Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Paghiling Mula sa Ama”

 

Oktubre 7, 2021. sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario.

Memorial of Our Lady of the Rosary (White).

UNANG PAGBASA
Malakias 3, 13-20a
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Malakias

“Mabibigat ang sinabi ninyo tungkol sa akin,” sabi ng Panginoon. “Ngunit ang tanong ninyo, ‘Anu-ano ba ang sinabi namin?’ Sabi ninyo, ‘Walang saysay an g maglingkod sa Diyos. Bakit pa natin susundin ang kanyang mga utos? Bakit pa natin ipakikitang tayo’y nalulungkot sa nagawa nating kasalanan gayong kung sino ang palalo ay siya pang pinagpapala? Hindi lamang iyon; ang masasama ay nananagana at sinusubok pa nila ang Diyos sa paggawa nila ng kalikuan ngunit hindi sila napaparusahan.’”
Pagkatapos, nag-usap-usap ang mga taong may takot sa Panginoon. Narinig niya ang kanilang usapan, kaya ipinatala niya sa isang aklat ang kanilang pangalan. “Sila’y magiging akin,” sabi ng Panginoon. “Sa araw na ako’y kumilos, lubusan silang magiging akin. Kaaawaan ko sila, tulad ng pagkalinga ng isang ama sa anak na naglilingkod sa kanya. Muli ninyong makikita ang pagkakaiba ng mabuti at ng masama, ng taong naglilingkod sa akin at ng hindi naglilingkod.

“Tandaan ninyo, darating ang araw na lilipulin ko ang mga palalo at masasama. Sa araw na yaon, matutupok silang gaya ng dayami at walang matitira sa kanila,” sabi ng Panginoon. Ngunit kayo na sumusunod sa akin ay ililigtas ko at pagagalingin ng aking kapangyarihan na lulukob sa inyo, gaya ng sinag ng araw.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6
Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

MABUTING BALITA
Lucas 11, 5-13
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ipalagay natin na ang isa sa inyo’y nagpunta sa isang kaibigan isang hatinggabi at nagsabi, ‘Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay. Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!’ At ganito naman ang sagot ng kanyang kaibigan sa loob ng bahay, ‘Huwag mo nga akong gambalain! Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makababangon pa upang bigyan kita ng iyong kailangan.’ Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan sa pagpupumilit nito. Kaya sinasabi ko sa inyo:

Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung humihingi ng isda? Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya’y humihingi ng itlog? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Pagninilay:

Maligayang Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria ng Rosario! Ang paghiling sa magulang ay isang gawain ng anak. Sapagkat ang anak ay unang nakadepende magulang. Ganito rin tayo sa Diyos. Subalit ang mahalaga sa lahat ay pagturing muna natin sa Kanya bilang ating Ama. Sapagkat kung nakikita natin ang sarili natin bilang isang anak, hindi na tayo matatakot na magkulang pa. Mula sa relasyon natin na ito, magmumula ang ating kompiyansa sa Panginoon. Sapagkat ang totoo ay maari talaga nating hilingin ang kahit ano sa Kanya. Siya na ang nagsabi na humiling tayo at tayo ay bibigyan. Magkaroon lamang tayo ng tiwala sa Kanya bilang ating Ama sa langit, at tiyak hindi tayo mawawalan ng kahit ano. Kaya tayo nagkakaroon ng mga takot at pag-aalala na lumulunod sa ating pag-asa ay kapag hindi natin nakikita ang Diyos bilang isang magulang.

Kasama na rin dito kung hindi natin Siya nakikila bilang isang magulang na hindi iniiwan ang anak sa gitna ng pangangailangan. Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng pag-ibig na totoo sa mundo. Higit sa lahat ang Kanyang pag-ibig sa atin, ang ating tiwala naman ang siyang magiging sisidlan ng pag-ibig na ito. Dahil kung wala tayong tiwala sa Diyos, manghihina rin ang ating pag-ibig. Buong tiwala at pag-asa tayong humingi sa Diyos na ating Ama at nawa ay naisin nating mas palalimin ang ating relasyon sa Kanya. Nang sa gayon ay mas maintindihan natin Siya at mas mapanghawakan ang Kanyang pag-ibig at katapatan sa gitna ng ating mga dagok sa buhay. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?