The Moment of Truth by: Admin Coco
Full Question: Nagpakita ba talaga ang Anghel ng Dios na si Angel Gabriel ky Muhammad?
Sagot Ni Admin Coco:
Ang Anghel ng Dios kailanman ay hindi nagpakita kay Muhammad sa Cave of Hira. Ang mga sumusunod ay magpapatunay na hindi nga talaga nagpakita ang Anghel ng Dios kay Muhammad:
A. Mayroong mga contradiction: Nagbigay ng mensahe si Angel Gabriel ky Maria, Ang ina ni Hesus, at si Hesus ay tatawaging Anak ng Dios (Luke 1:35). Si Angel Gabriel ay nag bigay ng mensahe kay Propeta Daniel na sinasabing naparito ang Messias upang mamatay para sa kasalanan ng mundo (Dan 9:24-26). Ang Espiritu na nagsalita ky Muhammad ay nagbibigay ng isang contradiction. Sa katunayan ang biblical na Angel Gabriel ay hindi nakipag usap ky Muhammad.
B. Sa bibliya ang mga nagpapakita po ay nakikilala nila. Kay Muhammad po ay hindi, sina Zachariah, Daniel at Maria ay kilala nila na si Angel Gabriel ang nag pakita sa kanila (Daniel 9:21, Luke 1:19, Luke 1:26-35). Si Muhammad ay walang kamalay malay kung sino ang nilalang na nagpakita at kumausap sa kanya sa Cave of Hira. Sa katunayan tanging ang kanyang asawa na si Kadijah at ang kanyang pinsan ang siyang nag sabi na si Angel Gabriel ng bibliya ang nagsalita ky Muhammad.
C. Sa bibliya wala tayong mababasa na pinuwersa sila ng mga nilalang na nag pakita sa kanila. Pero kay Muhammad siya ay pinuwersa ng Espiritu na nagpakita sa kanya. Pinuwersa siya na magbasa kahit hindi siya nakakabasa. At ang pang yayaring ito ay nang yari ng Tatlong ulit.
D. Ang espiritu ay isang ‘Ignoranteng Angel’ dahil hindi niya alam na si Muhammad ay hindi marunong magbasa. Ang espiritu ay pinuwersa na magbasa si Mohammad ng tatlong beses. Ang isang tunay na Anghel ng Dios ay dapat alam na ang kahinaan ng kanyang pinagpakitaan.
E. Matapos ang pangyayari sa Cave of Hira si Muhammad ay takot na takot as in sobra, at kahit na siya ay nakauwi na sa kanyang asawa na si Kadijah, ang kanyang unang asawa, ay siya ay takot na takot pa din habang sinasabi na ‘Itago niyo ako, Itago niyo ako’. Ang pangyayaring ito na nararanasan ni Muhammad ay tumagal ng mga ilang araw.
Sa mga biblical prophets like Moses, Daniel, Elijah when angels spoke to them. They did not terrify at all.
F. At tinangka pong magpakamatay ni Muhammad dahil sa pangyayaring iyon. (Ibn Ishaq, p.106; Bukhari 6982)
Conclusion:
Atin pong tandaan na ang Anghel ng Dios ay hindi kailanman magdadala o mag dudulot ng takot sa atin bagkus siya ay magdadala sa atin sa kaliwanagan.