutom.
Magugutom sila ngunit hindi sa pagkain; mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig,
kundi sa pakikinig ng aking mga salita. Mula sa hilaga papuntang timog, mula sa silangan hanggang sa kanluran, hahanapin nila ang salita ni Yahweh, subalit iyon ay hindi nila matatagpuan.

Ebanghelyo: Mateo 9:9-13

Pag-alis ni Jesus doon, nakita niya si Mateo na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka at maglingkod sa akin.” Tumayo nga si Mateo at sumunod sa kanya. Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sila’y magkakasalong kumain.

Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit sumasalo ang inyong guro sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?”

Narinig sila ni Jesus at siya ang sumagot, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. Humayo kayo at unawain ang kahulugan nito: ‘Habag ang nais ko at hindi ang inyong handog.’

Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid.”

Pagninilay:

Sa ating ebanghelyo ngayong araw ay ating natunghayan ang istorya ng kung paano nagsimulang magbago ang buhay ng isang taong lubhang makasalana – ang tagapagkolekta ng buwis na si Mateo. Siya ay isa sa mga kinamumuhian ng pamayanan dahil ang tagapagkolekta ng mga buwis ay tinaguriang na mandarambong, mandaraya at magnanakaw ng kaban ng bayan. Kaya naman nung makita ng mga matataas na pari noon na si Jesus ay nakikisama sa mga taong tulad ni Mateo na makasalanan sa mata ng tao, kinutya pa nila lalo si Jesus. Ang mga pariseong ito mismo ay kasama sa mga nangaalipusta ng kapwa at tinuturing nilang “outcast” ng sosyedad. Habang sila ay nagpapabango ng pangalan. Sila mismo ay may kanyang mga kasalanan na pagiging mapagimbabaw. Sa mata ng tao sila ay ehemplo ngunit ang puso nila ay wala sa Panginoon.

Sadya ngang hanggang ngayon ay mayroon sa ating simbahan na ganito. Nakakalungkot lamang dahil ang ibang mga tao ay dahil sa mga taong ito, umaalis ng simbahan. Ngunit ang totoo niyan tayong lahat ay parepareho lamang may “sakit” – ang sakit ng kaluluwa na kasalanan. Lahat tayo ay may kapintasan, may kahinaan, at may pagkakamali sa buhay. Wala sa atin ang ligtas at maaring magsabing “Ako’y malinis at ikaw ay hindi”. Tanging Panginoon lamang ang perpekto sa lahat. Kung wala ang Diyos, ay wala rin tayong magagawa. Sa ating ebanghelyo, ating matututunan na sa pagkilala, pagtanggap at pagmamahal ni Jesus, ay nagbago si Mateo at ang kanyang buong buhay. Siya ay naging isa sa mga apostoles ni Jesus. Walang imposible sa Diyos at tanging pag-ibig at pagtanggap lamang ng kapwa ang tuluyang makakapagpabago sa ating kapwa.

Ang tunay na pagiging Kristiyano ay hindi ibig sabihin naggawa na natin ang mga tungkulin, tradisyon, o nakapagbigay tayo ng malaking halaga sa simbahan. Lahat ito ay walang halaga, kung ang puso natin ay mapanghusga, nang-aalipusta ng kapwa at walang pagmamahal ni awa sa mga taong nangangailangan sa paligid. Ang ating banayad na pag-ibig sa Panginoon ay ating masusukat sa pakikitungo sa kapwa kahit sino pa yan.
Kung makita man sana natin ang ating kapwa na mayroon tayong nakitang mali sa kanya, intindihin muna natin saan siya nanggagaling at huwag basta basta bumigay sa ating panghuhusga at pagkainis.

Bandang huli sa ating buhay ay tayo rin ay huhusgahan at hahatulan ng Diyos kung paano tayo nagmahal ng kapwa, sa kabila ng karumihan, pagkakasala at kasaamaan sa ating paligid. Piliin sana natin ang awa kaysa ang panghuhusga. Ang pagunawa kaysa ang pagdidiin ng sarili bilang tama. Ang pagpaparaya kaysa ang paghihiganti. Ang tunay na pag-ibig sa Diyos at sa kapwa hindi lamang ng sarili. Ito ang tunay na tugon sa pagsunod kay Jesus.

Panalangin: Panginoon, marami kaming bagay na hindi alam at hindi kayang gawin kung ikaw ay wala sa aming puso. Hilumin mo ang sugat ng aming puso at kaluluwa, ang aming mga pagmamataas ng sarili at panghuhusga ng kapwa. Turuan mo kaming tumanggap ng aming kapwa gaya ng pagtanggap mo sa amin, nang matanggap din naming ang aming mga sarili kahit kami’y mga mahina at puno rin ng kapintasan.

Araw-araw at bawat oras, ikaw ay aming kailangan. Tulungan mo kaming makaramdam at maranasan ang iyong walang hanggang pagtanggap at awa upang ito rin ang aming ibahagi sa iba. Amen. +

Pagpalain nawa tayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen +

Maraming Salamat sa Inyong Pagsubaybay!

Tulungan ninyo kaming ipamahagi ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pag-CLICK at SHARE nito. I-TAG na rin ang inyong mga kaibigan sa post na ito!

Copyright Reflections Written By: Admin. FMM Francesca Maria Margarita 

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Bible

ITINUTURO BA NG ROMA 16:25 NA NAKATAGO SA HIWAGA ANG MGA NAKASULAT SA BIBLIA?

ITINUTURO BA NG ROMA 16:25 NA NAKATAGO SA HIWAGA ANG MGA NAKASULAT SA BIBLIA? TALATA: “At ngayon, sa Diyos na