Apologetics / Reflections Bible Catholic Church Protestantism

Biblia Dinagdagan Daw ng mga Catholico By: Apolohistang Katekista

Napakalapastangan daw nating mga Catholico dahil daw dinagdagan natin (ayon sa paratang nila) ng 7 aklat (Deuterocanonicals) ang Biblia, tawag nila sa mga 7 Books na iyon ay mga Apocrypha o kahinahinala, unscriptural.  😀 Totoo kaya ang paratang ng mga nilang ito? Sasagutin po natin.
I. Wag Daragdagan o Babawasan Man
Una, mga kapatid naming Catholico, ang modus operandi ng mga erehe na kalaban ng Simbahan para makuha kayo ay “kokonsensyahin nila kayo” gamit ang verses ng Bible na pinilipit nila upang magkaroon ng maling interpretation na aayon sa kanila. Kadalasan double standard pa ang mga iyan. Halimbawa ng verse na “ipangkokonsensya” nila sa atin ay ang nakasulat sa Revelations 22:18-19 na ganto po ang nakasulat:
” I warn everyone who hears the words of the prophecy of this book: if anyone adds to them, God will add to that person the plagues described in this book; if anyone takes away from the words of the book of this prophecy, God will take away that person’s share in the tree of life and in the holy city, which are described in this book. “
Ayan, sabay bulalas ng mga erehe ” Kitam nyo bawal dagdagan, eh bakit kayo dinagdagan nyo yung books ng bible eh dapat 66 Books lang, yung nasa ‘KJV’. Nako, delikado ka pre dyan sa katolisismo, madadagdagan ka ng sumpa. Umalis ka na dyan, tangapin mo na si Jesus as your Lord and Personal Savior, magborn again ka na, sigurado Saved ka. ” Nakakatawa ano po?  Tingnan natin ang mali nilang pagiinterpreta.
A) Nang sabihin sa Revelations 22:19-18 na if anyone adds to them or takes away from the words ang tinutukoy lamang niya duon ay ang aklat lamang ng apocalipsis sa partikular, dahil ang sabi dun sa Verse: ” the words of the book of THIS PROPHECY. ” Hindi po namin sinasabi na pwedeng dagdagan ang Biblia, wala pong ganun, bawal po dagdagan ang Salita ng Dios (Deut. 4:2) itinatama lang po natin ang maling gamit ng iba na mga kumakalaban sa Simbahan. At dahil nga po sa ang Biblia ay kumpleto na at nakainterperse ang Aklat ng revelations sa Biblia ay masasabi nating tumutukoy ito sa buong biblia.
B) Wala pong idinagdag ang mga Catholico sa Biblia, ang Original Canon po ay mayroon talagang 73 Books. Kaya ang issue po dito ay hindi sa kung sino lamang ang nagdagdag, kundi sa kung sino po ang nagbawas pagkatapos magdagdag (Martin Luther).
II. Wala po Kaming Idinagdag sa Biblia
Fourth century palang ay kumpleto na at nakanonisa na ng Simbahan ang Biblia na meron tayo ngayon. Ang 73 Books na matatagpuan natin ngayon sa Catholic Bible ay ang orihinal na Canon. Napagtibay ito at naauthenticate nang lima o anim na beses sa iba’t ibang Councils sa kasaysayan ng Simbahan. Una sa sa Synod of Rome (382 AD), pangalawa sa Council of Hippo sa pangunguna ni Pope Saint Damasus I (393 AD), pangatlo sa Council of Carthage (397 AD), sa sulat ni Pope Innocent I kay Exsuperius na Obispo ng Toulouse (405 AD), sa ikalawang Konsilyo ng Carthage (419 AD) at sa Council of Trent (1546). Ang Canon na nacanonisa at naotentika sa mga konsilyo na ito ay ang Bibliang Catholico na ginagamit ngayon ng Simbahan sa kanyang mga Liturhiya na sa kawalang-utang na loob ng mga protestante, para lamang maitindig ang kanilang inimbentong mga sariling doktrina ay pinilas ang mga aklat ng Deuterocaninco mula sa Biblia na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng mga BIBLIANG KULANG-KULANG na naglalaman lamang ng 66 na aklat mula sa orihinal na canon na mayroong 73 na mga aklat. sa katunayan tinanggal din ni Luther ang Epistle ni st James dahil sumasalungat ito sa kanyang sariling doktrina na sola fidei o faith alone, pero binalik nya rin.
