By: Admin Coco, Apologist
“Hindi natin alam kung sino mga santo na ‘yun. Mga gago na iyon, mga lasenggo. Dito na lang kayo. I’ll give you a patron. Get hold of a picture of mine, iyan lagay niyo sa altar, Santo Rodrigo,” – President Rodrigo Duterte.
Muli nanamang bumanat ang NAPAKAGALING AT NAPAKATALINONG Presidente ng Pilipinas, unang Mahal na Presidente isa ka din naman sa nakikinabang sa mga Celebration na yan pinaiiral mo nanaman ang pagiging walang alam mo sa mga bagay bagay dito sa ating bansa.
Sabi mo “Hindi natin alam kung sino mga santo na yun”. Oo tama kanaman jan LALONG LALO NA KUNG HINDI KA NAGRERESEARCH SA MGA BUHAY NG MGA SANTO. Kung magkakaroon ka ng kaunting oras sa pag reresearch about sa kanila malalaman mong WALA KANG KWENTA KUNG IKUKUMPARA SA KANILA, isa ka lamang dumi ng kanilang kuko, sa mga nagawa nilang contribution para sa Simbahan at Mundo, ikaw anong naikontribute mo? Pag taas ng pamasahe, pagtaas ng bilihin, murahin ang ibang bansa, gawing kaawa awa ang sariling bansa dahil hindi maipagtanggol ang pinas sa pang bubully ng China, ipinamigay ang property ng pinas (Scarborough Shoal) at ipa EJK ang mga nag dadrugs na laging ang dahilan ay “NANLABAN KAYA PINATAY”, pero yung PUNO NG DRUGS o yung dahilan kung bakit may drugs dito sa pinas hindi mo pinapahunting kung nasaan.
Yan ang mga bagay na nagawa mo para sa bansa, ang mga Santo?
Marami jan namatay para sa kanilang pananampalataya, namatay para sa kanilang bansa, namatay para sa mga tao, namatay para kay Kristo, tumulong sa mahihirap na walang hinihinging kapalit, marami ding Santo ang mayroong kontribusyon sa Science.
Sabi mo “mga gago na iyon, mga lasenggo”, sabihin nga natin mayroong mga Santo na dating masasama, kaya nga sila naging Santo ng tuluyan dahil sila ay masasama noon, sila ay nagpakabuti dahil sa pagmamahal nila sa Diyos, mga gago na ba ang maraming naitulong sa buong mundo? kung gago sila ano ka pa?
Bilang pang huli, nitong nakaraang araw lamang sinabi mo ang mga statement na ito “I call on the entire nation to honor those who have gone before us in the grace of God. Their legacy remains an important part of who we are today and we have much to gain from their virtuous example,”.
Anong nangyari? Pinakita mo ngayon ang pagiging Ipokrito mo sa mga bagay bagay dito sa mundo, kung ang utak natin ay limitado lamang sana huwag na tayong mag dunong dunungan aminin natin na hindi natin alam kaisa mag angas angasan para mag mukhang matalino.
#Undas2018