Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Tupa ng Diyos”

 

Abril 23, 2024. Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
o kaya Paggunita kay San Adalberto, obispo at martir
o kaya Paggunita kay San Jorge, martir.

MABUTING BALITA
Juan 10, 22-30
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Taglamig na noon. Kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pista ng Pagtatalaga ng templo. Naglalakad si Hesus sa templo, sa Portiko ni Solomon. Pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami pag-aalinlanganin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo na nang tiyakan.” Sumagot si Hesus, “Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong maniwala. Ang mga ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama ay nagpapatotoo tungkol sa akin.

Ngunit ayaw ninyong maniwala, sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma’y di sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama, na nagbigay sa kanila sa akin, ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Pagninilay:

Isang mapagpalang Martes po sa ating lahat! Ang mga tao’y tinatanong si Hesus kung Siya ba ang Mesiyas subalit kung naniniwala sila, hindi na kailangang magtanong. Napakarami nang ginawa ni Hesus na mga himala at sa Kanyang pangangaral at pagpapahayag ni Juan Bautista malalaman na ng mga tao kung sino Siya. Kaya, hindi lahat ng nakaririnig ay umiintindi. Kung tayo’y nagbabasa at nakikinig, dapat ito’y naiintindihan natin para maisabuhay.

Ganito ang tunay na tupa ng Diyos, nakikinig sila at sumusunod. Hindi makakasunod kung hindi naiintindihan. Kailangan nating humiling ng gabay ng Espiritu Santo upang maipaunawa sa atin ang Salita ng Diyos. Kailangan din natin ng lakas mula sa Kanya upang maipagpatuloy na magawa ang mabuti, hindi ang masama sa araw-araw. Sa huli, kailangan natin ng awa ng Diyos, upang kahit madapa tayo ay makababangon muli at sikaping gumawa ulit ng mabuti sa mga susunod na pagkakataon.

Ang tatlong bagay na iyan ang kailangan ng isang tunay na tupa ng Diyos upang hindi siya mawala. Ang tao’y naliligaw ng landas kung siya’y gumagawa ng sariling desisyon at sinusunod lamang ang sariling kagustuhan Niya. Ngunit kung ang tao’y tunay na matutong manalangin mula sa puso, mapapakinggan Niya ang Diyos sa plano Niya at gusto Niyang sabihin hindi man sa literal na boses kundi sa iba’t ibang paraan. Hindi mawawala ang tupang marunong makinig at magpasaDiyos ng mga bagay sa buhay dahil Diyos ang mag-aalaga sa Kanya.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?