Apologetics / Reflections Born Again Catholic Church Christian Protestantism Traditions

Answering gotquestions.org: ” Ako ay isang Romano Katoliko, bakit ko nanaisin na maging Kristyano? ” (Part 2-A)

Paksa: BIBLIA LANG BA SAPAT NA?
Ayon sa gotquestions.org, ang isa sa mga pangunahing pinagkaiba ng Romano Katoliko sa “Biblikal” na Kristyano ay ang paniniwala at pagtanggap sa mga tradisyon ng Simbahan: ” Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng Romano Katoliko at mga Biblikal na Kristiyano ay ang kanilang pananaw sa Bibliya. Ayon sa mga Katoliko, ang Bibliya at tradisyon ay may pantay na awtoridad. Ang mga Biblikal na Kristiyano naman ay naniniwala na ang Bibliya lamang ang tanging awtoridad sa pananampalataya at gawaing panrelihiyon, hindi ang tradisyon. ” Para sa mga protestante na tulad ng mga “Born Again Christians” at iba pang mga sekta tulad ng Iglesia ni “Cristo” at ang “famous” na palatuntunang “Ang Dating Daan” ng fugitive preacher na si Bro. Eliseo Soriano…etc. ay tanging ang Biblia lamang ang dapat maging batayan at pamantayan sa mga bagay-bagay tungkol sa pananampalataya at pagkilos at pamumuhay bilang Kristyano. Ang doktrinang iyan ay tinatawag po nating SOLA SCRIPTURA na pinasimulang ipalaganap ni Martin Luthero nuong taong 1518 AD nang kanyang simulan ang “Reformation” kung kaya nagkaroon ng mga Iglesia Protestante bilang resulta ng pagrerebelde ni Luther laban sa Simbahan. Sa Kabilang banda, ang Simbahang katoliko ay naniniwala na ang Biblia ay hindi lamang ang tanging batayan ng pananampalataya at liturhiya kundi bukod pa sa biblia ay dapat ding panghawakan ang mga Tradisyong nanggaling sa mga Apostol at naunang mga Ama ng Simbahan (Early Church Fathers) at ang Magesterium na pinangunguluhan ng Papa at ng mga Obispo ng Simbahan na syang kalili ng mga Apostol, na syang tanging pinagkatiwalaan at pinagkalooban ng karapatang ipaliwanang ang “Divine Revelations,” ang mga Salita ng Dios maging ito man ay galing sa Biblia o sa Tradisyon.
Sola scriptura ayon sa 2 Tim. 3:16-17?
Sa malimit na pagkakataon sinisitas ng mga kapatid nating Protestante ang 2 Tim. 3:16-17 para “patunayan” na diumano, ang Biblia ay sapat na upang gawing batayan ng pananampalataya at pamumuhay Kristyano, heto po ang sabi: “Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.” Kung sa biglang basa parang tama nga, ngunit kung susuriing mabuti makikita natin na hindi ito sumusuporta sa doktrina ng Sola Scriptura o Bible Alone. Pansinin po natin na hindi naman po sinabi sa talata na ang mga Kasulatan ay “sufficient as a sole basis of faith and practice” kundi “profitable (KJV)” o nakakatulong. Maraming bagay na maaring makatulong sa atin upang maabot ang anumang nais natin makamit ngunit hindi nangangahulugan ang isang bagay ay nakakatulong sa atin sa pag-abot sa ating mga pangarap ay yun lang ang tanging sapat na paraan upang matupad ang ating pinapangarap, maaring mayroon pang ibang paraan o pantulong. Kaya ang talatang nabanggit ay hindi sumusuporta sa doktrina ng Sola scriptura.
Kung kukunin natin ang buong konteksto ng 2 Tim. 3:16-17 at sisimulan natin ang pagbasa sa talatang 14, makikita natin na pinapayuhang mahigpit ni Apostol san Pablo si san Timoteo na panghawakan ang mga itinuro nito sa kanya (Oral Apostolic Tradition) na sinuportahan naman ng 2 Tim. 1:13-14 na nagsasabi: “Ingatan mo ang mga ulirang mga salitang magagaling na narinig mo sa akin, sa pananampalataya at pagibig na nasa kay Cristo Jesus. Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na nananahan sa atin.” Ano po sabi ni San Pablo? “Ingatan mo ang mga ulirang mga salitang magagaling na narinig mo sa akin” hindi nya po sinabing “Yaon lamang mga nabasa mo.” Kaya malinaw po na talagang pinagbilinan ni Apostol San Pablo si San Timoteo na panghawakan ang mga Kasulatan at ang mga turo na NARINIG niya mula sa apostol San Pablo.
Isang punto na maari pa nating idagdag ay, paanong ang Biblia o ang Bagong tipan sa partikular ay ang magiging tanging batayan ng pananampalataya at pamumuhay Kristyano kung nuong di pa ito nakukumpalya ay matagal nang umiiralk ang simbahan? Alin ang nauna, Simbahan o Biblia? Ang sagot ay ang Simbahan, kaya ang Biblia ay galing sa Simbahan at kung walang Simbahan ay walang Biblia. Sunod na tanong, Sino ang nagkumpalya ng Bagong tipan o ng biblia sa kabuoan? Paano naditermina na ang lumang tipan ay mayroon lamang 46 na aklat at ang Bagong tipan naman ay may 27 na aklat lamang? Ano ang awtoridad ng mga taong nagtakda ng bilang ng mga aklat na dapat maisama sa Biblia? Pagkatapos nyong itanong sa kanila, payuhan nyo na mag-aral sila ng History na sa kasawiang palad ay ayaw na ayaw nila.
Ad Majorem Dei Gloriam!
Pro Deo et Ecclesia!
Soluta est Veritas!

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

Leave a comment

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Homo Sexuality Marriage Samesex marriage

Same-sex Marriage and Homosexuality.

  By Coco Apologist What is Homosexuality? According to the (Catechism of the Catholic Church 2357), “Homosexuality refers to relations