Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF Faith Religion

EASTER MONDAY REFLECTIONS: “Ang Pagkakita kay Jesus”

Photo image: http://wnet.fm

Abril 2, 2018. Oktaba sa Pasko ng Pagkabuhay

Salmo 16: D’yos ko, ang aking dalangi’y ako’y iyong tangkilikin. 

Ebanghelyo: Mateo 28:8-15

At dali-dali nga silang umalis sa libingan na may magkahalong takot at galak, at patakbong pumunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.

Ngunit sinalubong sila ni Jesus at sinabi, “Magalak kayo!” Lumapit sila sa kanya, hinawakan ang kanyang mga paa at sinamba siya. Sinabi sa kanila ni Jesus, “Huwag kayong matakot! Magmadali kayo’t sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon!”

Pagkaalis ng mga babae, pumunta sa lunsod ang ilan sa mga kawal na nagbabantay sa libingan at isinalaysay sa mga punong pari ang buong pangyayari. Nakipagpulong naman ang mga punong pari sa mga pinuno ng bayan at nagkasundo silang suhulan nang malaki ang mga kawal. At ang mga ito ay inutusan nilang ganito ang ipamalita, “Habang natutulog kami kagabi, dumating ang mga alagad ni Jesus at ninakaw ang kanyang bangkay.”

Sinabi pa nila, “Huwag kayong mag-alala kung makarating man ito sa gobernador. Kami ang bahala!”

Tinanggap ng mga bantay ang suhol, at ganoon nga ang kanilang ginawa. Kaya magpahanggang ngayon ito pa rin ang balitang ipinagsasabi sa mga Judio.

Pagninilay:
Ang ating pagtatagpo kay Jesus ay maaring magbunga sa dalawang paraan na ipinakita ngayon sa ebanghelyo. Maaring mapuno tayo ng galak at takot. Dahil ito sa kabutihan ng Diyos at sa ating pagkabigla sa kanyang kapangyarihan na kayang pagtagumpayan lahat higit sa anumang tao dito sa mundo. O kaya naman ay maging kapareho tayo ng mga bantay na nasuhulan. Palibhasa’y nabigyan ng materyal na bagay at pera, ay pinagpalit nila ito sa pagbabalita ukol sa kabutihan at katotohanan ng Panginoon.

Tayo man sa buhay natin ay may katungkulan na ipahayag ang kabutihan ng Diyos. Hindi kailangan ng malalaki at magagarbong bagay pero sa maliliit na paraan at sa kaya natin ay maari tayong makibahagi sa kanyang pagmamahal. Simula sa ating sariling bahay, sa pagiging responsible sa pamilya, sa pag-aaral at sa trabaho lahat ito ay maaring maging paraan na makapagsilbi sa iba kasama ni Cristo, para sa kanya at mula sa kanya. Kaya lamang, madalas tayo ay hindi makadama at madaling makalimot. Nakakalimutan natin na kung saan man tayo tulad ng mga babaeng alagad ni Cristo ay mismong ang Panginoon ang lumalapit sa atin upang ipakita ang kanyang sarili sa atin. Kasama natin siya anumang oras hanggang sa mga sandaling ito kung atin lamang dadamhin at tatawagin si Cristo ay matatagpuan natin siya.

Ano man ang sabihin ng iba o gawin sa atin ng iba, bilang Kristyano ay tinatawag tayong gumawa ng mabuti. Maraming paraan tulad na lamang ng pagtanggap sa mga hindi naalaala at mga naapi at simpleng pagbigay ng pagkain sa mga nagugutom. Napakarami sa atin ang napakaraming biyaya na natatanggap mula sa ating Panginoon ngunit ilan sa atin ang nagbabalik ng biyayang ito sa kanya bilang pasasalamat? Nang sa gayon ang iba rin naman ay makaranas na makita at madama si Cristo sa atin.

Madalas nga naman kasi ay hindi natin siya makita sa likod ng mga mabubuting bagay sa ating buhay. Sa ating pagmamataas sa sarili, akala natin sa atin lahat nanggaling lahat ng maganda at mabuti sa ating buhay. Ngunit ang totoo ay ang Diyos ang siyang pinagmumulan ng lahat ng mayroon tayo. Maging ang ating mga sariling talento at pagsisikap para makamit ang mga bagay na minimithi ay galing sa Diyos. Dahil siya ang lumikha sa atin at pinagmumulan ng lahat.

Ilan ba sa atin ang bumalik sa Panginoon upang bilangin ang biyaya at magpasalamat sa nag-uumapaw niyang kabutihan na ipapamahagi sa ibang tao? Ilang beses kaya nating tinalikdan at tinanggihan ang mga kapatid nating may kailangan na humihingi ng ating tulong dahil hindi natin makita ang Diyos sa mga bagay na ito?

Pagnilayan ito sa katahimikan ng iyong puso.

Panalangin: Panginoon, maraming salamat sa iyong mga biyaya at pagmamahal sa amin. Kahit pa kami ay nahihirapan makakita at makaintindi ay hindi mo kami kailanman pinapabayaan hanggang sa mga oras na ito.Ikaw ay matiyagang naghihintay upang makilala ka pa naming ng lubos at mahalin.

Tulungan mo ako na mas maging bukas ang puso at isip sa mga may kailangan ng tulong mo. Gamitin mo ako upang mas marami pang magmahal sa iyo. Amen. +

Isang mapagpalang Lunes sa ating lahat!

Tulungan ninyo kaming ipamahagi ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pag-CLICK at SHARE nito. I-TAG na rin ang inyong mga kaibigan sa post na ito!

Maraming Salamat sa Inyong Pagsubaybay!

Copyright Reflections Written By:

Admin. Frances Mary Margaret

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

Leave a comment

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?