Apologetics / Reflections Mariology Protestantism

The Moment of Truth, HINDI RAW BIRHEN SI MARIA? BY: ADMIN COCO

The Moment of Truth BY: ADMIN COCO

Full Question: Sabi ng mga ibang sekta ng Relihiyon “HINDI DAW BIRHEN SI MARIA KAGAYA NG KATURUAN NG SIMBAHANG KATOLIKA.”

Sagot: Gaano nga ba talaga katotoo diumano na Hindi raw birhen si Maria kagaya ng sinasabi ng Protestante? Atin pong bigyang pansin ang kanilang mga Argumento para patunayan na si Maria ay hindi daw birhen.

– Unang Argumento sabi nila “Birhen si Maria nung una kahit ipinanganak niya si Hesus, pero pagkatapos nun nagkaroon daw ng mga kapatid si Hesus kagaya na lamang nina Sina Santiago, Jose, Simon at Judas.

Sina Santiago, Jose, Simon at Judas ay HINDI mga anak ni Blessed Virgin Mary ang Ina ni Hesus.

Maliwanag pa sa sikat ng araw at maliwanag na itinuturo ng Biblia na ang mga ito ay anak ng ibang Maria at hindi si Maria na Ina ng ating Panginoong Hesus.

Si Apostol Santiago(James the less) Joses, and Salome ay kilala bilang mga anak ng isa pang Maria.

“Naroon din ang ilang babaing nakatanaw mula sa malayo. Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Salome, at si Maria na ina ng nakababatang si Santiago at ni Jose.” (Marcos 15:40)

Si Apostol Santiago (James the Great) naman ay kilala bilang kapatid ni Juan at Anak ng isa pang Maria.

“Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag ding Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo, si Simon na Makabayan, at si Judas Iscariote na nagkanulo kay Jesus.” (Mateo 10:2-4)

Ang sinasabi nilang kapatid daw ni Hesus ay hindi tunay na mga kapatid, sila ay mga pinsan ni Hesus.

Sa bibliya, hindi purke tinawag na Brother ay nangangahulugan ng “Biological Brother”.

Alam naman po natin na pamangkin o kamag-anak ni Abraham si Lot.

“Kinausap ni Abram si Lot, “Hindi tayo dapat mag-away, at ang mga tauhan natin, sapagkat magkamag-anak tayo.”(Genesis 13:8)

Pero sa original na salin ng old testament which is ay Hebrew Language ganito ang ating mababasa.

Va-yo-Mer Av-ram el-Lot al-na te-hi me-ri-va bei-ni oo-vei-ne-cha oo-vein ro-ai oo-vein ro-e-cha ki-ana- shim achim a-nach-noo

Sa english ito ang nakasulat “And Abram said to Lot, Let there be no strife, I beg you, between me and you, and between my herdsmen and your herdsmen; for we are brothers.”(Genesis 13:8, Hebrew-English Bible)

Malinaw naman na tinatawag din silang “Brother”. Actually kahit sa makabagong panahon ginagamit din ang salitang “Brother” kahit hindi munaman sila tunay na kapatid. Katulad nalamang sa INC1914 ang tawag nila sa kanilang mga miyembro ay Kapatid pero hindi naman nila literal na kapatid dun ni hindi rin naman nila kilala yun pero tinatawag nilang kapatid, brother, etc. Ganoon din sa mga religious, missionaries etc. Tinatawag natin silang Brother kahit hindi naman natin sila ‘Biological Brothers’ diba?

– Ikalawang Argumento sabi nila ‘NAPAKA IMPOSIBLE NAMANG WALANG NANGYARI KINA JOSE AT MARIA DAHIL SILA NAMAN AY MAG ASAWA AT WALANG MALI KUNG SILA AY MAGTATALALIK’.

Sa mga madudumi ang utak ay imposible talagang walang mangyari sa kanila, pero para sa Diyos ay walang imposible – Luke 1:37

Kung Pag-aaralan nating mabuti ang buhay nitong si Maria at Si Jose ay ito ang ating malalaman.

Ano Ba Si Jose? “Subalit dahil isang taong matuwid si Jose”(Mateo 1:19)

Si Jose ay matuwid na tao at ano mang utos ng Dios sa kanya ay ito ay kanyang susundin.

Naalala ko yung sinabi ni Bro. Noe Dora nung siya daw ay my nakadiskusyong Pastor ng Born Again, sabi nung pastor ‘ILALAGAY KO ANG AKING SARILI KUNYARI AKO SI JOSE, HINDI KO MAKAKAYANG WALANG MANGYARI SA AMIN DAHIL ASAWA KO YAN KARAPAN KO NA PALIGAYAHIN KO ANG AKING SARILI.’

