Apologetics / Reflections Bible Catholic Church Catholic Faith Christian DCF Apologetics Faith Feasts

PAGDIRIWANG NG PASKO, PAGANO BA?

Madalas kasi nating naririnig sa mga hindi nating kapanalig na mga katoliko o sa lahat ng mga hindi naniniwala sa Pasko at sa mga hindi nagdidiriwang nito na ang PASKO daw po ay PAGANO , ginaya daw po nating mga KATOLIKO ang kaugaliang isinasagawa ng mga PAGANONG ROMANO.
Gumagamit sila ng mga LIBRONG KATOLIKO para mapatunayan na ang PASKO ay galing sa PAGANO. Ngunit wag po tayo agad maniwala sa kanila, sapagkat ang PASKO ay HINDI po totoong PAGANO, KAARAWAN po ito ng ating PANGINOONG HESU-KRISTO.

Una,karamihan sa mga katoliko ay nag-aakalang ang December 25 talaga ang eksaktong araw ng kapangakan ng Panginoong Hesukristo ngunit ang totoo, walang sinuman ang nakakaalam ng tiyak na araw ng kapanganakan ng Panginoon. Ang Bibliya ay tahimik sa isyung iyan, walang Desyembre 25 sa Bibliya, ganun pa man, di-imposible na may ”date o petsa” talaga yun, at walang sinuman ang nakakaalam sa eksakto.

Subalit may malalim na paliwanag ang Iglesia katolika kung bakit Desyembre 25 ang naging ‘petsa’ ng kaarawang ng Panginoong Hesus na napatotoohan gamit ang Bibliya. Pero bago jan, alam niyo ba na hindi cinecelebrate ng mga apostol ang kaarawan ng Panginoon dati? Ngunit noon pa man after namatay at umakyat sa langit ang Panginoong Hesus ay madalas kinakanta ng mga sina-unang mga Kristiyano at mga apostol ang mga ‘kantang’ nagpapahiwatig pangtungkol sa pagbibigay ng Diyos Ama sa Kanyang Anak at pagbabahagi ng Diyos Anak ng Kanyang sarli para sa lahat. Ngunit walang specific na ‘petsa’, walang December 25. Ganun paman, ang pag-babalik tanaw sa ‘araw’ na ipinagkaloob ng Diyos Ama ang ‘grasya’ ay sobrang mahalaga.

Kahit na hindi ginawa ng mga apostol ang ‘Birthday celebration’ ay hindi na natin pwedeng gawin ang pag-cecelebrate, kasi kung pagpipilitan natin na ang pagdiriwang sa kaarawan ng Panginoon ay masama eh dapat hindi na rin tayo mag-cecelebrate ng ating mga kaarawan kasi hindi naman ginagawa ng mga apostol ang pagdidiriwang ng kaarawan. Baka kasi yun yung hindi natin alam, malay natin ginagawa yun nila ngunit hindi lang nakasulat sa Bibliya. Kase kung ganun, kung bawal talaga, hindi dapat cinecelebrate ni Manalo, ni Quiboloy etc. ang kani-kanilang kaarawan, dapat kinalimutan na nila ang araw ng kanilang kapanganakan at winalang halaga yun ngunit hindi, may pa-tarpaulin2x pa nga at may pa party pa.

Samakatuwid, walang masama sa pag-aalala ng ”araw” ng kapanganakan ng sinuman dito sa mundo. Kahit tayo mahalagang-mahalaga sa atin ang ‘araw’ ng kapanganakan natin at yan ang isang identity na alam ata ng lahat. May tao bang hindi niya alam kung kailan birthday niya?
Kung meron man, tiyak na gustong-gusto niyang malaman kung kailan.

Gaya ng ngayon, karamihan sa atin, ‘pinaghahandaan’ talaga ang kanilang mga kaarawan, gumagasto ng malaki, nagpapakain. Yung iba nalulungkot pa pag walang handa.
Ngayon, may nakasulat ba sa Biblya na gawaing ganyan? May inutos ba ang Diyos na ganyan ang gawin niyo pag-birthday niyo??

Hindi ba wala??

