Ang paniniwalang “Bible Alone” na sa Latin ay ”Sola Scriptura” ay lumitaw lamang noong 1500s sa pamumuno ni Martin Luther na dating pari. Siya ang pinuno ng Protestanismo. Nag protest siya o kinalaban niya ang Iglesia Katolika kaya nga tinawag siyang “Protestante”.
At mula sa kanya ay marami na ngayon ang nag-protesta. Marami na ngayong nagsisilitaw na mga protestante. At gaya niya, naniniwala din sila sa Bible Alone. Magmula noon, ang Sola Scriptura na ang naging pangunahing doktrina ng lahat ng mga nagsulputang denominasyong Kristiyano.
Maging ang “Iglesia ni Cristo” na itinatag ni Felix Manalo Ysagun noong 1914, pati ang “Jehovah’s Witnesses” na itinatag naman ni Charles Taze Russell noong 1874, at maging Ang Dating Daan/The Church of God International na itinatag naman ni Eliseo Soriano noong 1976, ay pare-pareho ding naniniwala sa Sola Scriptura.
Yung mga sekta nila ay natayo gamit ang Bibliya. Maliban sa Bible Alone, meron din siyang(Luther) iba pang pinasimunuang aral na taliwas mismo sa Bibliya at yun ay ang “Faith Alone” na sa Latin ay “Sola Fide” . .na inadopt naman ng mga Born Again Christian.
Yun na nga, itong dalawang aral ni Luther ay magka-kontra. Hindi magkasundo. Bible alone lang daw, pero ung isa pa niyang aral na Faith Alone wala sa Bibliya. So kung Bible alone lang pala e, siya ang unang di sumunod ng aral niyang Bible alone kase yung aral niyang faith alone wala sa Bibliya.
Pangalawa, kung faith alone lang pala e maliligtas na tayo, bakit pa gagamit ng Bibliya? Diba engot lang hehe
–
Ganun paman, patuloy paring pinagpipilitan ng mga Protestante ngayon na ang ”Bible alone” ay tama at ito’y nakabatay daw sa Bibliya. Ito ang mga bersikulong kanilang ginagamit. .
–
#UnangTalata 2 Timoteo 3:15-17
Mula pa sa PAGKABATA, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng DAAN ng KALIGTASAN sa PAMAMAGITAN ng PANANALIG kay Cristo Jesus. Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at MAGAGAMIT sa PAGTUTURO ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.
–
Ang Timothy ay sulat po ni San Pablo kay Timothy at sa bersikulo pong iyan si San Pablo ang nagsasalita at malinaw po ang pagkakasabi ni San Pablo na mula sa PAGKA-BATA pa po ni Timothy ay ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo na ng daan sa kaligtasan.
Sa talatang yan. .una, totoo naman po talaga na ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan sa kaligtasan. Kung mapapansin po natin ang sinabi po ni San Pablo sa dulo na “sa PAMAMAGITAN ng pananalig kay Cristo Jesus”. Uulitin ko po sabi ni San Pablo, ”ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan na sa PAMAMAGITAN ng PANANALIG kay Cristo Jesus.” Take note: sa PANANALIG. Sa sinabi ni San Pablo, hindi lang Banal na Kasulatan ang ineencourage niya kundi FAITH kay Lord at sa sinabi ni San Pablo sa talatang iyan. .kabilang parin ang SIMBAHAN o IGLESIA dun. Because paano sila magkakaroon ng PANANALIG sa Panginoong Hesukristo kung isa silang hentil? Paano sila magkakaroon ng pananalig sa Panginoong Hesukristo kung hindi sila kabilang sa ASSEMBLY o IGLESIA ng Panginoong Hesukristo? Samakatuwid, in order na magkaroon sila ng FAITH kay Lord kailangang maging KRISTIYANO muna sila. So sa talatang yan, kabilang ang Iglesia at HINDI ”Bibliya lang”.
