1. Boring!
Yan! Yan ang pinaka-unang reason kung bakit sila umaalis dahil boring daw, nakakatamad daw pumasok kasi sobrang tahimik tapos pari lang daw ang nagsasalita. And feeling daw nila hindi daw dapat ganoon ang pagsamba sa Diyos. Dapat masaya at maingay. Kaya ayun! Convert na lang sila.
2. Wala daw kwenta ang sinasabi ng Pari lalo na sa pagho-homily.
Paano magkakakwenta iyon eh hindi mo naman ini-aaply sa buhay mo. Hindi mo isinasabuhay ang naririnig mo eh.
3. Makasalanan daw ang mga Pari. Hindi daw dapat ganoon iyon.
Natural! Tao lang din ang mga Pari natin. Kagaya lang natin sila. Pero hindi naman yata dapat maging dahilan iyon para umalis ka. Hindi naman perpekto ang mga Pari natin eh. Tao lang din sila nakakagawa din sila ng kasalanan. Walang taong hindi makasalanan bes! Si Jesus lang ang hindi makasalanan sa ating lahat.
4. Sinasamba daw natin si Mama Mary at ang mga Santo.
As if naman no!’ Paano naging pagsamba ang paggalang? Ano ba ang pinagkaiba ng veneration sa worship. Ating alamin ito.
Latria- Adoration and Worship and Highest honor belongs to God alone. Si God lang ang sinasamba at dapat sambahin. HINDI si Mama Mary at mas lalong HINDI ang mga Santo.
Hyperdulia- Second to the highest honor or special veneration belong to Mama Mary alone. Bakit? Kasi siya ang ina ni Jesus. Siya ang ina nang ating Panginoon. She is the blessed one we DON’T WORSHIP Mama Mary, we HONOR her.
Dulia- The honor that was given to all the Saints. Because they follow God with all their hearts.
See? Ang linaw di ba?!
5. Hindi nila alam ang pinaniniwalaan nila. Wala silang alam sa sa pagiging Katoliko nila.
Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit sila umaalis sa simbahan. Never silang nag-aral sa paniniiwala nila. Kaya madali silang naaakay eh. Ni bibliya nga hindi nila mahawakan kahit siguro ang Rosaryo hindi nila alam kung paano i-recite. Iniisip nila na lahat ng aral ng mga Katoliko ay mali daw kasi wala nga silang alam. In short, IGNORANTE SILA.
Kaya kapatid bago ka umalis mag-aral ka muna, para wala.kang sinisisi pag nagkamali ka Ha?!
Dominus Vobiscum et Pax Vobis!
-Admin Sikolohistang Tagapagtanggol