Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Kalooban ng Diyos”

Photo Credit: ledailyberet.fr

 

Disyembre 4, 2018. Martes. Unang Linggo ng Adbiyento. 

Unang Pagbasa: Isaias 11:1-10

Naputol na tulad ng punongkahoy, ang paghahari ng anak ni Jesse. Ngunit katulad ng pag-usbong ng mga bagong sanga sa pinutol na puno, sa lahi niya’y lilitaw ang isang bagong hari.

Mananahan sa kanya ang Espiritu ni Yahweh, ang espiritu ng karunungan at pang-unawa,
ng mabuting payo at kalakasan, kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh.

Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh. Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita, o magpapasya batay sa kanyang narinig.

Ngunit hahatulan niya ng buong katuwiran ang mga dukha, at ipagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa. Tulad ng pamalo ang kanyang mga salita,
sa hatol niya’y mamamatay ang masasama.

Maghahari siyang may katarungan, at mamamahala ng may katapatan. Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero, mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing,
magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon, at ang mag-aalaga sa kanila’y isang batang paslit.
Ang baka at ang oso’y magkasamang manginginain, ang mga anak nila’y mahihigang magkakatabi, ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka.

Maglalaro ang sanggol sa tabi ng lungga ng ahas, hindi mapapahamak ang batang munti kahit pa isuot nito ang kanyang kamay sa lungga ng ulupong.

Walang mananakit o mamiminsala sa nasasaklaw ng aking bundok na pinagpala; sapagkat ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala kay Yahweh, kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.

Sa araw na iyon, lilitaw ang isang hari mula sa angkan ni Jesse, at ito ang magiging palatandaan para sa mga bansa. Ang mga bansa’y tutungo sa banal na lunsod upang siya’y parangalan.

Ebanghelyo: Lucas 10:21-24

Nang oras ding iyon, si Jesus ay napuspos ng kagalakan ng Espiritu Santo. Sinabi niya, “Salamat sa iyo, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at sa mga matatalino ang mga bagay na ito, ngunit inihayag mo sa mga taong ang kalooban ay tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mong mangyari.

“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at wala namang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak, at ang mga taong ginawang karapat-dapat ng Anak na makakilala sa Ama.”

Humarap si Jesus sa mga alagad at sinabi nang walang ibang nakakarinig, “Mapalad kayo sapagkat nakita ninyo ang mga nakikita ninyo ngayon.

Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan, subalit hindi nila ito nakita ni narinig.”

Pagninilay:

Ngayong Ebanghelyo ay nagtunghayan natin si Jesus na puspos ng kagalakan at pasasalamat. Dahil sa pagtanggap ng mga tao kay Jesus bilang Mesiyas na hindi gumagamit ng karunungan ng tao. Kanilang tinanggap si Jesus sa kaibuturan ng kanilang puso.
Naparito si Jesus hindi para sa mga magaling, marunong at mga mayayaman na wala nang kailangan pa sa buhay. Naparito si Jesus para sa mga mahihirap, sa mga naapi, mga makasalanan at mga may karamdaman. Sa lahat ng mga umaaming kailangan nila ng Diyos.

Sa ating buhay, ilang beses ba nating hinusgahan ang mga taong mas kailangan mismo ng paglingap ni Jesus? Sinasabi ng iba, na bakit pa nagpupunta ang ilan sa simbahan gayong makasalanan din naman?

Lahat tayo’y makasalanan, mahina at may kanya-kanyang kapintasan. Lingid sa kaalaman ng lahat na ito mismong pag-amin na ito sa ating hindi kayang gawin, ang magiging simula ng ating kalakasan. Kapag ka tinanggap nating hindi natin alam ang lahat ay hihingi tayo ng tulong sa Diyos. Dedepende tayo sa kanya bilang mga bata na puno ng tiwala.

Dahil sa awa ni Cristo sa ating lahat bagamat tayo’y mga makasalanan, nawa’y ito ay maging gabay natin kung paano natin pakikitunguhan ang iba. Hindi binibilang ng Diyos ang ating kasalanan. Bagamat, tayo’y paulit-ulit na nagkakasala sa kanya.
Kung bakit ganito ang Diyos ay hindi na tayo dapat magtanong. Kailangan lamang natin damhin ang pag-ibig niyang hindi iniisip sa pamamagitan ng lohika ngunit tinatanggap nang may kababaang loob. Amen. +

Panalangin: O Jesus, hipuin mo ang isip ko at puso ko nang matanggap ko ang iyong kalooban. Maria, aming ina, ipanalangin mo kami. Amen. +

Pagpalain nawa tayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen +

Maraming Salamat sa Inyong Pagsubaybay!

Tulungan ninyo kaming ipamahagi ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pag-CLICK at SHARE nito. I-TAG na rin ang inyong mga kaibigan sa post na ito!

Copyright Reflections Written By: Admin. FMM Francesca Maria Margarita

Defend the Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?