Pangalawa, sinabi ni San Pablo na “ang Banal na kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa PAMAMAGITAN ng PANANALIG kay Cristo Jesus”. Sa PAMAMAGITAN ng PANANALIG ang SINABI ni San Pablo. .HINDI po niya sinabi na ” ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa PAMAMAGITAN ng PAGBABASA nito o PAG-INTERPRET nito”. Hindi ganun ang sinabi ni San Pablo, ang sabi niya sa PAMAMAGITAN ng PANANALIG kay Cristo Jesus. At upang makapananalig ka sa Kanya(Hesus), pumasok ka sa Kanyang Iglesia. (Mateo 16:18 ; Juan 10:9)
Pangatlo, sa talatang yan. .yung Banal na Kasulatan na tinutukoy ni San Pablo ay HINDI ang Bibliya na gamit gamit niyo(protestants) ngayon na may mga chapters at verses na. HINDI. Kundi ang Banal na Kasulatan na tinutukoy ni San Pablo dyan ay ang SEPTUAGINT, kabilang na doon ang Deuterocanonico na TINANGGAL mismo ni Luther at ginagamit din ng mga protestante sa ngayon. So yang tinutukoy ni San Pablo ay hindi ang Bibliya mas lalong hindi ang Bibliya ng Protestante na walang Deuterocanonico. Kase kung ang ibig-sabihin pa talaga ni San Pablo sa sulat niya na iyan kay Timoteo ay Bibliya Lamang ang makakapagligtas o ang saligan ng pananampalataya. Samakatuwid, ligtas na din ba yung mga Judio, Pariseo, Saduceo na gumagamit ng Septuagint, pero hindi naniniwala kay Cristo? HINDI. Ni hindi nga sila(mga judio) naniniwala sa Bible Alone. Hindi sila maliligtas kase nga ang ibig-sabihin ni Pablo ay HINDI upang mag encourage na “Bibliya Lamang”, kundi nagpapahiwatig lamang siya na ang Bibliya ay MAAARI ding maging DAAN upang mapagtibay ang faith natin kay LORD at upang MALIGTAS , ngunit HINDI ito(Bible) ang NAG-IISANG DAAN para sa Kaligtasan. Dahil sinabi mismo ng Panginoong Hesukristo na Siya ang DAAN, katotohanan at buhay. (Juan 14:6). At dapat tayong PUMASOK sa Kanya(Hesus) na ating DAAN sa Kaligtasan. (Juan 10:9) At yun ay ang Iglesia na Kanyang Katawan.
Samaktuwid, ang bersikulo na iyan na kanilang ginagamit upang mapatunayan ang Sola Scriptura ay isang malaking palpak. Sapagkat una, hindi sinabi diyan na “Bibliya lang dapat”. Sa katunayan, ang Banal na Kasulatan(written or oral) at Iglesia ang tinutukoy ni San Pablo dyaan na mahahalaga para sa kaligtasan.
–
#PangalawangTalata
Roma 15:4
Anumang nasa KASULATAN noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, sapagkat lumalakas ang ating loob at nagkakaroon ng pag-asa kapag binabasa natin ang mga aral na matatagpuan dito.
–
Yung phrase na ”Anumang na sa kasulatan” ang Bibliya po ba ng mga Protestante ang tinutukoy dyan? HIND PO! Sapagkat ang kasulatan po na tinutukoy ni San Pablo ay ang Septuagint na merong mga Deuterocanonico. Ang tinutukoy ni San Pablo dyan na mga kasulutan ay merong Tobit, Judith, Baruc, 1 at 2 Macabeo, Ecclesiastico, Karunungan ni Solomon, mga bahagi ng Ester, at mga bahagi ng Daniel. Ngunit ang Bibliya ng Protestante, wala pong mga ganyan. Kaya nagtataka po talaga ako kung bakit nila ginagamit nila ang talatang yan to prove na Bible Alone is Biblical e unang-una hindi Bibliya na ginagamit nila ang tinutukoy dyan, at hindi din Biblya ng Catholic ang tinutukoy dyan. Dahil hindi naman sinabi dyan na ” ang “Kasulatan” ang TANGING batayan ng “ikatututo natin” at tanging pinagmumulan ng ating “pag-asa”.
