Apologetics / Reflections Bible Catholic Church Islam

Apat na Ebangelio: Sino Ang Sumulat?

Kadalasang sinasabi sa ating ng mga kapatid nating Muslim upang kwestyunin ang Biblia at ang mga apat na Evangelio: ” Ngunit napakadali nilang ideny ang mga panulat na nakapangalan sa pangalan niya dahil ang mga Gospel na nasa Bibliya ngayon ay pinili ng simbahang Katoliko tatlong siglo ang nakaraan pagkatapos namatay ang mga taong may akda daw niyang mga ebanghelyo, makakareklamo pa kaya sila kung ang KANILANG panulat ay hindi PINILI ng simbahang Katoliko?…base sa pangangatwiran ni Iohannes Benedictvs, na hindi daw ang totoong Barnabas ang may alda sa Gospel of Barnabas, possible daw na similar ng ibang tao, sa kasabay nito inamin din niya na ang mga Gospel of Matthew Mark Luke and John ay possible din na hindi na yang tunay na mga tao na yan ang may akda sa mga Gospel sa Bibliya, kung babasihan natin ang argumento na ginagamit niya. “
 
Eto po sasagutin natin:
 
Ang Mabuting Balita Ayon kay San Mateo: Sino ang Sumulat?
 
Sasabihin na naman nila hindi naman daw yung tunay na apostol Mateo ang Sumulat, ibangMateo daw o Baka ibang tao na ginamit lang yung pangalan ng Apostol. Pero bago sana nila pagkukuhain yung side ng mga liberal na mga so-called Bible scholars ay dapat kunin muna nila ang pagsaksi ng mga Ama ng Simbahan!
 
Si Irenaeus ay sumulat (AD 180) tungkol sa Gospel of St. Matthew: ” Matthew also issued a written Gospel among the Hebrews in their own dialect, while Peter and Paul were preaching in Rome and laying the foundation of the Church. After their departure, Mark, the disciple, and interpreter of Peter, did also hand down to us in writing what had been preached by Peter. Luke also, the companion of Paul, recorded in a book the Gospel preached by him. Afterward, John, the disciple of the Lord, who also had leaned upon his breast, did himself publish a Gospel during his residence at Ephesus in Asia. (Against Heresies 3:1:1)
 
See? Sino po ngayon ang paniniwalaan natin, yung mga nagpapakilalang scholars ng makabagong panahon, o ang mga tao na nabuhay nang mas higit na malapit sa panahon ng mga apostol at napasahan ng Oral apostolic Tradition mula sa kanila? Kung hindi ninyo ito tatanggapin ito ay dahil sa wala naman po kayong ibang ginawa kundi Cherry Picking, pag makikita ninyong sasang-ayon sa inyo, kukunin ninyo kahit kontra sa ginagamit ninyong batayan ng pananampalataya, pero pag kontra naman, ibvabasura ninyo sasabihin ninyo inimbento lang. Ano po ba ito?
Double standards?





Sinabi ni Papias, Obispo ng Hieropolis sa Asia Minor ay nagsabi: ” Matthew compiled the sayings [of the Lord] in the Aramaic language, and everyone translated them as well as he could” (Explanation of theSayings of the Lord [cited by Eusebius in History of the Church 3:39]).
 
Oh Linaw, sinong Mateo po kaya ang tinutukoy nila diyan? Halata naman po, yung Mateo na Apostol.
Sinabi naman po ni Origen, Church Father din po ito: ” “Among the four Gospels, which are the only indisputable ones in the Church of God under heaven, I have learned by tradition that the first was written by Matthew, who was once a publican, but afterwards an apostle of Jesus Christ, and it was prepared for the converts from Judaism and published in the Hebrew language” (Commentaries on Matthew [cited by Eusebius in History of the Church 6:25]).
Sinong Matthew daw po yung nagsulat nung isa sa apat na evangelio? Si Mateo na Publicano, YUNG SAN MATEO APOSTOL PO!
 
Sino po ang sumulat ng Gospel According to Matthew? walang duda, at wala nang iba pa, kundi si San Mateo Apostol, ang publicano na naging tagasunod ng ating Panginoong Jesu-Cristo. APOSTLE MATTHEW WROTE THE GOSPEL ACCORDING TO MATTHEW! Khalas!
 
Ang Mabuting Mablita Ayon Kay Sam Marcos: Sino Ang Nagsulat?
 
