Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Tunay na Pagsisisi”

Pebrero 18, 2024. Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay.

MABUTING BALITA
Marcos 1, 12-15
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, si Hesus ay agad pinapunta ng Espiritu sa ilang. Nanatili siya roon ng apatnapung araw, na tinutukso ni Satanas. Maiilap na hayop ang naroon ngunit si Hesus ay pinaglilingkuran ng mga anghel.
Pagkatapos dakpin si Juan, si Hesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral ang Mabuting Balitang mula sa Diyos: “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balita ito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Linggo po sa lahat! “Pagsisihan at talikdan ang mga kasalanan”. Ito ang buod ng Kuwaresma. Ito rin ang dapat nating ginagawa bilang paghahanda sa darating na Semana Santa. Ano ba ang tunay na nakalulugod sa Diyos? Hindi Siya tulad ng tao na natutuwa sa saglit na katanyagan. Ang totoo’y halos lahat tayo ay makakalimutan pagtapos mamatay sa pagdaan ng mga henerasyon. Hindi Siya tulad nating mga nilalang sa lupa na namamangha sa edukasyon, talento, abilidad at ganda ng mukha o pangangatawan. Iisa lang ang tinitingnan ng Diyos – ang kalooban ng tao.

Ang mahalaga sa Diyos ay ang pusong nagsisisi at mapagkumbaba dahil ito lang ang pusong mayroong puwang para sa Kanya. Tayo ay nilikha ng Diyos para sa Diyos. May plano Siya para sa atin. Kaya nagiging miserable ang tao dahil puro plano niya ang gustong matupad sa kanyang buhay. Dapat tayong magtanong kung sino tayo sa mata ng Diyos at kung ano ang Kanyang plano para sa atin. Dito tayo magiging panatag, buo at payapa.

Hindi natin ito madidiskubre kung hindi tayo babalik sa Diyos. Malalaman lang natin ang kalooban Niya kung tayo’y mananalangin at magsisisi sa ating mga kasalanan at pagkukulang. Magkumpisal tayo at magsimba. Sikapin nating gawin ang resolusyon upang huwag magkasala sa tulong ng Diyos, gaano man ito kahirap at madapa man tayo nang paulit-ulit.

Ang pusong malinis ang pinakikinggan ng Diyos. Magkaroon man siya ng pagsubok ay madali siyang makatatayo. Ang pusong nagsisisi at mababa ang loob ay malapit sa Diyos, hindi ang isang taong nagmamalaking siya ang magaling sa kanyang buhay. Ito ang panahon upang tayo’y manalangin at magsisi habang tayo ay may oras pa.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?