Isang grupo ng mga Madre nagpapaaral ng LIBRE. Ayon sa Domus Mariae nasa 4,000+ na mga kababaihan ( Girlstown) pinag aaral ng Sisters of Mary sa Pilipinas ng libre ( tuition, damit, pagkain, toiletries). Isang grupo ito ng mga Katolikong kababaihan na inialay ang buhay sa paglilingkod. Bukod pa dito ang mga 4,000 na kalakakihan (Boystown). Ito’y sa Luzon pa lamang at iba pa yun nasa Visayas-Mindanao. At may mga ganito rin silang institusyon sa Korea at iba’t ibang bansa.
Taliwas naman ito sa laging sinasabi na mga Kritiko ng Simbahang Katolika na “Walang ginagawa ang Simbahan para tulungan ang mga mahihirap”. – Admin Coco, Apologist