Totoo ang sinasabi nila, hindi po Apostol ng Panginoong Jesus si San Marcos, hindi rin siya eyewitness. So ngayon ibubulalas nila sa atin, eh anong karapatan ni Marcos magsulat ng evangelio eh hindi naman pala siya saksing nakakita? Ganito po iyan, hindi man po siya direktang alagad ng panginoong Jesus (saksing nakakita) magkagayun man, siya po ay alagad ng alagad ng pangnioong Jesus na isang saksing nakakita, siya si Apostol San Pedro. Kaya, walang duda na ang naisulat na evangelio ni Sam Marcos ay batay sa kung ano ang isinalaysay sa kanya ni Apostol San Pedro. Naisulat ang evangelio ayon kay san Marcos nuong 55 Ad to 70 AD.
 
Sinabi ni Irenaeus (180 AD): “Mark, the disciple and interpreter of Peter, …handed down to us in writing the substance of Peter’s preaching.”
 
“Papias claimed that Mark, the Evangelist, who had never heard Christ, was the interpreter of Peter, and that he carefully gave an account of everything he remembered from the preaching of Peter.” (Douglas, J. D., Comfort, Philip W. & Mitchell, Donald, Editors, Who’s Who in Christian History, Wheaton, Illinois: Tyndale House Publishers, Inc.; 1992.)
 
Ang Mabuting Balita Ayon Kay San Lucas: Sino Ang Nagsulat?
 
Si San Lucas, tulad ni San Marcos ay hindi rin saksing nakakita sa mga naganap sa buhay ng Panginoong Jesus. Magkagayunman, ay kapwa silang may kaugnayan at direktang nakaslamuha ang mga apostol ng Panginoong Jesus gayun din ang mga saksing nakakita ng mga naganap. Na siyang pinagkunan niya ng mga impormasyon. Sinabi ni San Lucas sa pambungad ng Evangelio na sinulat niya:





” Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin, ALINSUNOD SA IPINATALOS SA ATIN NILANG BUHAT SA PASIMULA AY MGA SAKSING NANGAKAKITA AT MGA MINISTRO NG SALITA, Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo; Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo. ” (Lucas 1:1-4)
 
At sabi pa niya:
 
” Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus, Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga apostol na kaniyang hinirang; Na sa kanila nama’y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya’y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios. ” (Mga Gawa 1:1-3)
 
Ang “Kanila na tinutukoy dito ni San Lucas ay ang mga Apostol at ang mga Saksing nakakita kung saan niya kinuha ang mga impormasyon sa mga kasay-sayang kanyang isinulat. Mapapansin din po natin na hindinabanggit ni San Lucas ang mga sumusunod na naganap: ” Nero’s persecution of the Christians in A.D. 64 or the deaths of James (A.D. 62), Paul (A.D. 64), and Peter (A.D. 65).” (McDowell, 80.) Kaya, masasabi natin na isinulat ito ni san Lucas bago ang AD 62. Sakop parin ng panahon ng mga Apostol at ng Iglesia sa unang siglo.
 
Ang Mabuting Balita Ayon Kay San Juan: Sino ang Sumulat?
 
Ang manunulat ng Gospel According to St. John ay walang duda na isang saksing nakakita at lagad ng Panginoong Jesus. Makikita ito sa kanyang pagsasalaysay na anupa’t naidescrib niya ang lipunan at tradisyong umiiral ng panahong iyon.
 
Ang Papyrus Fragment # 52 ng evangelion ayon kay Juan ni John Rylands na naglalaman ng mga bahagi ng Kapitulo 18:31-33,37-38 na natagpuan sa Ehipto. Ang Evangeliong ito ay pinakahuli sa apat na naisulat at tinatayang naisulat ito nuong 80-90 AD.
 
Mapapansin din natin na ang ilang pangyayari s akasaysayang naganap nuon ay hindi nabanggit ni San Juan sa kanyang evangelio sa kadahilanang ang kanyang tuon ay sa teolohiya sa persona ni Cristom kanyang mga milagro at gayun din ang pagka-Dios at hindi naman gaaano sa pangkasaysayan.
 
