Apologetics / Reflections Bible Catholic Church

Apat na Evangelio: Bakit parang Third Person yung Nagsasalita? By: Apolohistang Katekista

Karaniwan nang objection ng mga hindi naniniwala sa Biblia ay bakit daw naisulat into third person yung mga Gospels. Ibig sabihin pinulot lang daw ito kung saan. At eto pa yung favorite nilang paratang: ” Bakit AYON kay Mateo, Marcos, Lucas at Juan? Ang AYON na iyan ay walang duda na Tsismis lang! ” Sagutin po natin.
I. Gospels According to Saints Matthew and John
Ayon na din sa napatunayan natin, si Apostol San Mateo nga po talaga ang nagsulat ng Ebangelio na nagdadala din ng kanyang Pangalan. Sina Apostol San Mateo at San Juan ay kapwa mga saksing nakakita sa mga bagay na naganap sa ministerio ng Panginoong Jesus, kung gayon ay bakit ang nagsasalaysay sa mga ebangelio na sinulat nila ay nasa thrid person at hindi into first person? Ilalatag po natin ang kasagutan at batayan.
Makikita po natin sa Xenophon’s Expedition of Cyrus and Caesar’ na talagang practice na nuong mga panahong iyon sa pagsulat na magsalita o magsalaysay into third person. Kaya hindi nakakapagtaka kung sina Apostol San Mateo at San Juan ay magsulat din sa gayong pattern, walang mali duon at hindi rin yun nakakapagtaka kung pinag-aralan natin. So, hindi ito maaring gamiting batayan laban sa mga Akda nina Apostol San Mateo at San Juan. Sinulat nila ang mga Evangelio as a HISTORICAL DOCUMENT at hindi isang AUTHOBIOGRAPHY or mga gawa na tumatalakay sa kanya-kanyang opinion o di naman kaya ay pilosopiya.
Sa Juan 1:14 ay mababasa po natin ang ganito: ” At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna NATIN (AT NAKITA NAMIN ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. ” Sa griyego ang mga panghalip na “natin” at “nakin” ay nagbibigay ng konotasyon na ang nagsasalita o nagsasalaysay ay saksing nakakita sa kung anoman ang kanyang isinasalaysay. Dapat din po nating mapansin na bukod po sa Evangelio na isinalaysay ni San Juan Apostol na nasa thrid person ang pagkakasulat ay meron po syang mga sulat na nasa Biblia na naisulat into first peron Gaya ng kanyang Una hanggang Ikatlong sulat (Epistles of St. John) at ang Aklat ng Apocalipsis o Mga Pahayag. Kaya makikita po natin na mas maraming Personal Letters na naisulat si Apostol San Juan kaysa sa Biography (e.g Gospel According to John).
II. Gospels According to Saints Mark and Luke
Sina San Lucas at San Marcos ay hindi mga saksing nakakita mismo sa mga bagay na naganap sa buhay ng Panginoong Jesus. Magkagayun man, gaya nga po ng nabanggit na natin sa naunang pagtalakay, ay meron po silang access sa mga saksing nakakita sa Panginoon, ang mga Apostol.
Sinimulan ni San Lucas ang Evangelio na kanyang Isinulat: ” Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin, ALINSUNOD SA IPINATALOS SA ATIN NILANG BUHAT SA PASIMULA AY MGA SAKSING NANGAKAKITA AT MGA MINISTRO NG SALITA, Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo; Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo. ” (Lucas 1:1-4). Ayun naman po pala, siya, bagamat hindi saksing nakakita ay komunsulta naman at nagsaliksik mula sa mga IPINATALOS NILANG BUHAT SA PASIMULA AY MGA SAKSING NANGAKAKITA AT MGA MINISTRO NG SALITA! So ang kinalapan niya ng impormasyon ay hindi kung sino-sino lang, kundi yung mga eyewitnesses talaga at mapagkakatiwalaan, kaya napakalabo na ito ay tsismis lang gaya ng sinasabi ng iba.
