Bible Catholic Church Catholic Faith Christ Christian Daily Gospel on DCF Faith God Religion

TODAY’S GOSPEL REFLECTIONS on DCF: “Ang Kabutihan ng Pusong Nagmamahal”

Photo Credit: i1.ytimg.com

Hunyo 27, 2018. Miyerkules. Ika-12 Linggo ng Karaniwang Panahon.

Salmo: Ituro mo ang layunin ng mga utos mo sa ‘min. 

Unang Pagbasa: 2 Mga Hari 22:8-13; 23:1-3

Pagdating ni Safan sa Templo, sinabi sa kanya ng pinakapunong paring si Hilkias, “Natagpuan ko sa Templo ni Yahweh ang aklat ng Kautusan.” Ibinigay niya ito kay Safan at binasa naman nito. Nang matupad na ang iniutos sa kanya, nagbalik siya sa hari at iniulat na nabilang na ang salapi sa Templo at naibigay na sa mga namamahala sa pagpapaayos ng Templo. Sinabi pa niya, “Ako’y binigyan ni Hilkias ng isang aklat.” At binasa niya ito sa hari.

Nang marinig ng hari ang nilalaman ng aklat, pinunit niya ang kanyang kasuotan. 1inulong niya sina Hilkias na pari, si Ahikam na anak ni Safan, si Akbor na anak ni Mikaias, ang kalihim na si Safan, at si Asaias na tauhan ng hari. Sinabi niya, “Sumangguni kayo kay Yahweh alang-alang sa akin at sa buong Juda tungkol sa nilalaman ng aklat na ito. Matindi ang galit ni Yahweh sa atin dahil sa pagsuway ng ating mga ninuno sa mga ipinag-uutos sa aklat na ito.”

Ipinatawag ni Haring Josias ang lahat ng matatandang pinuno ng Juda at Jerusalem, at sila’y pumunta sa Templo ni Yahweh, kasama ang mga pari, mga propeta at ang lahat ng taga-Jerusalem at Juda, mayaman at dukha. Pagdating doon, ipinabasa niya ang aklat ng kasunduan na natagpuan sa Templo.

Pagkabasa, tumayo sa tabi ng haligi ang hari at nanumpang susunod sa kautusan ni Yahweh, at sa lahat ng tuntunin nito. Ang lahat ng naroon ay nakiisa sa hari sa panunumpa nito sa kasunduang ginawa ni Yahweh.

Ebanghelyo: Mateo 7:15-20

“Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo’y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman?

Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno.

Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. Kaya’t makikilala ninyo ang mga hindi tunay na propeta ayon sa kanilang mga gawa.”

Pagninilay:

Ang laman ng ating mga puso at isip ay masasalamin sa ating mga gawa, sa ating mga sinasabi at pakikitungo sa kapwa. Sa pagbasa ng ating ebanghelyo ay maari natin pagnilayan at tanungin ang ating sarili, ano kaya ang aking epekto sa aking mga kasamahan at kapamilya? Sila ba ay nagiging mas mabuti at mas mapagmahal dahil ako ay maunawain? O kaya naman ay sila ay mas nagiging tila malungkot, o mailap dahil sa aking mga sinasabi at ginagawa? Ibaba natin ang ating mga sarili sa Diyos at aminin natin sa Kanya ang ating pagkukulang. Dahil sa ngayon at hanggang sa huli ay alam ng Diyos ang lahat, at wala tayong maitatago sa Kanya.

Mga kapatid, ating tandaan na ang ating pananampalataya at pagmamahal sa Diyos ay hindi lamang diretsong ipinahahayag sa Kanya. Madaling sabihin sa Panginoon na mahal natin Siya. Ngunit ang pag-ibig na ito ay masusubok at ating maipapadama sa Kanya sa pamamagitan ng pakikitungo natin sa ating kapwa. Maging mapanuri tayo sa ating bawat nakakasalamuha at huwag din basta basta maniwala at magpapadala sa anumang katuruan na makapaghihiwalay sa atin sa tunay na Diyos at Kanyang Simbahan.

Kumapit tayo sa mabuti at ang tunay na kabutihan ng katuruan ay malalaman natin sa epekto nito sa ating puso. Ang katotohanan at kabutihan na nasa Diyos ay magbibigay sa ating kapayapaan ng kalooban hindi kabalisaan. Dulot nito ay kaligayahan hindi pagkadismaya, at higit sa lahat isang nag-aalab at nananatiling pagmamahal para sa Diyos mula sa ating mga puso sa gitna ng maraming pagsubok sa buhay.

Panalangin: Panginoon, gabayan mo ang aking puso upang aking malaman at maranasan ko ang iyong kalooban, ang kabutihan, kasaganaan at kapayapaan. Huwag mo kaming hayaang mapariwara sa kasamaang nangyayari sa aming paligid at bagkus ay punuin mo kami ng iyong grasya upang kami ay maligtas sa anumang masama.

Panatilihin mo kami, ang aming pag-ibig at ugnayan sa iyo. Hinihiling namin ito sa Matamis na Ngalan ni Jesus at sa tulong ng panalangin ni Maria na Aming Ina. Amen. +

Pagpalain nawa tayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen +

Maraming Salamat sa Inyong Pagsubaybay!

Tulungan ninyo kaming ipamahagi ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pag-CLICK at SHARE nito. I-TAG na rin ang inyong mga kaibigan sa post na ito!

Copyright Reflections Written By: Admin. FMM Francesca Maria Margarita

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?