So ibig sabihin hindi porket hindi ‘nakasulat’ at hindi porket hindi ‘inutos’ ay mali na at hindi na dapat gawin. Hindi naman siguro galit ang Diyos sa gawaing ganyan diba?

Ang ‘pag-alala at pagdidiriwang’ ng ‘kaarawan ay mahalaga ba yun?

Kung ako ang tatanungin, ang sagot ko OO, importanteng ”araw” siya for me kase ito ang unang araw na nabuhay ako sa mundo.

Ang Panginoong Hesus ay ipinanganak sa araw ng walang sinumang nakakaalam. Gaya ng ‘pag-alala’ natin sa ating mga kaarawan, wala naman sigurong masama kung isagawa ang ”pag-alala” ng araw na isinilang ang ‘lamb of God’ na magliligtas sa sangkatauhan.

Yun na nga walang nakakaalam kung kailan talaga, at yan ang madalas tinutuligsa ng mga anti-christmas, wala daw December 25 sa Bibliya kaya bakit daw sa Dec.25 nagcecelebrate tayo.

Ngunit ang tanong, mahalaga pa ba yun? Kailangan nakasulat muna talaga sa Bibliya?
Hindi nga nakasulat sa Bibliya na inutos ng Diyos na gumawa ng Bibliya, eh mali pala ang Simbahan sa pag-buo ng Bibliya kase hindi inutos sa Bibliya ni ng Panginoon na bumuo ng Bibliya?

Eh kasi ang totoo nyan, wala naman talagang Desyembre 25 sa Bibliya, wala namang ‘calendar’ noon na sinasabit. Kung bakit Desyembre 25 ay may mahabang paliwanag dyan.

Ang ‘Christmas’ ay galing sa Latin na ‘Christes Masse’ na ibig-sabihin Mass of Christ or Christ’s Mass. Ang ‘Pasko’ naman na siyang ginagamit nating mga pilipino ay “Pascua” na galing sa salitang Kastila.

Ganun paman, hindi sa ‘pangalan’ ang mahalaga.

Si Santa Claus naman ay galing sa ‘pangalan’ ni St.Nicholas sapagkat ang ‘diwa’ ng Pasko ay ‘pagbibigayan’, mahilig mamibagay ng gifts si St. Nicholas sa mga bata kaya naging tanyag ang kanyang pangalan. Ang ‘reindeer at pagdaan ng Santa Claus sa Chimney ay imahenasyon na ng mga tao. At hindi totoong may Santa Claus lalong hindi kasama sa doktrina. Ganun paman, hindi si ‘Santa Claus’ ang mahalaga.

Noon ang mga paganong romano ay gumagawa ng ‘tree’, pampaswerte daw, yun yung paniniwala nila. Ang mga Eskandinabya ay sumasamba sa mga ‘puno. Sa lumang tipan ang mga pagano ay sumasamba sa ‘puno’ (Jeremiah 10:3-5.) Ngunit ang talata ay tumutukoy sa Asherah poles at hindi ang Christmas tree. Ang Christmas tree ay naging isang physical preparation sa advent o sa paparating na Kristo at hindi namin ito sinasamba lalong hindi din doktrina. Ganun paman, hindi ang Christmas tree ang mahalaga.

Ngayon, ano ba talaga ang mahalaga sa pagdidiriwang ng Pasko? Desyembre 25 ba talaga ipinanganak ang Panginoong Hesus? At nasa Bible ba ito?

Ngunit bago yan, alam niyo ba na ang mga other old churches, not Roman Catholic ay NAGDIDIRIWANG sa ‘kaarawan ng Panginoon’ sa ibang petsa? at hindi namin alam kung papaano nila pinili ang mga araw na yun. Basta sa unang panahon pa lamang naging tanyag na ang ‘pagcecelebrate’ ng ‘kaarawan’.

Wala pong kalendar noon na gaya ng sa kalendar natin ngayon kaya malamang wala po sa Bible ang December 25, Hebreo kalendar po ang kalendar noon. Ang Abiv na kilala rin bilang Nisan ay pangalan ng buwan sa Hebreo na tumutugma sa mga buwan ng Abril at Mayo.

