Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Espiritu Santo”


 

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Espiritu Santo”

Enero 22, 2024. Lunes ng Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
o kaya Paggunita kay San Vicente, diyakono at martir.

MABUTING BALITA
Marcos 3, 22-30
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinabi ng mga eskribang dumating mula sa Jerusalem, “Inaalihan siya ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. Ito ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo!” Kaya’t pinalapit ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila ang ilang talinghaga: “Paano mangyayaring palayasin ni Satanas si Satanas?”

Kapag naglaban-laban ang nasasakupan ng isang kaharian, hindi mananatili ang kahariang iyon. At kapag naglaban-laban ang magkakasambahay, hindi mananatili ang sambahayang iyon. Gayun din naman, kapag naghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili at naglaban-laban ang kanyang nasasakupan, hindi magtatagal at darating ang kanyang wakas.

“Walang makapapasok sa bahay ng isang taong malakas at makaaagaw ng kanyang ari-arian, malibang gapusin muna niya ang taong iyon. Saka pa lamang niya malolooban ang bahay na iyon.

“Tandaan ninyo ito: maaaring ipatawad sa mga tao ang lahat ng kasalanan at panlalait nila sa Diyos, ngunit ang sinumang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad. Ang kanyang kasalanan ay hindi mapapawi kailanman.” Sinabi ito ni Hesus sapagkat ang sabi ng ilan, “Inaalihan siya ng masamang espiritu.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Lunes po sa ating lahat! Pinaratangan ng masama ni Hesus. Hindi nila nalalamang Siya ay Diyos. Isa na sanang palatandaan ang Siya’y nakapagpapalayas ng demonyo gamit ang sariling kapangyarihan subalit pinagbintagan pa Siya ng masasama.
Ang mga tao ay natural na madaling humatol ng kapwa ngunit kung ang paghatol na ito ay tungo sa Diyos, nakakatakot ito. Ang tanging kasalanang hindi napapatawad ay ang laban sa Espiritu Santo, kung ang tao’y pinagbibintangang ang Espiritu Santo at ang Kanyang mga gawa bilang sa diablo.

Hindi dahil sa hindi mapagpatawad ang Diyos dahil Siya ay awa, kung hindi dahil sa sa sariling pagtingin ng taong ito nang masama na hindi nakakakilala nang tunay sa Diyos dahil sa sarili niyang malisya. Kaya nga ang pananampalataya natin ay isang grasya mula sa Diyos. Wala tayong malalaman kung hindi ang Kanyang ipinahayag at ang kabubuuan ng pagpapahayag ng ating pananampalataya na nasa Simbahang Katolika lamang.

Gumawa ng mabuti si Hesus subalit Siya ay pinagbibintangan. Tayong mga gumagawa ng mabuti, handa rin ba tayong harapin ang mga pasakit na ito? Madalas kapag gumawa tayo ng mabuti, ang iniisip natin ay kailangan tayong pasalamatan at papurihan subalit ang totoo’y ginagawa lamang natin ang tama sapagkat tayo rin ay tumanggap mula sa Diyos at ito ang ibinibigay natin sa iba. Maging handa rin tayong maging mabuti kahit hindi makatanggap ng kahit anong papuri, pabuya ni pasasalamat sa huli. Ang pagtulong sa iba ay isa ring Krus na tulad ng kay Hesus.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Banal na Espiritu Santo, kaawaan mo po kami at ang buong mundo. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?