Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Pagpapasan ng Krus”

 

Marso 7, 2019. Huwebes Pagkatapos ng Miyerkules ng Abo. 

Salmo 1: Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.

Unang Pagbasa: Deuteronomio 30:15-20

“Binibigyan ko kayo ngayon ng pagpipilian: buhay o kamatayan; kasaganaan o kahirapan; kapag sinunod ninyo ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon mula kay Yahweh na inyong Diyos, at kung mahal ninyo siya at ginagawa ang kanyang kagustuhan, pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo.

Bibigyan niya kayo ng mahabang buhay at gagawing isang malaking bansa. Ngunit kapag tumalikod kayo at ayaw nang makinig sa kanya, sa halip ay naglingkod sa ibang mga diyos, ngayon pa’y sinasabi ko sa inyong malilipol kayo.

Hindi kayo magtatagal sa lupaing sasakupin ninyo sa ibayo ng Jordan.

Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal.

Ibigin ninyo si Yahweh, sundin siya at manatiling tapat sa kanya upang kayo at ang inyong salinlahi ay mabuhay nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.”

Ebanghelyo: Lucas 9:22-25

Sinabi pa niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao’y dapat magdanas ng matinding hirap. Itatakwil siya ng mga pinuno ng bayan, ng mga punong pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan.

Siya ay ipapapatay nila ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang bubuhayin ng Diyos.”

At sinabi niya sa kanilang lahat, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin.

Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito.

Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang mapapahamak naman ay ang kanyang sarili.

Pagninilay:

Sadyang mga karangyaan at mga yaman ng mundo ay salungat sa ating pagpapakabanal. Madaling kalimutan ang mga problema at ang daan ng Krus kung masyado na nating minamahal ang pagpapakasarap sa mundo – perang makakabili ng lahat, damit at pagpapaganda para purihin ng ibang tao, yaman at luho na pwede ay mapapasaiyo. Subalit para dito nga ba kung bakit tayo nabuhay? Nangangarap ba tayong maging mayaman sa mundo o sa langit? Tandaan nating ang buhay natin dito ay saglit lamang kumpara sa naghihintay sa atin na buhay na walang hanggan.

Sa tingin ninyo ba’y may saysay ang makuha ang lahat ng gusto ng ating laman habang ang iba’y nakikita nating nagugutom, nauuhaw, walang makain, walang matirhan at wala ring malinis na saplot sa katawan?

Magkasalungat at magka-away ang turo ng mundo at ang turo ng ating Ebanghelyo na siyang daan ng ating Panginoong Jesus. Bilin ng ating Panginoon sa atin ay pasanin natin ang kanya-kanyang hirap natin sa buhay. Magsakripisyo at maglilingkod tayo sa iba upang makapagbigay sa ibang tao kung saan siya’y nanahan. Sa mga mahihirap, sa mga may-sakit, sa lahat ng mga api at nangangailangan. Kapag ang mga ito’y ating ginawa sa Kanyang ngalan ay magkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan.

Tandaan natin tayo’y mga makasalanan. Samakat’wid ang parusa ng kasalanan ay kamatayan. Subalit dahil si Cristo ay nagkatawang tao, nagpakasakit, namatay at muling nabuhay para sa atin, tayo rin ay nagtagumpayan na ang kasalanan sa pamamagitan Niya.

Lahat ng ito’y ginawa niya at inialay niya ang kanyang sariling pagkamatay at pagkabuhay para tayo rin ay magkaroon ng buhay kasama Niya at sa Kanya. Nabuksan ang pintuan ng langit at ang tayo ngayon ay makakapagmana ng buhay na walang hanggan dahil tayo’y kay Cristo.

Subalit kung pipiliin nating maging makasarili, at patuloy na magpupursigi sa ating kasalanan – kung hindi tayo mananalig sa Panginoon at magiging tapat sa kanya at sa ating kapwa, tayo mismo ang tila magtatapon ng Kanyang pangako sa atin. Kaya ngayong araw ay pinapapipili tayo ni Jesus. Sapagkat ang pag-ibig ay nagsisimula sa pagpili.

Sabi nga iba sa wikang Ingles “Love is not a feeling. Love is a choice.” Mayroon tayong puso, damdamin at isip para magdesisyon. Sana ay lagi nating piliin ang Panginoon.

Manalangin tayo sa Kanya mula sa puso at pagnilayan natin ang mga bagay na ito.

Pagpalain nawa tayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen +

Maraming Salamat sa Inyong Pagsubaybay!

Tulungan ninyo kaming ipamahagi ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pag-CLICK at SHARE nito. I-TAG na rin ang inyong mga kaibigan sa post na ito!

Copyright Reflections Written By: FMM. FrancesMaryMargaret.

 

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?