Sa mga Kristiyano, ang paschal lamb o kordero ay ang Panginoong si Hesu Kristo. Sinabi nga ni Juan Bautista sa Juan 1:29, “Tunghayan n’yo ang Kordero ng Diyos na NAG-AALIS ng KASALANAN ng sanlibutan.”

Tuwing ika-25 ng Disyembre ay ginugunita natin ang kapanganakan ng “Kordero ng Pascua” na nagliligtas sa atin.
Sinimulan ni Lucas ang kuwento nang magpakita ang anghel na si Gabriel sa pari na si Zacarias habang ang huli ay nagsusunog ng insenso sa loob ng “Holy of Holies” o sanctuaryo ng templo ng mga Hudyo. (Lucas 1:5-20)
Dito ay ipinahayag ni Gabriel na si Zacarias at ang asawa nitong si Elisabet ay magkakaanak at ang ito nga si Juan Bautista.

Ayon sa Bibliya, isang beses lang sa isang taon maaaring pumasok ang sinuman sa loob ng sanctuaryo at ito ay sa Day of Atonement ng mga Hudyo. Ayon sa Leviticus 16:29, ang araw na ito ay sa ika-10 araw sa ika-pitong buwan. Sa kalendaryo ng mga Hudyo ito ay pumapatak sa ika-10 ng buwan ng Tisri.

Nang mabuo ang Gregorian Calendar na siyang ginagamit natin ngayon, natukoy ang katumbas na araw ng Tisri 10 sa Setyembre 20. Dito na natin susundan ang mga pangyayari.

Ang mga pari noon ay isang linggong nagsisilbi sa templo at sila ay umuuwi na. Sabi ng Bibliya, matapos nito ay “nagdalantao si Elisabet.” Pumapatak ito bandang Setyembre 25.

Ayon sa Lucas 1:26-27, 26 Nang ikaanim na buwan ng PAGDADALANG-TAO ni Elisabet, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang lunsod sa Galilea,…upang kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala’y MARIA.

Ang pangyayaring ito ay tinatawag sa Iglesia Katolika na “The Annunciation” dahil dito inihayag ang magiging pagsilang ng Panginoong Hesus, ang “Anak ng Kataas-taasan.” Ito ay sa pamamagitan ng paglukob ng Espiritu Santo kay Santa Maria. (Lucas 1:31-35)

Kung bibilangin natin ang ikaanim na buwan ng pagdadalantao ni Elisabet simula sa Setyembre 25, papatak ang “Annunciation” sa Marso 25, ang unang araw ng PAGBUBUNTIS ni Maria.

Mula sa Marso 25 ay bibilang lang tayo ng siyam na buwan (ang panahon ng pagbubuntis ng isang babae) at matutukoy na natin ang araw ng kapanganakan ng Panginoong Hesus. At ito ay sa Disyembre 25.

From September na nagdalang-tao si Elizabeth hanggang sa ika-anim na buwan ng pagdadalantao niya, from September bilang lang tayo ng anim na buwan

September
1-October
2-November
3-December
4-January
5-February
6-March

Pumapatak na sa March 25, nagdalantao ang Inang Maria. From March 25 ulit tayo ng siyam na buwan at ang araw na yun ang araw ng pagsilang ng Panginoong Hesukristo.

March 25
1-April 25
2-May
3-June
4-July
5-August
6-September
7-October
8-November
9-December 25

Upang mas maunawaan, isa-isahin natin.

1. Day of atonement ng mga hudyo ay tuwing Tisri 10 nagaganap at pumapatak ito sa September 20 (sa kalendar natin ngayon)
2. Isang linggo sa Templo sina Zacarias at Elizabeth
3. Pagka-uwi nila ay saka nagdalantao si Elizabeth at pumapatak sa September 24, 25 (kung bibilang ka ng siyam na buwan, June ang kalalabasan. . kaya sa June, ginugunita ang kapistahan ni San Juan)
4. Anim na buwan ang tiyan ni Elizabeth ay ang araw na kinausap si Maria ng anghel na si Gabriel na siya ay magdadalantao sa araw na rin na iyon
5. Anim na buwan ang tiyan ni Elizabeth nung araw na nabuntis ang Santa Maria
6. September 24, 25, nabuntis si Elizabeth so nung ika-anim ng buwan ng tiyan niya ay March 24,25
7. March 25 nabuntis ang Inang Maria
8. Bilang tayo ng siyam na buwan mula sa araw ng pagbubuntis ng Inang Maria. At papatak iyon sa DECEMBER 25

Dahil po ‘mahalaga’ ang mga kaarawan natin, higit na mas mahalaga ang kaarawan ng ating Panginoong Hesus, dahil ang araw ng Kanyang ‘pagsilang’ ay simula ng ‘araw’ ng ‘pagliligtas’ ng Diyos sa atin.