Si Irenaeus ay sumulat (AD 180): ” Matthew also issued a written Gospel among the Hebrews in their own dialect, while Peter and Paul were preaching in Rome and laying the foundation of the Church. After their departure, Mark, the disciple, and interpreter of Peter, did also hand down to us in writing what had been preached by Peter. Luke also, the companion of Paul, recorded in a book the Gospel preached by him. Afterward, John, the disciple of the Lord, who also had leaned upon his breast, did himself publish a Gospel during his residence at Ephesus in Asia. (Against Heresies 3:1:1)
 
Sinabi ni Thiessen tungkol sa pahayag ni Irenaeus: ” “From IRENAEUS on the evidence becomes clear and full. HE HIMSELF FREQUENTLY QUOTES THE GOSPEL OF JOHN, and he does it in such a way as TO SHOW THAT IT HAD BEEN KNOWN AND USED IN THE CHURCH. His testimony is perhaps the most important of all the testimonies, for he was a PUPIL OF POLYCARP, and POLYCARP WAS A FRIEND OF APOSTLE JOHN.…
Eusebius has preserved a part of a letter of Irenaeus to Florinus, in which the writer tells of his vivid recollection of the account that POLYCARP GAVE OF HIS INTERCOURSE WITH JOHN WHO HAD SEEN THE LORD. He has also preserved a statement from a letter of Irenaeus to Victor the Bishop of Rome, to the effect that ‘ANICETUS COULD NOT PERSUADE POLYCARP NOT TO OBSERVE WHAT HE HAD ALWAYS OBSERVED WITH JOHN THE APOSTLE OF OUR LORD AND THE OTHER APOSTLES WITH WHOM HE HAD ASSOCIATED.
It is thus evident that POLYCARP WAS A DISCIPLE OF JOHN THE APOSTLE and THAT IRENAEUS HAD HEARD POLYCARP TELL OF HIS INTERCOURSE WITH HIM. THE TESTIMONY OF IRENAEUS may, therefore, BE TAKEN AS A TESTIMONY OF POLYCARP, AND THE APOSTLE (JOHN) HIMSELF.” (Thiessen, Henry, Introduction to the New Testament, Hendricksen Publishers, Inc., 2002, 163-4, 165ff)
 
Kita na ninyo mga kapatid, paano nyo po ngayon sasabihin na hindi si Apostol San Juan yung nagsulat nung Gospel of John eh merong Isnad o chain na nagpapatunay na yung nagsulat talaga ay yung Juan na Apostol at hindi kung sinomang huwad na nagpapanggap lamang? Makikita natin na si Irenaeus na estudyante ni St. Polycarp na disipulo ni San Juan at talaga naman nakaslamuha mismo ng apostol ay laging nagsisitas o nagququote mula sa Gospel of John na nagpapakita lamang na ang Gospel of John ay ginagamit na nuon pa man gaya ng Gospel According to Saint Matthew na laging kinoquote ni St Clement (ang ikaapat na successor ni San Pedro) nuon pa mang unang siglo patunay na ang Gospel acording to St. Matthew ay isa nang tinuturing na otentikadong kasulatan nuon pa man ng mga sinaunang kristyano na namuhay sa unang siglo na siyang panahong pinakamalapit at dikit sa mga apostol at mga tagasunod ng Panginoon na nakakita at nakasaksi.
 
Kaya po maliwanag, ayon mismo sa pahayag ng mga Ama ng Simbahan at mga namuhay na malapit sa panahon ng mga apostol at mga naging estudyante ng mga tagasunod at naging estudyante ng mga apostol na ang mga ebangelio na nasa sa mga Biblia natin ngayon na mga Ebangelio ayon kina Apostol San Mateo, San Marcos, San Lucas at San Juan ay otentikado at galing sa mga tiyak na galing sa mga mapagkakatiwalaang batayan mula sa mga saksing nakakita at tagasunod ng mga apostol ng Panginoon.
 
Sabi niya: ” Kaya hindi kami nagkamali sa pagkasabi namin na yang Gospel na makikita sa Bibliya ay Hindi ang tunay na sinusulat sa mga taong may nakapangalan na sila daw ang may akda niyan. ” After po ninyo Basahin ito, sino po kaya ang nagkakamali?
 
By Apolohistang Katekista
 
Ad Majorem Dei Gloriam!
 
Soluta Est Veritas!
Pro Deo et Ecclesia

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

Leave a comment

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Homo Sexuality Marriage Samesex marriage

Same-sex Marriage and Homosexuality.

  By Coco Apologist What is Homosexuality? According to the (Catechism of the Catholic Church 2357), “Homosexuality refers to relations