Apologetics / Reflections Christ God Died Theology Jesus Christ

Binuhay ng Diyos ang Panginoong Hesukristo?

Ang Panginoong Hesukristo ay Diyos, samakatuwid, BINUHAY ng Diyos ang Kanyang Sarili?

Photo Image: https://i.pinimg.com

Yes! Binuhay po ng Panginoong Diyos ang Kanyang Sarili.Even though sa Banal na Kasulatan, may mga nasusulat na binuhay ng Diyos ang Panginoong Hesus, yun po ay kinakailangan na masulat. Alam po natin na hindi direktang inangkin ng Panginoong Hesus na Siya ay Diyos, sapagkat kung aaminin Niya po yun ng direkta malamang po siguro hindi pa matatapos ang misyon Niya ay papatayin na po Siya. Kung bakit kailangan ng Diyos na maging tao, maipako sa krus at mamatay ay may malaking dahilan o layunin ang Diyos. Now, hindi porket may nasusulat na binuhay ng Diyos ang Panginoong Hesus ay hindi po ibig-sabihin na hindi na po Siya[Hesus] Diyos.

Sapagkat ang katotohanan ay binuhay ng Diyos[Hesus] ang Kanyang sarili. Diyos Siya at kung gugustuhin Niya ng mamatay at mabuhay ng muli ay magagawa Niya.

John 10:17-18

17“For this reason the Father loves Me, because I lay down My life so that I[himself] may TAKE IT again. 18“NO ONE has taken it away from Me, but I lay it down on MY OWN initiative. I have authority to lay it down, and I have authority to TAKE IT UP again. This commandment I received from My Father.”

Malinaw po ang sabi ng Panginoong Hesus, walang sinumang makakapatay sa Kanya at may kapangyarihan po Siyang ibigay ang buhay Niya at BAWIIN ito. Binuhay po ng Diyos ang Kanyang Sarili.. The divinity can’t undergo death. We knew that Lord Jesus Christ has two natures, Human Nature and Divine Nature. Our Lord Jesus Christ is not only Godhead, but He is united with a human body. He took on Himself a body of a human nature and that’s why He called a “Son of Man”. His human body united with the Holy Spirit which is mortal like ours, but it is united with the divine nature without separation. When He died on the cross, He died in the body, in the human body. Ang katawan lamang po ang namatay sa Kanya[Hesus], ang DIVINITY po ay wala pong kamatayan. There is no separation of two natures. Hindi po nahiwalay ang human nature ng Panginoong Hesus-Kristo sa divine nature Niya nung namatay po Siya. Therefore, we considered to say that God was died.

Since the Father is God, that’s why we can read in the Bible that God the Father had raised Christ from the dead (Acts 13:30), since ang Panginoong Hesus ay Diyos, binuhay naman po Niya ang Kanyang sarili (John 10:17-18) , since Diyos ang Espiritu Santo binuhay naman po ng Espiritu Santo ang Panginoong Hesus. (Romans 8:11)

Ibig-sabihin po ba nun tatlo ang bumuhay kay Hesus, the Father, Himself and the Holy Spirit?

Hindi po!

ISA lang po ang Diyos kaya isa lang po ang bumuhay sa Diyos. When we say ”God”, it’s not only the Father neither only the Son nor only the Holy Spirit, but the Three Distinct persons. Trinity is ONE GOD in Three Persons.

Binuhay ng Diyos[Blessed Trinity] ang Panginoong Hesukristo. Di po ba ang lalim?
May tatlo pong magkakaibang persona, ngunit IISANG Diyos lamang po sila[three persons]. Ganun po kahiwaga ang Diyos. Walang sinu mang tao sa ISIPAN Niya ang makakakilala at makakaunawa ng lubos sa kahiwagaan ng Diyos. Maging ang buong Bibliya ay walang kapangyarihang to completely and totally define Him.

Mahilig po sa talinghaga ang Panginoong Hesus, kaya po yung iba ay hindi po minsan nauunawaan ang ibig-niyang sabihin. Kailangang wag maging literal masyado sapagkat hindi mo talaga mauunawaan.

Isa sa naging dahilan kung bakit papatayin ang Panginoong Hesus ay dahil sa pagsabi Niyang[Hesus] gigibain ang TEMPLO ng mga pariseo at sa TATLONG-ARAW ay ITATAYO Niya itong MULI.

Juan 2:19-21 MBB

19 Sumagot si Jesus, GIBAIN[papatayin] ninyo ang Templong ITO, at sa loob ng tatlong araw ay MULI KO ITONG ITATAYO. 20 Sinabi ng mga pinuno ng Judio, Apatnapu’t anim na taong ginawa ang Templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw? 21Ngunit ang templong TINUTUKOY ni Jesus ay ang Kanyang KATAWAN.

TAKE NOTE: MULI KO

Hindi po Niya sinabing MULING ITATAYO ng AMA o Diyos. Ang sabi Niya ”MULI KO ITONG[katawan Niya] ITATAYO[bubuhayin]”. Siya[Heus] po ang bumuhay sa Kanyang sarili. Kailangan po Niyang MABUHAY talagang MULI sapagkat kung hindi po Siya NABUHAY’ng MULI, wala pong saysay ang ating pananampalataya. (1 Cor 15:14 )

Malinaw po ang sabi ng Bibliya na ang SINUMANG naniniwala na BINUHAY ng Diyos si Hesus ay MALILIGTAS.

MANIWALA po tayo na BINUHAY po ng Panginoong Hesus[Siyang Diyos] ang Kanyang Sarili! Ganun pa man, ang PAGKABUHAY ng Panginoong Hesus ng MULI ay ang mas mahalaga na siyang atin ding dapat na paniwalaan. Dahil sa paggunita natin sa Easter taon-taon, napapaalala saten nito ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos satin. Na ibinigay Niya ang Kanyang Anak at ibinigay ng Anak ang Kanyang Sarili para tubusin ang ating mga kasalanan. At napapaalala satin ang pagiging obedient ng Panginoong Hesukristo sa pagsunod sa Kanyang Ama na siyang ating dapat tuluran. Kung magiging masunurin lang tayo sa Diyos, makakamit din natin ang MULING PAGKABUHAY.

HAPPY EASTER TO EVERYONE!

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

Leave a comment

You may also like

Apologetics / Reflections Homo Sexuality Marriage Samesex marriage

Same-sex Marriage and Homosexuality.

  By Coco Apologist What is Homosexuality? According to the (Catechism of the Catholic Church 2357), “Homosexuality refers to relations
Apologetics / Reflections Salvation Salvation by Faith Alone (Sola Fide)

No Salvation Outside the Catholic Church?

  “OUTSIDE THE CATHOLIC CHURCH THERE IS NO SALVATION?”   What do we mean about this? Do we mean that