Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Purong Pag-ibig”

Hunyo 7, 2024. Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus.

MABUTING BALITA
Juan 19, 31-37
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila ang Araw ng Pamamahingang ito. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus. Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.

Ang nakakita nito ang nagpapatotoo — tunay ang kanyang patotoo at alam niyang katotohanan ang sinabi niya – upang kayo’y maniwala. Nangyari ang mga ito upang matupad ang sinabi ng kasulatan, “Walang mababali isa man sa kanyang mga buto.” At sinabi naman ng ibang bahagi ng Kasulatan, “Pagmamasdan nila ang kanilang inulos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Ngayon po ang Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus. Ang puso ni Hesus ay sugatan. Makikita rito ang Krus, koronang tinik at ang tinusok ng sibat na mula sa tagiliran. Subalit para saan ba ang lahat ng ito na pinagdaanan ni Hesus? Kay pait ng Kanyang karanasan pero ninais Niya pa ring tiisin ang lahat dahil minamahal Niya tayo. Dahil sa pagmamahal na ito, gusto Niyang makapiling tayong muli sa paraiso kahit na tayo ay nagkasala. Nagkaroon ng kapatawaran para sa ating lahat.

Makikita rin natin ang simbolo ng awa at pagpapatawad na ito sa imahe ng “Divine Mercy”. Doon makikita natin na ang pulang sinag ay sumisimbolo sa dugo ni Hesus na dumanak mula sa Kanyang tagiliran. Ang puting sinag naman ay ang tubig. Ang awa at pag-ibig ay magkatulad. Kung saan ang pag-ibig ng Diyos, mayroon Siyang awa. Ang awa Niya para sa ating makasalanan ay dahil sa pag-ibig. Kaya kung nag-aalangan pa tayong lumapit o bumalik sa Kanya dahil sa pag-iisip na hindi na tayo karapatdapat sa Kanya, doon tayo nagkakamali.

Sinabi ni Hesus kay Santa Faustina sa mga aparisyon Niya para ipalaganap ang Divine Mercy na mas makasalanan, mas may karapatan sa Kanyang awa. Walang kasalanan ang hindi napapatawad kung sinsero nating gustong magbago at hindi natin ito magagawa mag-isa, kundi sa tulong at lakas lamang ng Diyos.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, kaawaan mo po kami. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

7Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?