Kung sasabihin po nating MARKA ng Iglesia, yan po ay nagpapahiwatig ng mga palatandaan ng isang tunay na Simbahan. Marami na po kase ngayon ang nag-aangkin na sila ang tunay na Simbahan o Iglesia, ngunit walang mga palatandaan. Now, atin pong alamin kung ano-anu nga po ang mga palatandaan ng TUNAY na Simbahan. Una po alamin muna natin kung ano ba ang Simbahan o Iglesia?
–
Ang Iglesia po ay galig sa salitang Latin ”ecclesia” at Greek ”ekklesia” po na ang ibigsabihin pundok o pagpupulong. Ang Iglesia po ay TAYONG mga tao. Hindi po isang building ang Iglesia kundi mga tao po, assembly o congregation kumbaga. At ang Iglesia ayon na rin po mismo sa Bibliya ay KATAWAN ng Panginoong HesuKristo. (Efeso 4:12) Samakatuwid, tayo ay katawan ng Panginoong Hesukristo. (1 Cor. 12:27) At Siya(Hesus) mismo ang ULO ng KATAWAN(Iglesia). (Col.1:8) Dagdag pa po ni San Pablo na ang Iglesya ay “Bride” ng Panginoong Hesukristo at Siya(Hesus) mismo ang Brigegroom ng Bride na iyon na siyang ang Iglesia o Simbahan. (Ephesians 5:23; John 3:29) Samakatuwid po, ang Iglesia o Simbahan ay hindi basta iglesia lang, ito(Iglesia) ay KATAWAN at ASAWA ng Panginoong Hesukristo. So therefore, HINDI NANGYARI NI MANGYAYARI na NATALIKOD o MATATALIKOD ang Iglesya ng Panginoong Hesukristo. Sapagkat ang Iglesia ay KATAWAN ng Panginoong Hesukristo at Siya mismo ang ulo, so hindi mangyayaring MAGKAHIWALAY ang ULO(Hesus) sa KATAWAN(Iglesya) o ang KATAWAN o sa ULO. INSEPARABLE kumbaga. At ang Iglesya ay KATAWAN ng Panginoong Hesukristo kaya mas lalong HINDI IIWAN ng Panginoon ang Iglesia o Simbahan na Kanya mismong ASAWA. Sapagkat ang Panginoong Hesukristo mismo nagsabi na mga husband ay WAG IIWAN si wife, na kayong mga lalake ay dapat alagaan kaming mga babae. (Kokonti na lang ang sumusunod sa utos na to haha) . Kaya po, hindi maaaring kontrahin ng Panginoong Hesukristo ang Sarili Niyang utos. Inutos Niya na ang MAG-ASAWA ay HINDI DAPAT MAGHIWALAY. Kaya yun din ang gagawin Niya sa ASAWA(Iglesya) Niya, HINDI NIYA IIWAN.
Ang Iglesia na Kanyang(Hesus) KATAWAN at ASAWA ay hindi Niya kailaman IIWAN o PABABAYAAN na gaya na rin ng PANGAKO Niya. (Mateo 28:20)
–
So alam na po ba kung ano ang Iglesia?
Ngayon, atin namang alamin kung alin ang TUNAY na IGLESIA o SIMBAHAN. Merong na pong more than 60 Thousand denominations ang nagtatayuan po ngayon. At LAHAT sila, INAANGKIN na sila ang TUNAY ng IGLESYA. Wala naman, po sigurong magtatayo ng sarili niyang iglesya at sasabihing ”peke ito”, of course saaabihin nilang “ito ang tunay”. Now, alam naman natin na kahit gaano pa karami ang nag-aangkin na sila ang tunay alam natin na merong ISA dun na siyang talagang TUNAY Now, anong Simbahan ba yun? Paano ba malaman kung alin ang totoo?
–
Ang sagot ay ang Bibliya mismo sasagot mga kapatid ko kay Kristo. Maliwanag na wika ng Panginoong Hesukristo na, “Ako ang DAAN, ang katotohan at buhay”(San Juan 14:6). Ang Panginoong Hesukristo po ang DAAN para sa kaligtasan kaya nga po NAGTAYO Siya ng Simbahan upang sa pamamagitan nun magpapatuloy ang Kanyang pagliligtas. Sinabi po ng Panginoon na Siya ang DAAN kaya nga po gusto Niya pumasok tayo sa Kanya upang tayo at maligtas. (San Juan 10:9) Pumasok daw po tayo sa Kanya(Hesus), sa Kanyang KATAWAN(Iglesia) upang tayo ay maligtas sapagkat Siya lamang ang natatanging DAAN. At ang DAAN na po na iyon ay mga MARKA o PATANDAAN. (Jeremiah 31:21)
Now, ano-anu po ba ang mga PALATANDAAN(Marka) na yun upang matukoy at TOTOONG DAAN(Iglesia). .?
