Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagiging Isang Bata”

Agosto 13, 2024. Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon.

MABUTING BALITA
Mateo 18, 1-5. 10. 12-14
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.

Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.
Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapu’t siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw?

Sinasabi ko sa inyo: kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. Gayun din naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Ang gustong maging dakila sa Kaharian ng Diyos ay dapat maging tulad ng isang bata. Hindi niya iniisip na magaling siya at madali siyang magpatawad. Mahirap na ito gawin habang tumatanda kasi ang dami na nating katuwiran at naiisip na masasama at masasakit. Subalit, kung tutularan natin ang mga bata na mababa ang loob, inosente, walang masama at maraming hangarin, at marami pa, madali sa atin maging santo o banal. Ang pagiging banal ay hindi malayo sa atin. Naririto ang lahat ng kailangan nating gawin kaya lang, nakatuon ang tao sa ibang bagay.

Halimbawa, sa paghihiganti, sa pagkuha ng kung ano ang para sa kanya at sa pag-aangat ng sarili. Kung magiging tulad tayo ng isang bata at maisip nating tayo ay maliit, mas mapapalapit tayo sa pagiging banal dahil ganito ang katangian ng Diyos – malinis ang puso at madaling magpatawad.
Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.

Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?