Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Paglilingkod at Pagsasakripisyo”

Setyembre 11, 2024. Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

MABUTING BALITA
Lucas 6, 20-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, tumingin si Hesus sa mga alagad, at kanyang sinabi,“Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!” “Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo’y bubusugin!” “Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo’y magagalak!”“Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo’y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman.

Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito’y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit — gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.”“Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!””Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo’y magugutom!” “Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo’y magdadalamhati at magsisitangis!” “Sa aba ninyo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Tila baliktad yata ang sinasabi ni Hesus at sinasabi ng mundo. Para sa mundo, ang dapat na magalak ay iyong busog at mayayaman subalit sabi naman ni Hesus, ang mapalad ay ang mga dukha, nagugutom, at tumatangis. Kasama na rin ang mga kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura. Lahat kasi ng mga ito, kung pagdaraanan natin kasama ng Diyos at para sa Kanya ay mayroong magandang maidudulot sa atin. Ganito nga ang dinanas ng mga santo sa Ngalan ni Hesus subalit ano ba naman ang mga paghihirap na ito kumpara sa walang hanggang gantimpala sa Langit? Diyos ang sinasandalan at sandigan ng mga taong walang wala at inaapi.

Siya ang taga-bigay ng gantimpala. Siya rin mismo ang Gantimpala.
Aanhin din ba natin ang magalak, mabusog at maging mayaman sa lupa kung wala tayong pakialam sa iba na sa mata ng Diyos ay ating mga kapatid?
Mayroon tayong responsibilidad sa ibang tao. Bilang Kristiyano, hindi tayo naniniwalang nabubuhay lamang tayo para magsaya sapagkat mayroong buhay na susunod pa. Ang permanenteng buhay ay hindi rito ngunit sa kabila. Ito ang dapat nating paghandaan. Ang daan patungo doon ay hindi laging maganda. Ito ay madalas masalimuot sapagkat ang tungkulin natin dito sa mundo ay malingkod. Ang paglilingkod ay kailangan ng pagsasakripisyo. Amen. +

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.

Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?