–
Ang sagot ay na sa Bibliya parin po. Ang mga MARKA po ng TUNAY na IGLESYA ay the following
#1 ISA
ONE o ISA. Ang TUNAY na SIMBAHAN ay ISA lang po. Since ISA lang ang KATAWAN ng Panginoong Hesukristo kaya malamang ISA lang din po ang IGLESIA. (1 Cor. 12:12) Ang Salitang ONE po na binabanggit sa Lumang Tipan pa lamang na sa Hebreo ay “ECHAD” na ang ibig-sabihin po ay “UNITY o PAGKAKAISA”. Maraming beses pong nabanggit ng Panginoon na ninais Niya na maging ISA tayo. (Juan 17:21) At sabi nga din po ni San Pablo na MERON lamang ISANG(one) KATAWAN, ISANG PANANAMPALATAYA, ISANG espiritu, ISANG Panginoon at ISANG bautismo (Efeso 4:4-5). ISA lang po ang KATAWAN(Iglesia), ISA lang PANANAMPALATAYA(mga doktrina) at ISANG bautismo. Di po pwede na ma belong ka po sa maraming iglesia at mag bautismo ng maraming beses, hindi pwede mag bautismo ka sa Born Again, bautismo ka din sa Iglesia ni Cristo(1914), kundi kailangan ISA lang. Yan po ang kahalagahan ng pagiging ISA o ONE ng Simbahan.
–
#2 BANAL
Ang Pangalawang Marka po ay ang BANAL o HOLY. Ang TUNAY na Iglesia po ay BANAL. Since ang Panginoong Hesukristo ay banal so banal din po ang Kanyang Katawan na Siyang ang Iglesya. (Hebreo 7:26). Ang Panginoong Hesukristo ay nagbibigay ng buhay sa Kanyang Iglesia. (Col. 1:18). Wika ng ating Panginoon, “5Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako’y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami. ”(John. 15:5). Tayong mga totoong kristiyano ang bunga ng puno na Siyang ating Panginoong Hesus at TAYO, according to San Pablo ay mga BANAL din gaya ng ating PUNO na BANAL. (Roma 11:16) Ang Simbahan na Siyang TAYONG MGA TUNAY NA KRISTIYANO ay BANAL. Hinangad ng Panginoong Hesukristo at ang Ama na tayo ay naging BANAL. (1 Pedro 1:16, Mateo 5:48)
–
#3 KATOLIKA
Ang TUNAY na SIMBAHAN ay KATOLIKA o PANGKALAHATAN. KATOLIKA ay galing sa sa salitang KATHOLICOS, isang salitang GRIEGO na ang ibig sabihin ay LAGANAP. .itinatag ang Iglesia at hinangad ng Panginoon na TAYONG LAHAT ay MAGLIGTAS. (1 Tim. 2:4). Kaya nga sinabi Niya na may ibang flock na gusto Niya makapasok din at yun ay ang mga hentil. (John 10:16 ; Romans 3:29) TAYONG LAHAT as in LAHAT LAHAT ay INILIGTAS ng Panginoomg Hesukristo sa KRUS. Walang NATIRA. LAHAT NILIGTAS. Ngunit, upang magpatuloy at upang mapagtibayan ang ating KALIGTASAN, nagtayo Siya ng Iglesya na sa pamamagitan ng Pagpasok sa Iglesiya na iyon ay ganap tayong maligtas. Ang SALVATION ay para sa LAHAT. Kaya ang Simbahan o Iglesya ay para sa LAHAT. Welcome po LAHAT dito. Lahat ng gusto bumalik WELCOME. Ang TUNAY na Iglesia ay KATOLIKA o PARA SA LAHAT.
Malinaw na pagkakasabi ng Panginoon sa mga apostol na Kanyang sinabi ”Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang LAHAT NG MGA BANSA” (San Mateo 28:19) Take note: LAHAT NG BANSA o other term ”UNIVERSAL/ CATHOLIC/ PANGKALAHATAN”. At higit pa dun, ang ating Panginoong Hesukristo mismo nagsabi na ang IGLESIA ay TATAWAGING ”IGLESIA PARA SA LAHAT NG BANSA” o ”UNIVERSAL CHURCH” (Mark 11:17).
