Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagdarasal at Pananalig”

Abril 11, 2024. Paggunita kay San Estanislao, Obispo at Martir.

MABUTING BALITA
Juan 3, 31-36
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: sinabi ni Hesus kay Nicodemo:
“Ang mula sa itaas ay dakila sa lahat; ang mula sa lupa ay taga-lupa at nagsasalita tungkol sa mga bagay sa lupa. Ang mula sa langit ay dakila sa lahat. Pinatototohanan niya ang kanyang nakita at narinig, ngunit walang maniwala sa kanyang patotoo. Ang naniniwala sa kanyang patotoo ay nagpapatunay na tapat ang Diyos.

Sapagkat ang sinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng mga salita ng Diyos; at walang sukat ang kanyang pagkakaloob ng Espiritu Santo. Minamahal ng Ama ang Anak, at ibinigay sa kanya ang kapamahalaan ng lahat ng bagay. Ang nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak, hindi nagkakaroon ng buhay – mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Huwebes po sa ating lahat! Pananalig ang ating kailangan kapag tayo’y nagdarasal. Pananalig ang kailangan upang mapalago ang relasyon natin sa Diyos. Ito ay grasya ng Diyos at isa ring desisyon sa ating panig. Tulad ng kung paanong desisyon din nating gumawa ng masama o mabuti.
Kaya nga, dapat akuin natin kung mayroon tayong pagkakasala at iwasang isisi ito sa iba. Tanggapin natin na tayo ang masama para malaman at magawa rin natin nang buo kung ano ang dapat para magapi ang masasamang pita ng laman at tukso na umaaligid sa atin.

Mayroon tayong kakayanang labanan ito at may kapasidad tayo na magdesisyon at pumili ng mabuting gagawin. Kaya nga nakalulungkot na bagamat ipinakita ng Diyos na Siya ang Ilaw ng Mundo, marami pa rin ang pumipili sa dilim.
Tuwing pinipili ng tao ang mas madali kahit na masama ang kahihinatnan nito, ang tumakas sa problema kaysa pasanin ang Krus, at ang tukso dahil ito’y gusto ng tao kahit kasalanan ito, pinipili ng tao ang dilim. Mahirap lumaban dahil ito’y taliwas sa natural ng tao na pagkamakasalanan subalit magagawa ito sa grasya ng Diyos.

Kaya nga may mga sakramento sa Simbahan gaya ng kumpisal at Banal na Misa. Ito ang mga sandata natin laban sa pagkakasala. Sa mga ito tayo makakakuha ng proteksyon at grasya ng Diyos. Si Hesus mismo sa Banal na Eukaristiya ang ating pinakamainam na proteksyon at ang araw-araw na pagdarasal upang gabayan tayo ng Diyos sa ating buhay at hindi maligaw. Aminin na nating kailangan natin ng Diyos at ang pagpupursigi sa pagsisimba tuwing Linggo at pagdarasal araw-araw.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?