Kung dadako tayo sa aklat ng mga Gawa ng mga Apostol, na isinulat din ni San Lucas ay makikita natin na sa maraming bahagi ay nagsasalita si San Lucas as a first person na isinasama niya ang kanyang sarili sa salaysay (Mga Gawa 16:10-17, 20:5-15, 21:1-18, at 27:1-28:16), dahil sa nakasama niya si Apostol San Pablo sa pagmimisyon at paglalakbay.
Si San Marcos, bagamat hindi saksing nakakita sa buhay ni Jesus ay naging tagasunod naman ni San Pedro Apostol at naging kanyang tagasulat at interpreter. Ang Evangelio na kanyang isinulat ay nagmula, wala nang iba pa, mula sa pangangaral at mga salaysay ni Apostol San Pedro na Alagad ng Panginoong Jesus na isang saksing nakakita. Kaya hindi na dapat pagtakhan kung bakit naisulat into third person style yung evangelio ayon kay San Marcos. Sinabi ni Irenaeus (AD 180): “Mark, the disciple and interpreter of Peter, …handed down to us in writing the substance of Peter’s preaching.”
III. Konklusyon:
Ang layunin ng mga naisulat na evangelio, walang duda ay upang ipahatid ang mga nangyari sa kapanahunan ni Jesus sa MGA WALA NUONG PaNAHON NA IYON, bagay na hindi na kailangan ng mga taong nanduroon mismo. Ngunit para sa mga wala duon ay isinulat nila ito. Isinulat ng mga saksing nakakita at isnulat ng iba (San Marcos at Lucas) batay sa kung ano ang isinalaysay ng mga saksing nakakita. Halimbawa, yung naganap na 9/11 attack. Kahit hindi na natin iyon isulat dahil marami namang mga saksi na nakakita at nandun mismo nang maganap yung pag-atake, at ang mga saksi na iyon ay maari nating tanungin at makunan ng sakto at wastong impormasyon bago, habang at pagkatapos nung pagsabog. Sa kabila ng kattohanang marami ngang saksi, ay mayroon paring magnanais na magsulat nung naganap upang pumanaw man yung mga saksing nakatita sa 9/11 attack ay mananatili parin yung ala-ala na naksulat s akasaysayan at masasangunian nung mga wala duon at ng susunod pang henerasyon. Gayun din sa pagsulat ng evangelio at ng talambuhay ni Jesus, maaring yung nagsulat nung nangyari sa 9/11 ay saksing nakakita, ang gagawin niya s apagsulat niya ay isasaisang tabi niya ang sarili niya upang ang mabigyan ng tumbok ay yung talagang naganap. Sina apostol San Mateo at San Juan, bagamat saksing nakakita nga ay isinaisangtabi ang kanilang sarili upang bigyan ng diin ang buhay at katuruan ni Cristo na hindi sila naghahangad na itaas ang kanilang sarili upang s akanila matuon ang focus ng mga mambabasa. Binigyang diin nila ng buhay, ministerio at katuruan ni Cristo nang higit to the extent na iinsert nila ang mga sarili nila. Ang pinaka subject o bida o Super Star kung inyong mamarapatin, sa mga evangelio ay wala nang iba kundi ang Panginoong Jesus, ito ang nagtulak sa mga manunulat na huwag bigyang diin ang kanilang mga sarili sa pagsulat ng talambuhay, ministerio at katuruan ng panginoong Jesus sa mga Evangelio.
Ad Majorem Dei Gloriam!
Soluta Est Veritas!
Pro Deo et Ecclesia!

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

Leave a comment

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Homo Sexuality Marriage Samesex marriage

Same-sex Marriage and Homosexuality.

  By Coco Apologist What is Homosexuality? According to the (Catechism of the Catholic Church 2357), “Homosexuality refers to relations