–
#4 APOSTOLIKA
Ang TUNAY po na IGLESIA ay APOSTOLIKA. Ito po. Itong ito po ang WALA sa mga nag-aangkin na sila ang tunay na Iglesia. Ang ating Panginoong Hesukristo po ay APOSTOL at pangulong PARI. (Hebreo 3:1). At ang Iglesia was built on the foundations of the APOSTLES. (Efeso 2:20) Ang TUNAY na SIMBAHAN ay NATAYO sa panahon pa lamang ng mga apostol. Dapat APOSTOLIC ang isang Simbahan sapagkat ang Simbahan o Iglesia ay NATAYO sa panahon pa lang nila and actually sa ibabaw ni San Pedro na isang apostol. (Mateo 16:18) Kaya kapag ang simbahan mo ay hindi apostolic o hindi nagsimula sa mga apostol it means peke yan. Ang tunay na Simbahan ay nagsimula sa mga apostol at dapat sa walang paghinto ay nakatayo parin ngayon. Ang mga APOSTOL ay BINIGYAN lang ng KAPANGYARIHAN at SINUGO lang ng Panginoong Kristo ( Juan 20:21) Ang KAPANGYARIHAN na iyan ay IPINASA ng mga APOSTOL sa mga HUMALILI sa kanila. (Acts 1:20-26 at Acts 6:1-7) So ang Simbahan ay hindi para sa mga apostol lang o para lamang sa panahon ng mga apostol kundi may mga KAHALILI at ito’y hanggang sa pagbalik ng Paninoong Hesukristo. (Mateo 28:20)
–
#5 ROMANA
Ang pagiging ROMANO ng IGLESIA ay KINILALA na NOON pa mang UNA.
Sa Romans 1:8 ay sinabi ni Pablo na “Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu kristo para sa inyong lahat dahil ANG INYONG PANANAMPALATAYA ay IPINAHAHAYAG SA BUONG MUNDO.”
Ang PANANAMPALATAYANG ROMANO ay HAYAG sa BUONG MUNDO. Malinaw na pagkakasabi ni San Pablo. Ngunit ang Iglesia ay nagsimula talaga sa Jerusalem, ngunit hindi doon sa Jerusalem nagbunga ang Kristiyanismo. Hindi narecognize ang Panginoong Hesukristo sa sarili NIyang Bayan. (Juan 1:11) Kaya may isang Bansa na ginamit ang Panginoon upang mapalaganap ang Kanyang Iglesia at yun ay ang Roma. (Roma 1:7-8) Diyan po ay nakikita natin ang pagiging KATOLIKO at pagiging ROMANO ng IGLESIA.
Sa Roma 16:16 ay ganito ang sinasabi patungkol sa IGLESIA sa ROMA, “Ang LAHAT ng mga iglesia ni kristo ay nagpapaabot ng PAGBATI sa inyo.”
Ang “INYO” na tinutukoy riyan ay wala nang iba kundi ang mga kasapi ng IGLESIANG ROMANO na siyang kinakausap ni San Pablo sa sulat na iyan. Pero dati po noong mga unang panahon ay hindi pa gaanong binigyang diin ang kahalagahan ng pagiging ROMANO ng IGLESIA. Ngunit sa paglipas ng mga panahon ay maraming pagsubok na dinaanan ang IGLESIA. Isa na po niyan ay ang pagkabahagi-bahagi na noon pa may binalaan na ng Panginoong Hesukristo. (Mateo 24:4-6) At dahil po diyan, para MAKILALA ang TUNAY na IGLESIA ay ginamit na rin ang KATANGIAN na pagiging ROMANO para MAKILALA ang TUNAY na ITINATAG ng Panginoong Jesus. Iglesiang tinatag NIya na mula sa Jerusalem (Galatians 2:1) napunta sa Roma (Romans 1:15) at-mula sa Roma lumaganap sa buong mundo.
–
Kaya ngayon mga kapatid, alam na natin kung ano ang mga MARKA upang matukoy natin ang TOTOONG IGLESYA . Alin ba sa higit 66,000 nag-aangkin ang merong mga PALANTANDAAN o MARKANG aking nabanggit? Ang Iglesia
ni Cristo ba, Saksi ni Jehova, Born-Again etc. .?
Ang sagot ay wala pong iba kundi ang CATHOLIC CHURCH po. Tanging ang IGLESIA KATOLIKA lamang po ang nagdadala ng mga katangian at marka ng isang tunay na Simbahan na aking nabanggit sa itaas. WHY? Sapagkat ang Catholic Church lamang po ang natatanging Iglesya na matititrace natin back to the apostles. Ito lang po ang apostolic sa lahat ng Iglesya.
Kaya maling-mali po ang nagsasabi na NATALIKOD daw po ang Iglesia na tatag ng Panginoong Hesukristo simula daw noong namatay ang mga apostol. Hindi naman po siguro ipapangako ng Panginoong Hesus ay pangako kung hindi Niya tutuparin diba. Malinaw ang pangako ng Panginoong Hesus na hindi Niya pababayaan ang Simbahan na iniwan Niya. (Mateo 28:20) At isa pang pangako Niya na ang Iglesya ay hindi masisira ng sinuman. ” at ang mga pintuan ng Hades ay HINDI magsisipanaig LABAN sa kaniya” (Mateo 16:18) So kung paniniwalaan po natin na natalikod ang Iglesiya ng Panginoon noon unang siglo ay parang naniniwala na rin tayo na hindi marunong tumupad sa pangako ang Panginoong Hesus.
–
Kaya daw po natalikod ang Iglesya ay dahil daw po sa mga aral nito na wala sa Bibliya. Ito po ang sagot dyan . .
Juan 14:26
26Ngunit ang Tagapagtanggol, ang ESPIRITU SANTO na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang MAGTUTURO sa inyo ng LAHAT NG MGA BAGAY at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.
–
Ang Espiritu Santo ang MAGTUTURO ng LAHAT ng MGA BAGAY.
Ibig sabihin ba nun HINDI pa NAITURO ni Hesus ang mga IBANG BAGAY?
Opo, sapagkat ang Panginoong Hesus ay HINDI MAGTATAGAL sa MUNDO. (Juan 14:28-30) Kailangan Niyang bumalik sa Kanyang Ama at IIWAN Niya ang Espiritu Santo na Siyang MAGTUTURO ng LAHAT NG BAGAY. Hindi lahat naituro ng Panginoong Hesus at HIGIT SA LAHAT , hindi lahat ng naituro ng Panginoong Hesukristo ay NAISULAT. (Juan 21:25)
Kaya MALING-MALI po na tanging ang BIBLIYA lamang ang ating SALIGAN ng lahat ng KATOTOHANAN. Sapagkat, una hindi lahat naituro ng Panginoon(Juan14:26) at hindi lahat ng naituro Niya ay naisulat. .(Juan 21:25). Kaya nagtayo Siya ng Iglesia na Siyang magtuturo ng LAHAT NG BAGAY na hindi naisulat. At sa pamamagitan iyon ng BANAL NA ESPIRITU SANTO na Kanyang ipinagkaloob sa Simbahan. Wala pong kasinungaling sa katotohanan. (1 Juan 2:27) Ang Espiritu Santo na magtuturo sa lahat ng bagay na pinangako ng Panginoon ay hindi basta nasusulat lang . .ito ay totoong ginagampanan ng Espiritu Santo. Kaya nga sabi ni San Pablo, ang SIMBAHAN o IGLESYA na siyang HALIGI at SUHAY ng KATOTOHAN. Ang Simbahan ang FOUNDATION OF TRUTH, hindi ang Bibliya. At ang Iglesiang iyon ay ang SANTA IGLESIA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA. Wala ng iba pa.
–
Nasasaatin na po kung AALIS tayo sa IGLESIANG TINATAG ng Panginoong Hesus na siyang ang IGLESIA KATOLIKA. Sabi nga po ni San Juan
1 Juan 2:19
19 HUMIWALAY sila sa atin[mga dating-KATOLIKO] subalit HINDI sila KABILANG sa atin sapagkat kung talagang kabilang sila sa atin, NANATILI SANA silang kasama natin. Ngunit UMALIS sila upang MAHAYAG na silang lahat ay HINDI KABILANG sa atin.
–
At ang MANANATILI hanggang WAKAS sabi ng Panginoon ay
”And everyone will hate you because you are my followers(we Catholics). But the one who ENDURES to the END will be SAVED.” (Mark 13:13)
–
#DCFApologetics
-Nikita GandApologist