Ang Iglesia o Simbahang nasa Roma ay pinamumunuan nuon ng mga apostol, sina Apostol San Pedro at San Pablo. Makikita natin sa biblia kung paanong pinuri ng mga apostol ang Iglesia ng Roma. Sinabi ni Apostol San Pablo sa kanyang sulat:
” Sa lahat ninyong nangasa Roma. Mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at panginoong JesuCristo. ” (Mga Taga Roma 1:7)
Ano ang sabi ni apostol Pablo tungkol sa Simbahan ng Roma? iniibig ng Dios, ang simbahan ng Roma ay iniibig ng Dios sa anong dahilan? Sa talatang 8 ay sinabi ni Apostol San Pablo: ” …ang inyong Pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan. ” Inibig ng Dios ang Simbahan ng Roma dahil sa tibay ng kanilang pananampalataya. Ano ang patunay natin ngayon? Hindi ba’t tunay na ang Simbahan ng Roma ay kilalang-kilala sa buong sanglibutan at maging sa bawat sekta at relihiyon sa mundo? Ang kapangyarihan ng Simbahan ay kinikilala din, pag ang papa ay namatay ang lahat ang ilang milyong mga catholico ang nagluluksa sa mundo at nag-aantabay sa botohan at pagpapahayag sa bagong uupo na Sto. Papa. bagay na hindi natin makikita sa ibang mga sekta na ginawang gatasan ang mga aba at kahabag-habag na mga miyembro nila na kinukuhaan nila ng ikapu! Ano pa ang sabi ni Apostol san Pablo tungkol sa Simbahan ng Roma? Ang sabi: ” tinawag na mangagbanal ” tiyak na ang Paganong Roma ay hindi ganito. Pansin nyo po ba ngayon ang pinagkaiba ng Simbahan ng Roma sa Paganong Roma? Katiyakan nga, kung kayo ay may bukas na kaisipan, mga erehe na kaaway ng Simbahan! Paano binati ni Apostol Pablo ang Simbahan ng Roma? ang sabi niya: ” Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at panginoong JesuCristo. ” Pagbati ng Kapayapaang mula sa Dios ang hatid ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma na nagsisisampalataya. Ngunit tingnan natin ang mga sektang nagpapakilalang mga Cristiano kuno ay galit na galit sa simbahan ng Roma, kabaligtaran sa pagtrato ng mga apostol. Sinabi ni Apostol San Pablo: ” Sapagka’t ang Dios ang aking saksi, na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kanyang Anak, NA WALANG PATID NA AKING BINABANGGIT KAYO SA AKING MGA PANALANGIN…” (Roma 1:9). Kabaligtaran nga diba? Naalala ko tulo’y ang Eucharistic Prayer natin kada misa:
” Ama! Lingapin nyo po ang inyong SIMBAHANG LAGANAP SA BUONG DAIGDIG (Roma 1:8), puspusin mo po kami sa pag-ibig, kaisa ni Francisco na aming STO. PAPA (Obispo ng Roma) ni Gabriel na aming obispo (sa Dayosis ng Antipolo) at si Francisco na katuang niyang obispo at ng tanang kaparian…”
Dapat din natin malaman na sa loob ng maraming siglo ay walang ibang simbahan ang naitatag sa Roma maliban sa Inang Sta. Iglesia Catholica, kung gayon anong simbahan ang binabati ng mga Apostol sa sulat ni Pablo sa mga Taga Roma? Mga Burn Again? Iglesia ni Manalo? Sorianista? o kung ano pa? Hindi ba’t halata namang ang Iglesia Catholica? Kaya ikaw kapatid kong Catholico, pag-isipan mo itong mabuti at huwag padaya sa propaganda ng mga kaaway ng Simbahan. Mapapnsin din natin na sa bagong tipan, pagkatapos ng apat na evangelio at aklat ng mga Gawa ng mga Apostol ay unang-una ang Sulat sa mga Taga Roma. Bagama’t ang unang sinulatan ni apostol San Pablo ay ang mga taga Tesalonica.
Ad Majorem Dei Gloriam!
Subscribe to our YouTube Channel: http://www.youtube.com/c/DefendtheCatholicFaithVanguardsofT…
Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/defendcatholicfaith
Follow us on Twitter: https://twitter.com/DCFVanguards
Visit our website: http://dcfvanguards.com/
SOLUTA EST VERITAS! PLEASE SHARE!