Ang December 25 ay hindi lang basta dineklara ni Constantine, may basehan yun. Hindi namin ginaya ang Sol Invictus na siyang ‘pagsamba’ sa liwanag or sun ng mga pagano. Si ‘Constantine’ na isang emperador ng Imperyong Romano ang siyang ka-una-unahang emperador na naging ”Christiano” . Nakita niya at naawa siya sa mga ibang kalahi niyang pagano na nalalayo sa Diyos at sumasamba sa mga diyos-diyosang araw. Sobrang hiwaga ng Diyos dahil ang maling pagdidiriwang ng mga pagano noon ay naging mabuti at tama. Upang ma-alis ang gawaing “THE FEAST OF SATURN, BIRTHDAY OF THE UNCONQUERED SUN.”

Sa pagcecelebtare nila[pagano] ay may mga pag-iinum at pagsalo2x at exchange gifts na ginagawa nila. Kaya kung papansin natin parang magkapareha sa ”paskong” ginagawa naming mga katoliko NGUNIT, iba at baliktad sa ”pananampalatayang” meron kaming mga Kristiyano ngayon sa mga pagano noon.

Lights, Christmas tree, decorations, santa claus, exchanging gifts…mga simpleng ”activities” na may pagkapareho sa mga pagano. Ngunit hindi naman ang mga yan ang diwa ng ‘pag-alala at pagdidiriwang’ namin kundi yung mismong ipinagdidiriwang, ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng ating mga kasalanan, walang iba kundi ang ating Panginoon at tagapagligtas na ang Panginoong HesuKristo. Kaya sa ‘Pasko’ ang Panginoong Hesus ang mas dapat nating tanggapin, hindi ang mga materyal na nabubulok.Siya ang pinakamahalaga sa lahat ng ”regalo” na matatanggap natin. Regalo ng Diyos Ama na ibinagay Niya ang Kanyang bugtong-Anak na si Hesus na Siyang Diyos para sa sanlibutan. (Jn.3:16)

Hindi man natin alam kung kailan ang eksaktong petsa ng kaarawan ng Paninoong Hesukristo, basta ang mahalaga GINUGUNITA at PINAGDIDIRIWANG natin ang Kanyang Kaarawan na tinatawag nating ”CHRISTMAS”. Hindi petsa ang ipinanganak kundi ang Panginoon. Wala mang nabanggit sa Bibliya na eksatong petsa, ngunit malinaw sa Banal na Kasulatan sa Bagong Tipan na ISINILANG ang ating Panginoong Hesu-Kristo. Maging ang mga anghel ay nagsaya at nagdiwang sa araw ng kapanganakan ng Panginoon. (Luke 2:11-13) Tayo pa ba? Na siyang natatanging layunin sa pagsisilang?

Christmas reminds us the gift of salvation. It reminds us how God loves us. Napaalala saten nito ang wagas na PAG-IBIG ng Diyos saten. Ang pagiging MAPAGBIGAY Niyang Diyos. Because of God’s LOVE, He GAVE His Son.
It challenge us to do the same. TO LOVE and TO GIVE. It is the perfect showing of love. It is the real spirit of Christmas. For us Catholics, It is not the date that really matters. What is the most important for us during Christmas is the ONE whom we celebrating, JESUS CHRIST.

MERRIEST CHRISTMAS TO ALL! ???
-Nikita

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

Leave a comment

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Homo Sexuality Marriage Samesex marriage

Same-sex Marriage and Homosexuality.

  By Coco Apologist What is Homosexuality? According to the (Catechism of the Catholic Church 2357), “Homosexuality refers to relations