Abril 24, 2024. Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir.
MABUTING BALITA
Juan 12, 44-50
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, malakas na sinabi ni Hesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita sa kanya. Ako’y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito.
May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya’t ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pagninilay:
Isang mapagpalang Miyerkules po sa ating lahat! Ang naniniwala kay Hesus ay naniniwala sa Ama na nagsugo sa Kanya. Iisa ang Diyos ngunit Tatlong Persona, Ama, Anak at Espiritu Santo. Iisa lamang ang katotohanan at hindi ito mababago kaya ang sinumang magsabi na si Hesus ay hindi Diyos, bagamat Siya’y Anak ng Diyos, ay ang mga taong sinungaling.
Kaya naman, higit sa kahit kanino pa, dapat alam natin ang ating pananamapalataya. Kung ano man ang sabihin ng mga sekta, may pananggalang tayo dahil alam natin kung ano ang totoo. Bilang tupa ng Diyos, hindi tayo maliligaw. Ang mga naliligaw dahil sa kasinungalingan ng iba ay kulang sa kaalaman at tatag ng pananalig. Ang mga nananatili sa kawan ay nakikinig sa Pastol na nagpapahayag ng Katotohanan at Mabuting Balita. Ang pagtalikod nag-iisang tunay na iglesiya, ang Simbahang Katolika, na itinatag ng Diyos ay pagtalikod din sa Kanya bagamat hindi lahat ay hahatulan habang nandirito pa sa mundo.
Habang tayo’y nabubuhay dito, binibigyan tayo lagi ng pagkakataon ng Diyos upang maging mabuti. Kaya nga laging mayroong kumpisal at maari tayong mapatawad at malinis sa ating mga kasalanan tuwing tinatanggap ang sakramentong ito. Binibigay ng Diyos ang lahat ng grasya sa lahat ng tao upang malaman nila ang totoo, kaya lamang, mismong tao rin ang tumatanggi sa katotohanang ito.
Darating ang araw ng paghuhusga. Isa sa ating pagkamatay at isa sa wakas ng mundo. Habang naririto, mayroon pa tayong panahon para alamin, aralin at isabuhay ang Mabuting Balita. Maglingkod tayo sa Simbahan, makinig tayo sa Diyos kung ano ang plano Niya para sa atin sa pananalangin at igugol natin ang ating oras at lakas para sa Kanya. Kung gagawin natin ito, iwanan man natin ang lahat para sa Diyos, Simbahan at kapwa, wala
ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Katotohanang Nagliligtas”
Abril 24, 2024. Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir.
MABUTING BALITA
Juan 12, 44-50
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, malakas na sinabi ni Hesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita sa kanya. Ako’y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito.
May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya’t ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pagninilay:
Isang mapagpalang Miyerkules po sa ating lahat! Ang naniniwala kay Hesus ay naniniwala sa Ama na nagsugo sa Kanya. Iisa ang Diyos ngunit Tatlong Persona, Ama, Anak at Espiritu Santo. Iisa lamang ang katotohanan at hindi ito mababago kaya ang sinumang magsabi na si Hesus ay hindi Diyos, bagamat Siya’y Anak ng Diyos, ay ang mga taong sinungaling.
Kaya naman, higit sa kahit kanino pa, dapat alam natin ang ating pananamapalataya. Kung ano man ang sabihin ng mga sekta, may pananggalang tayo dahil alam natin kung ano ang totoo. Bilang tupa ng Diyos, hindi tayo maliligaw. Ang mga naliligaw dahil sa kasinungalingan ng iba ay kulang sa kaalaman at tatag ng pananalig. Ang mga nananatili sa kawan ay nakikinig sa Pastol na nagpapahayag ng Katotohanan at Mabuting Balita. Ang pagtalikod nag-iisang tunay na iglesiya, ang Simbahang Katolika, na itinatag ng Diyos ay pagtalikod din sa Kanya bagamat hindi lahat ay hahatulan habang nandirito pa sa mundo.
Habang tayo’y nabubuhay dito, binibigyan tayo lagi ng pagkakataon ng Diyos upang maging mabuti. Kaya nga laging mayroong kumpisal at maari tayong mapatawad at malinis sa ating mga kasalanan tuwing tinatanggap ang sakramentong ito. Binibigay ng Diyos ang lahat ng grasya sa lahat ng tao upang malaman nila ang totoo, kaya lamang, mismong tao rin ang tumatanggi sa katotohanang ito.
Darating ang araw ng paghuhusga. Isa sa ating pagkamatay at isa sa wakas ng mundo. Habang naririto, mayroon pa tayong panahon para alamin, aralin at isabuhay ang Mabuting Balita. Maglingkod tayo sa Simbahan, makinig tayo sa Diyos kung ano ang plano Niya para sa atin sa pananalangin at igugol natin ang ating oras at lakas para sa Kanya. Kung gagawin natin ito, iwanan man natin ang lahat para sa Diyos, Simbahan at kapwa, wala tayong pagsisisihan sa huli.
Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +
Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications