Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagtingin sa Sarili”

 

 

 

 

Setyembre 9, 2022. Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari.

Subscribe to Awit at Papuri Communications Channel.

Friday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White).

UNANG PAGBASA
1 Corinto 9, 16-19. 22b-27
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, hindi ngayo’t nangangaral ako ng Mabuting Balita ay maaari na akong magmalaki. Iyan ang tungkuling iniatang sa akin. Sa aba ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita! Kung ginagawa ko ito sa sarili kong kalooban, ako’y may gantimpalang hihintayin; ngunit ginagawa ko ito bilang pagtupad sa tungkulin sapagkat ito’y ipinagkatiwala sa akin. Ano ngayon ang aking gantimpala? Ang maipangaral ko nang walang bayad ang Mabuting Balita at ang di ko pagkuha ng nauukol sa akin bilang tagapangaral.
Malaya ako at di alipin ninuman; ngunit napaalipin ako sa lahat upang makahikayat ako ng lalong marami. Ako’y nakibagay sa lahat ng tao upang ang ilan man lamang ay mailigtas ko, kahit sa anong paraan.

Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Mabuting Balita, upang makibahagi ako sa mga pagpapala nito. Alam ninyo na ang mga kasali sa takbuhan ay tumatakbong lahat, ngunit isa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala. Lahat ng manlalarong nagsasanay ay nagpipigil sa sarili sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang putong na panandalian lamang, ngunit ang putong na hinahangad natin ay panghabang panahon. Kaya ako’y tumatakbo patungo sa isang tiyak na hangganan; at hindi ako sumusuntok sa hangin. Pinahihirapan ko ang aking katawan at sinusupil ang sarili, baka pagkatapos kong mangaral sa iba ay ako naman ang itakwil.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12
Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

MABUTING BALITA
Lucas 6, 39-42
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad nang patalinghaga: “Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayun. Walang alagad na higit sa kanyang guro; ngunit kapag lubusang naturuan, siya’y magiging katulad ng kanyang guro.
“Ang tinitingnan mo’y ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, bayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayong hindi mo nakikita ang tahilang nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo’y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Paggunita po kay San Pedro Claver! Ang kanyang buhay po ay matatagpuan sa ilalim ng post na ito. Kung hindi natin titingnan ang ating sarili, hindi rin natin makikita nang malinaw ang iba. Kung ang mata natin ay nakatuon sa pagkakamali ng iba, hindi natin makikita ang ating pagkakamali. Ngunit ano ba ang mas mahalagang gawin? Ang tutukan ang mali ng iba o ang ating pagkakamali? Marahil, mas nakakatuwa para sa iba na makita ang mali ng iba subalit wala itong madudulot na maganda sa atin.

Ang dapat nating tutukan ay ang ating sariling pagkakamali, kahit na ang pakiramdam natin ay tila hindi maganda at nakakapanliit sa sarili, ito ang makabubuti sa atin. Aminin natin ang ating pagkakamali sa Diyos at sa ating sarili sapagkat hindi Niya tayo hinuhusgahan base rito. Tao lamang ang humuhusga base sa pagkakamali. Kaya naman, ang liwanag na dapat nasa atin ay liwanag mula kay Hesus upang makita natin ang ating sarili kung paano tayo nakikita ni Hesus.

Hindi nakakahiyang magkamali sa harap Niya kung saan, tinatanggap Niya tayo nang buong buo at tinutulungan tayong lagi na makabangon mula sa anumang mahirap na pinagdaraanan o isang kahinaan na umaalipin sa atin. Ang pagtanggap ng pag-ibig ng Diyos ang magdadala sa atin sa pagtanggap din ng ating sarili. Amen. +

Buhay ni San Pedro Claver: https://www.franciscanmedia.org/saint…/saint-peter-claver

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications 

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?