Sinasabi ng Qur’an na si Propeta Muhammad (SAWs) ay hinulaan o nabanggit sa mga kasulatang nauna pa sa Qur’an (Ang Biblia). Kaya naman hindi nakakapagtaka na ang mga kapatid nating Muslim ay gumagamit ng biblia upang patunayan na ang pagdating ni Propeta Muhammad (SAWS) ay ipinagpauna na ng mga propeta sa Biblia. Nakakamangha lamang para sa atin na makitang ginagamit nila ang biblia upang gawing pruweba ng pagkapropeta ni Propeta Muhammad (SAWS) e gayong para sa kanila ang Biblia ay corrupted at hindi mapagkakatiwalaan at mapanganib na aklat. Sa pagkakataong ito ay susuriin natin ang isa sa mga passage sa biblia na ginagamit nila para patunayang may Muhammad o Ahmad (Surah 61:6) na “Hinulaan” daw ng Panginoong Jesus na darating after him.
The Bible says: ” And I will pray the Father, and he will give you another Comforter, to be with you for ever, even the Spirit of Truth, whom the world cannot receive, because it neither sees him nor knows him; you know him, for he dwells with you, and will be in you “. (John 14:16-17)
Ayon sa mga kapatid nating Muslim, ang Comforter (Paracletos sa Griyego) o ang Mang-aaliw na tinutukoy dyan ni Jesus ay si Muhammad. Pero kung papansinin natin, napakalayo po nun sa katotohanan at maghuhulog sa kanila sa delama:
Una: Ang tinutukoy ay Espiritu, Espiritu ng katotohanan, alam naman po natin na ang Espiritu ay walang laman at buto (Lucas 24:29) tulad ni Muhammad.
Pangalawa: Ang Espiritu ng Katotohanan, ang Mang-aaliw na ito ay tumatahan sa mga apostol, dahil sa konteksto ang kausap dyan ni Jesus ay ang mga apostol. Si Propeta Muhammad (SAWS) po ba ay tumatahan sa mga apostol?
Sa Juan 14:26 ay malinaw na tinukoy ni Jesus kung “Sino” ang Mang-aaliw na ibibigay at susuguin ng Ama: “But the Comforter, the Holy Spirit, whom the Father will send in my name, he will teach you all things, and bring to your remembrance all that I have said to you”. (John 14:26). Maliwanag po, ang Mang-aaliw o ang Paracleto ay ang Espiritu Santo at hindi po si Propeta Muhammad na propetang kinikilala ng Islam. Minsan nga po naitanong ko, kailan po ba inaliw ni Propeta Muhammad ang Mundo? Napaisip lamang po.
At nakakagulat malaman para sa isang Muslim na gumagamit ng Jn. 14:16-17 as a proof na ang Mang-aaliw na ipinagpapalagay nilang si Propeta Muhammad ay isusugo pala ng Panginoong Jesus: “But when the Comforter comes, whom I shall send you from the Father, even the Spirit of Truth, who proceeds from the Father, he will bear witness to me”. (John 15:26). So kung susuriin natin ang argument nila, kung si Propeta Muhammad ang mang-aaliw na tinukoy sa Jn 14, at ang mang-aaliw ay susuguin ng Panginoong Jesus at Kung si Muhammad ayon sa Qur’an ay isunugo ng Dios o ng Allah, lalabas po na ang Dios na nagsugo kay Muhammad ay ang Panginoong Jesus.
Kung si Propeta Muhammad po ang tinutukoy na mang-aaliw na susuguin ng panginoong Jesus, sapat po kilala sya ng mga apostol. Sabi po sa Bible: “Nevertheless I tell you the truth: it is to your advantage that I go away, for if I do not go away, the Comforter will not come to you; but if I go, I will send him to you”. (John 16:7). Paglisan ng Panginoong Jesus, isusugo nya ang Mang-aaliw sa mga Apostol. Kaya malabong si Propeta Muhammad po ang tinutukoy dito dahil kahit kailanman ay hindi po sya nakilala o nakasama man ng mga apostol at mas lalong hindi naman po tatanggapin ng mga kapatid nating Muslim na ang Dios na nagsugo kay Propeta Muhammad na ipinagpapalagay nilang ang Paracletos na tinutukoy sa Jn. 14 ay walang iba kundi ang ating Panginoong Jesu Cristo.
Isa pa po sa argumento ng ating mga minamahal na mga Kapatid na Muslim kaya daw taona proeta ang tinutukoy sa Jn 14 na mang-aaliw ay dahil sa ginamitan ng pronoun na “He”. Wala po tayong problema dyan, dahil ang Espiritu Santo, sa maraming bahagi ng biblia ay ginamitan ng Pronoun. Dahil ang Espiritu Santo po ay isang Persona, He is the Third Person of the Most Holy Trinity, hindi po sya aktibong pwersa lang na gaya ng sinasabi ng mga kapatid nating Saksi ni Jehova.
Wala po tayong layuning manira, sinasabi lamang po natin ang katotohanan sa maayos na paraan, sa katimtiman at hinahon. (cf. 1 Pedro. 3:15)
Ad Majorem Dei Gloriam!
Soluta Est Veritas!
Pro Deo et Ecclesia!