III. Mga Protestante: Guilty sa Pagbabawas ng mga Inspiradong Aklat Mula sa Biblia
Kung hindi naman pala natin dinagdagan ang Biblia, eh bakit kulang yung ginagamit nila? Bakit mayroong mga Bible na naglalaman lang ng 66 Books na siyang ginagamit hindi lamang ng mga Protestante kundi maging mga mga huwad na Iglesiang parang mga kabute na biglang nagsulputan? Sino ang salaring malupet!  Iisa lang naman ang pasimuno ng kaguluhang ito, ang “FATHER” ng Protestantismo…walang iba kundi si MARTIN LUTHER (1483-1546 AD). Pinagtatanggal niya ang Deuterocanonicals mula sa Biblia dahil sinusuportahan nito ang Doktrina ng Purgatorio, panalangin para sa mga patay, mga indulgencia atbp dahil hate na hate niya ang mga doktrinang ito. Tinangka din niyang alisin mula sa Biblia ang Sulat ni Santiago (Epistle of James) dahil kumokontra ito sa kanyang gawa-gawang doktrina na Sola Fidei o Faith Alone., dahil maliwanag na mababasa sa James na ” Faith without works is DEAD! ” Pero nadedo na sya lahat-lahat hindi nya naialis yun sa Bible at bandang huli ay napilitan nalang syang lunukin ang Epistle of James at kilalanin ito as Inspired word of God.
Sa loob ng 1100 years hanggang sa mga unang taon ng Reformation ay kinikilala ng lahat ng mga Kristyano ang Canon ng Catholic Bible na mayroong 73 Books (76 na aklat mula sa Lumang Tipan at 27 na aklat naman sa Bagong Tipan) hanggang nang magrebelde si Luther at pilasin ang 7 aklat mula sa Lumang Tipan. Anyway, ang mga Protestante lang naman ang nagtaguri sa Deuterocanonicals na Apocrypha o ‘Unscriptural’ nuong ika-16 na siglo matagal na ding panahong patay si Martin Luther ng mga panahon iyon.
IV. Konklusyon
Kaya, base sa history, na hindi nila kayang tutulan, na talaga namang ayaw na ayaw nila, WALA PONG IDINAGDAG ANG CATHOLIC CHURCH SA BIBLE as a matter of fact IF THERE’S NO CATHOLIC CHURCH THERE IS NO BIBLE! Ang Catholic Church ay ang nagbigay ng Biblia sa mundo, kaya utang na loob (kahit wala sila nun) ng mga Protestante at mga Iglesiang sulpot sa Iglesia Catholica kung bakit meron silang Bibliang ginagamit ngayon. Pasalamat din ang mga Bulaang Propeta at Apostol tulad nina Quiboloy, Ferriol, Mama Eli, Ellen G. White at Manalo Family kung bakit mayroon din silang biblia na nagagamit nila sa mga negosyo nila, may nagamit pa silang gatasan! It is the truth mga kapatid at kababayan, ayaw namin manakit ng damdamin but the faith obliged us to tell this things to you para matauhan kayo dahil…”THE TRUTH SHALL SET YOU FREE!”
Uulitin po namin WALA PONG IDINAGDAG ANG CATHOLIC CHURCH SA BIBLE pero ang mga Protestante WALANG HABAS NA BINAWASAN ANG ORIHINAL NA CANON NG BIBLIA! Dito palang po, kitang-kita na natin, mas malaki pa sa Fita at mas maliwanag pa sa sikat ng haring araw na nilabag ng mga Protestante ang sarili nilang Doktrina na SOLA SCRIPTURA sa kanilang walang habas na pagpilas ng 7 aklat walo pa nga dapat eh mula sa Biblia para lamang maipaglandakan ang sarili nilang gawang doktrina.
This is the truth, hindi man ito tanggapin ngayon o sa milyong taon pa, ang katotohanan ay mananatiling katotohanan. Patnubayan nawa kayo ng Diyos. Amen.
Ad Majorem Dei Gloriam!
Soluta Est Veritas!
Pro Deo Et Ecclesia!

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

Leave a comment

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Homo Sexuality Marriage Samesex marriage

Same-sex Marriage and Homosexuality.

  By Coco Apologist What is Homosexuality? According to the (Catechism of the Catholic Church 2357), “Homosexuality refers to relations