–
#PangatlongTalata
1 Corinto 4:6
Mga kapatid, para sa inyong kapakinabangan, kami ni Apolos ang ginamit kong halimbawa upang matutuhan ninyo ang kahulugan ng kasabihang, “Huwag lalampas sa nasusulat.” Huwag ipagmalaki ninuman ang isa at hamakin naman ang iba.
–
Ang sabi po ni San Pablo ay ”Huwag lalampas sa nasusulat”. Ito po bang tinutukoy ni San Panblo na wag lalampas sa nasusulat ay ang ”Bibliya”(walang Deuterocanonico) na ginagamit ng mga Protestante? HINDI PO!
Ang sinasabi ni San Pablo na “nasusulat” ay isa lamang matalinghagang pananalita na tumutukoy sa dignidad ng mga tao na mahahayag lang sa Araw ng Paghuhukom (1 Corinto 4:5). Na sa tuwing hinuhusgahan natin ang isang tao, “lumalampas” tayo sa mga “nasusulat” tungkol sa kanya. Kaya nga sabi ni San Pablo sa huli, ” “Huwag ipagmalaki ninuman ang isa at hamakin naman ang iba.”. Ang talata ay hindi nag papahiwatig ng Bible Alone doctrine.
–
Ngayon, anu-ano pa ba ang SAMPUNG mga DAHILAN kung bakit MALI ang PANINIWALANG “Bible Alone” . .?
–
#Una, NABUO LANG ANG ARAL NA TO NOONG 1500. Kung naniniwala pa lang din talaga ang mga apostol sa BIBLE ALONE BIBLE ALONE na yan. Edi sana, NAMIGAY na sila ng mga BIBLE noon sa mga Kristiyano kung sa pamamagitan lang naman pala ng pagbabasa ng Bibliya naliligtas ang tao. Sana sinulat na lang din nila(apostoles) sa mga sulat nila na ang BIBLIYA LAMANG ANG SASALIGAN NG PANANAMPALATAYA upang mabasa naman natin ngayon at masunod.
–
#Pangalawa, GAWA-GAWA O IMBENTO LANG NG TAO AT HINDI MISMO SA DIYOS ANG DOKTRINANG ITO. Si Martin Luther na isang German Protestant reformer ang nag-imbento at nagpasimuno ng aral na to. Walang authority ang paggawa niya ng aral na to. Without guide with the Holy Spirit who teaches only truth. (Juan 14:26)
–
#Pangatlo, HINDI NAKASULAT SA BIBLIYA ANG ARAL NA TO. Bibliya lang daw ang saligan. It means kung HINDI daw NAKASULAT sa Bibilya wag daw paniwalaan. Yun na nga, HINDI NAKASULAT sa Bibliya na sinabi. .”Bibliya LANG ang saligan ng lahat ng katotohanan” o HINDI NAKASULAT sa Bibliya na sinabi, ”Wag mo paniniwalaan ang isang salita o aral kapag HINDI NAKASULAT sa Bibliya”. WALANG SINABING GANUN. Kaya ang ARAL na to na Bibliya Lamang ay WALA o HINDI mismo NAKASULAT sa Bibliya.
–
#PangApat, HINDI LAHAT NG NAKASULAT SA BIBLYA AY LITERAL O MADALING INTINDIHIN. Sinasabi ng mga kapatid nating mga protestante na “Bible interprets itself”. Mahahanap mo daw ang paliwanag dun mismo daw sa talata. Kaya nga po nagkakanya-kanya sila ng angkin sa pamamagitan ng pamamaluktot ng mga talata. It’s either ginagawa nilang literal ang isang talata o binibigyan nila ng ibang kahulugan. Yun na nga, hindi naman nakakapagsalita ang Bibliya upang sabihin sa kanila na “oo tama yang interpretasyon mo” or “hoy mali yang pagka-unawa mo”. Hindi e. Hindi nakakapagsalita ang Bibliya. Kaya nauuwi parin sa sariling interpretasyon. Kaya may mga ”huling sugo”, ”appointed son” etc. .ang nagsisisulputan ngayon.