Ah kaya naman pala hindi ka ginawang Jose ng Dios maski ang pangalan mo kasi alam ng Dios na pag ikaw ang naging si Jose e masisira ang kanyang plano para kay Maria at Jose.

– Ikatlong Argumento ‘HINDI DAW KAYANG MAGPIGIL NI SAN JOSE DAHIL TAO LAMANG DAW SIYA’.

OO, tao lamang siya walang duda dun pero hindi nanganga hulugan na wala siyang kakayahang makapagpigil ng kanyang sarili. Sa ibang lalake kagaya na lamang nung pastor na inilagay niya ang kanyang sarili sa kalagayan ni Jose ay talaga ngang hindi siya makakapag pigil pero si Jose ay kaya niya. Bakit? dahil ang taong pinapatnubayan ng Banal na Espiritu ay may kakayahang pumigil ng kanyang sarili o Meron siyang “Self Control”.

“Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at PAGPIPIGIL SA SARILI.”(Galacia 5:22-23)

Si Jose ay isa sa mga Lalaking merong kakayahang pumigil ng kanyang sarili para respetuhin ang Virginity ng isang babae. At isa ito sa mga kakayahan ng isang lalaki na sinasabi ni San Pablo.

“But he who stands firm in heart, not having necessity, but has authority as to his own will, and has judged this in his heart, to keep his virginity; he does well.”

(1 Corinthians 7:37, The Interlinear Bible, Greek-English)

– Pang huling Argumento ‘NAPAKA IMPOSIBLENG HINDI SINIPINGAN NI JOSE SI MARIA DAHIL NASUSULAT SA (MATEO 1:25) NA HINDI NIYA SINIPINGAN SI MARIA HANGGANG MAGSILANG ITO NG ISANG ANAK NA LALAKI.

Ang kanilang pakahulugan sa talatang ito ay ‘OO hindi daw sinipingan ni Jose si Maria HANGGANG sa ipangaka niya si Hesus’. Ang ibig nilang sabihin ay may hangganan daw pagkatapos daw ipanganak ni Maria ang ating Panginoong Hesu Kristo e may nangyari na daw sa kanila.

Sa talata ng Mateo 1:25 ay ginamit ang salita ‘till’ na ang katumbas sa tagalog ay ‘hanggang’.

Kung i-aanalyze natin ito ay walang nangyaring sexual sa pagsasama ni Jose at ni Maria.

Ang salitang “till” ay ginamit din sa Awit 110:1

“The Lord said to my Lord, Sit at my right hand till I make your foes your footstool.” (Psalms 110:1)

Kung gagamitin natin ang kanilang logic na pag sinabing till, until ay nangangahulugang may hangganan o may pagbabago ng sitwasyon, abay lalabas na may hangganan naman pala ang pag pag-upo ng Panginoong Hesus sa kanan ng Ama?

Sympre kung tayo ay mag iisip ng tama hindi natin iisipin nag anon dahil siya ang Panginoon at walang pwedeng pumalit sa kanyang Trono.

Conclusion:

Sa mga kapatid kong patuloy na sinasabing hindi Birhen si Maria, huwag ninyong itulad si Jose sa mga tulad ninyo. Kung kayo ay hindi niyo kayang mag pigil puwes iba siya dahil siya ay isang matuwid na tao (Mateo 1:19) kaya nga siya ang pinili ng Dios upang mag bantay, mag alaga kay Maria dahil alam ng Dios na hindi siya nito bibiguin.

Ito lang naman ang tanong ko sa ibang sekta, SAAN MABABASA SA BIBLIYA NA SINIPINGAN NI JOSE SI MARIA, AT SAAN NAPUNTA ANG MGA ITO? DAHIL NUNG PUMUNTA SILA SA JERUSALEM PARA SA PISTA NG PASKWA WALA NAMAN ANG MGA SINASABING ‘BIOLOGICAL BROTHERS’ NI HESUS. Ibig niyo bang sabihin ay pinabayaan sila ni Maria? Kung ganon ang conclusion e mali yun dahil tatandaan si Maria ay hinirang ng Dios at siya ay “Blessed” ayon sa Luke 1:42.

#DCFApologetics #TheMomentofTruth

 

Defend the Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

Leave a comment

You may also like

Apologetics / Reflections Homo Sexuality Marriage Samesex marriage

Same-sex Marriage and Homosexuality.

  By Coco Apologist What is Homosexuality? According to the (Catechism of the Catholic Church 2357), “Homosexuality refers to relations
Apologetics / Reflections Salvation Salvation by Faith Alone (Sola Fide)

No Salvation Outside the Catholic Church?

  “OUTSIDE THE CATHOLIC CHURCH THERE IS NO SALVATION?”   What do we mean about this? Do we mean that