Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Paghihintay sa Diyos”

Ika-20 ng Disyembre
(Simbang Gabi).

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

20th of December (Aguinaldo Mass) (White).

UNANG PAGBASA
Isaias 7, 10-14
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Noong mga araw na iyon, ipinasabi ng Panginoon kay Acaz: “Humingi ka sa akin ng palatandaan, maging sa kalaliman ng Sheol o sa kaitaasan ng langit.” Sumagot si Acaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko susubukin ang Panginoon.”
Sinabi ni Isaias:
“Pakinggan mo, sambahayan ni David,
kulang pa ba ang galitin ninyo ang mga tao
na pati ang aking Diyos ay inyong niyayamot?
Kaya nga’t ang Panginoon na rin ang magbibigay ng palatandaan:
maglilihi ang isang dalaga
at manganganak ng lalaki
at ito’y tatawaging Emmanuel.”
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6
Ang Panginoo’y darating,
s’ya’y dakilang Hari natin.

MABUTING BALITA
Lucas 1, 26-38
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang Panginoon.” Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.”

“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao – sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.”
Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Lunes po sa ating lahat! Ngayon ang ikalimang araw ng ating Simbang Gabi. Patuloy tayong naglalakbay kasama si Maria habang dinadala niya si Hesus sa kanyang sinapupunan. Muli, ginugunita natin ang pagpapahayag ng Panginoon kay Maria noong panahong ipinaglihi niya si Hesus sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Nagtanong siya tungkol sa kung paano ito mangyayari, ngunit walang pag-aalinlangan sa kanya. Ang ating Inang Maria ay naniniwala na ang Diyos ay may Kanyang pamamaraan kahit na hindi niya pa ito ganap na nauunawaan. Matapos nito ay nagtanong siya at natanggap ang sagot. Nakinig lamang siya sa pamamaraan ng Panginoon at pagkatapos ay naniwala siya.

Kung may mga hadlang sa ating daan, paano tayo tutugon? Handa rin ba tayong makinig sa Diyos tungkol sa Kanyang mga kaparaanan? O mabilis ba tayo magpaka-apekto agad at pagkatapos ay nagpapatuloy sa paggawa ng mga bagay sa sarili nating paraan? Nawa’y lagi nating tandaan na ang mga kaparaanan ng Diyos ay higit na mas mataas at mas mabuti kaysa sa atin. Kung ano ang kaya nating lutasin nang may pagkakamali at kahirapan, ito ay malulutas ng Panginoon nang walang kapintasan, mas madali at walang pagkakamali. Tayo ang dapat matuto kung paanong maghintay at maniwala sa kapangyarihan ng Diyos. Nawa’y hingin natin ang tulong ng ating Inang si Maria upang tayo ay maging maingat sa ating mga desisyon at magkaroon ng matatag na tiwala sa Diyos. Ang mga magagandang gawaing ito ay maghihikayat sa atin na maghintay sa Kanya upang maihayag Niya sa atin ang Kanyang karunungan bago ang ating mga aksyon at desisyon. Nawa’y sumunod din tayo sa Kanya kahit hindi natin lubos na nauunawaan kung bakit ganoon ang Kanyang mga plano. Sapagkat ang totoo, walang imposible sa Diyos. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pagsasalin ni: C.J.T.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications http://www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?