–
#PangLima, HINDI NAG-UTOS ANG PANGINOONG HESUKRISTO SA MGA APOSTOL NA MAGSULAT NG LIBRO NI GUMAWA NG BIBLIYA. Hindi talaga nag-utos ang Panginoon. Malinaw ang INUTOS ng Panginoon na IPANGARAL ang Salita ng Diyos at HINDI Niya inutos na ISULAT nila. (Mateo 28:20), ngunit ganun paman, hindi din naman Niya(Panginoon) pinagbawalan ang mga apostol na SUMULAT. Sumulat ang mga iilang apostol, pero hindi lahat ng apostoles ay NAGSULAT kase nga HINDI naman INUTOS na MAGSULAT kundi IPANGARAL. At hindi ibig-sabihin na SUMULAT ang mga IILANG apostol e dun na din sa mga NASUSULAT lamang nila tayo babase.
–
#PangAnim, HINDI NAGSULAT NG LIBRO ANG ATING PANGINOONG HESUKRISTO. Nakapagsulat ang ating Panginoon, ngunit hindi sa papel kundi sa buhangin at walang nakakaalam kung ano ang Kanyang isinulat dun sa buhangin. Maliban dun, wala na Siyang naisulat pa na iba or walang nakakaalam kung may nasulat pa Siyang iba. Kaya kung ang Panginoong Jesukristo pa ay ninais ang tao na maligtas sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga nasusulat, edi sana Siya mismo ay nagsulat at nag-utos sa mga apostol na magsulat. Gaya nga ng sabi ko, nagtayo Siya ng Iglesia. (Mateo 16:18) Dahil na sa loob ng Kanyang Iglesia ang TAGAPANGARARAL ng Kanyang Salita at HINDI taga SULAT lamang.
–
#PangPito, HINDI LAHAT NG GINAWA NG PANGINOONG HESUS AY NAISULAT NG MGA APOSTOLES. Malinaw na sinabi ni San Juan na MARAMING MARAMING pang GINAWA ang Panginoon na HINDI NAKASULAT. Kulang pa nga daw ang MUNDO sa paglalagyan ng SULAT kung NAISULAT lahat ng ginawa Niya. (Juan 21:25)
–
#PangWalo, HINDI LAHAT NG NAISULAT NG MGA APOSTOL AT TAGASUNOD NG PANGINOONG HESUKRISTO AY NAISAMA SA PAGBUO NG BIBLIYA. Hindi lahat naisulat at hindi lahat ng naisulat ay nakasama sa Bibliya na ginagamit ng protestante ngayon na natatanging batayan nila sa kaligtasan. Marami ang naisulat, pero kakaunti lang ang na compiled ng Iglesia Katolika (Council of Carthage AD 397). Mahigit isang daan actually ang mga naisulat sa Bagong Tipan, pero 27 lamang po ang naisama sa Bibliya. Kaya hindi po kumpleto ang Bibliya.
–
#PangSiyam, HINDI LAHAT NAKAKAPAGBASA. Hindi lahat nakakapagbasa gaya ng mga bulag at mga hindi marunong magbasa. Kaya kung sa mga nasusulat lang ang kaligtasan, tiyak na marami ang hindi maliligtas dahil HINDI sila NAKAKAPAGBASA.
–
#PangSampu, last but not the least, IISANG LIBRO(Bibliya) LANG ANG KANILANG(mga protestante) GINAGAMIT NGUNIT MAGKAKA-IBA ANG INTERPRETASYON NILA AT MGA ARAL NILA. See, kung Bible interpret itself bakit MAGKAKAIBA sila(protestants) ng mga pinaniniwalaan? E IISA lang naman sanang libro ang ginagamit nila? Bakit may mga naniniwala sa Trinity meron ding hindi. .may kumakain ng karne meron ding hindi at marami pang iba. At yun na nga, nakadepende sa version o translation ng Bibliya ang kanilang paniniwala. Like for example, sa panig ng mga Jehovah’s Witnesses, ang Bibliyang ginagamit nila ay ang New World Translation. Kaya fit sa paniniwala nila ang mali-maling translation nito. Sa “Iglesia ni Cristo”, gumagamit sila ng iba’t ibang bersyon ng Bibliya depende sa kung aling bersyon ang mas kumikiling sa mga itinuturo nila. .para patunayang “Iglesia ni Cristo” ang pangalan ng Simbahan, sumasangguni sila sa Lamsa Translation. Kaya ang kanilang paniniwala ay NAKADEPENDE sa TRANSLATION na gusto nila.. Kaya ito ay ISA sa MALAKING DAHILAN kung bakit MALI ang BIBLE ALONE. Sapagkat dahil sa doktrinang ito, maraming kaluluwa ang NALIGAW. Dahil sa doktrinang ito nagkawatak-watak ang Kristiyanismo.
–
#CONCLUSION: Ang Iglesia Katolika ay naniniwala na ang Bibliya ay mga Salita ng Diyos. Ang mga ito ay inspired by God. (2 Timothy 3:16). Ito ay “living and active” letter. (Hebreo 4:12) na kailangang maisakatuparan. (Lk 22:37) at hindi ito maaaring masira. (John 10:35). .Ngunit ganun pa man HINDI ito DAPAT magbuhat sa sariling pagpapaliwanag o ”private interpretation”.(2 Peter 1:20) sapakat hindi lahat madaling unawain at kailangang may gabay ng Espiritu Santo (2 Peter 3:16). Ang Bibliya BINUO ng Iglesia Katolika para maging inspirasyon sa paggawa ng mabuti at mamuhay ng banal. HINDI ginawa ang Bibliya upang GAMITIN sa PAGTAYO ng sariling iglesia. Ang Iglesia ang GUMAWA ng Bibliya at HINDI ang Bibliya ang GUMAWA ng Iglesia. Hindi BIBLIYA ang TINATAG ng Panginoong Jesukristo kundi IGLESIA. Tinatag Niya ang IGLESIA upang pumasok at dito tayo ay maligtas. Hindi inutos ng Panginoon na GUMAWA ng Bibliya. Mas lalong hindi Niya inutos na magtayo ng sariling iglesia gamit ang Bibliya at makipag-kompetensya sa Kanya. Kung saligan lamang ng KATOTOHANAN at PANANAMPALATAYA hindi po ang Bibliya iyon kundi ang IGLESIA. (1 Timothy 3:16) . Ang Iglesiang tinatag mismo ng ating Panginoong Hesukristo. (Mateo 16:18) Ang Iglesia na siyang magtuturo ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu Santo. (Juan 14:26) . Mali na sa BIBLIYA lamang tayo babase dahil una, hindi lahat naisulat at hindi lahat ng naisulat ay naisama sa Bibliya. Ang Salita ng Diyos ay hindi nagtatapos sa book of Revelation. .ang salita ng Diyos ay nagpapatuloy. Ang PAGSULAT ng Salita ng Diyos ay hindi hanggang sa mga apostol lang kundi pati sa mga successor nila. Kaya ang mga early fathers na may mga naisulat ay considered as inspired written Word of God parin ang mga iyon, ngunit hindi nga lang naisama sa Bibliya. Walang masama gumamit ng Bibliya dahil ito ay nagtuturo talaga satin ng maraming bagay na mabubuti, ngunit kung gagamitin na ito sa para sa sariling interest ay hindi na maganda iyon. Uuilitin ko po, IGLESIA ang TINATAG ng Panginoon at hindi Bibliya. Ang IGLESIA ang GUMAWA ng BIBLIYA. Hindi ang BIBLIYA ang GAGAWA ng IGLESIA.
–
Pro Deo Et Ecclesia!
#DCFApologetics
–
-Nikita GandApologist
Subscribe to our YouTube Channel: http://www.youtube.com/c/DefendtheCatholicFaithVanguardsofTruth
Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/defendcatholicfaith
Follow us on Twitter: https://twitter.com/DCFVanguards
Visit our website: http://dcfvanguards.com/
#DCFApologetics #SolutaEstVeritas #Amen