Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Isang Pamilya ng Diyos”

Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon.

Exodo 15, 8-9. 10 at 12. 17
Poon ay ating awitan sa kinamtan n’yang tagumpay.

UNANG PAGBASA
Exodo 14, 21 – 15, 1
Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, itinapat ni Moises ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat. Magdamag na pinaihip ng Panginoon ang isang malakas na hangin mula sa silangan at nahati ang tubig. Ang mga Israelita’y bumagtas sa dagat na ang nilakara’y tuyong lupa, sa pagitan ng animo’y pader na tubig. Hinabol sila ng mga Egipcio, ng mga kawal, karwahe at kabayuhan ng Faraon. Nang magbubukang-liwayway na, ang mga Egipcio’y ginulo ng Panginoon mula sa haliging apoy at ulap. Nalubog ang gulong ng mga karwahe at hindi na sila makatugis nang matulin. Kaya sinabi nila, “Umalis na tayo rito sapagkat ang Panginoon na ang kalaban natin.”

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Itapat mo ang iyong tungkod sa ibabaw ng dagat at tatabunan ng tubig ang mga Egipcio pati ng kanilang karwahe.” Ganoon nga ang ginawa ni Moises, at pagbubukang-liwayway, nanumbalik sa dati ang dagat. Ang mga Egipcio’y nagsikap makatakas ngunit pinalakas ng Panginoon ang dating ng tubig kaya’t sila’y nalunod na lahat. Nang manauli ang dagat, natabunan ang mga karwahe’t kabayo ng Faraon, pati ng kanyang mga kawal at walang natira isa man. Ngunit ang mga Israelita’y nakatawid sa dagat, na tuyo ang dinaanan, sa pagitan ng animo’y pader na tubig.

Nang araw na yaon ang mga Israelita’y iniligtas ng Panginoon sa mga Egipcio; nakita nila ang bangkay ng mga Egipcio, nagkalat sa baybay-dagat. Dahil sa kapangyarihang ipinakita ng Panginoon laban sa mga taga-Egipcio, nagkaroon sila ng takot sa kanya at sumampalataya sila sa kanya at sa alagad niyang si Moises.

Ito ang inawit ni Moises at ng mga Israelita para sa Panginoon.
“Ang Panginoo’y atin ngayong awitan
Sa kanyang kinamtang Dakilang tagumpay;
Ang mga kabayo’t kawal ng kaaway
Sa pusod ng dagat, lahat natabunan.”

Ang Salita ng Diyos.
Salamat sa Diyos.

MABUTING BALITA
Mateo 12, 46-50
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo. Papuri sa iyo Panginoon.

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita pa si Hesus, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas at ibig siyang makausap. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ibig kayong makausap.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Sino ang aking ina, at sinu-sino ang aking mga kapatid? Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinupuri ka namin Panginoong Jesu Cristo.

Pagninilay:

Hindi naman itinatakwil ni Jesus ang kanyang mga kamag-anak sa atung Ebanghelyo ngayon. Nang sinabi niyang ang mga gumagawa ng kalooban ng Ama ang kanyang ina at mga kamag-anak, ibig niya lamang sabihin sa ating lahat ay mayroon tayong mas malawak na pamilya – ang pamilya ng Diyos. Hindi ito limitado sa magkakadugo, magkakapangalan o magkakamukha. Hindi ito base sa yaman, edukasyon at kulay ng balat. Bagkus, sa paggawa ng kalooban ng Ama. Ang sinumang sumunod sa Ama, siya ay anak at nagiging anak ng Diyos, tulad ni Jesus. 

Sapagkat si Jesus ay laging sumusunod sa Ama. Sumunod siya kahit hanggang Krus at kamatayan sa Krus. Tayo rin kahit minsan ay nahaharap sa Krus, dapat na magkaroon ng lakas ng loob sumunod sa Ama. Dahil sa pag-alaalang matatapos din ito at mapapalitan ng buhay – buhay na walang hanggan. Ang bawat poot ay mapapalitan ng saya gaya sa muling pagkabuhay. Kaya naman, naririto ang kahalagahan ng pagsunod sa Ama. Paano ba tayo makakasunod? Makakasunod tayo sa pamamagitan ni Jesus at ng kanyang Salita.

Makinig tayo kay Jesus sa pananalangin at sa Salita ng Diyos. Kilalanin natin siya at diskubrihin siya. Sapagkat si Jesus ang daan sa Ama. Sa ating pakikinig, kung tunay talaga tayong nakarinig pati ang ating puso, iisipin naman natin pagkatapos kung paano gagawin ang mga sinabi ni Jesus. Iisipin natin kung paano isasabuhay ang Salita, mga turo ng Simbahan at mga utos ng Diyos. Nang sa gayon, manahin natin ang Kaharian ng Diyos. Sapagkat ang mga anak lamang ang nagmamana nito. At ang tunay na kaligayahan natin ay hindi matatagpuan sa materyal na bagay na kakaunti at panandaliang aliw lamang ang naibibigay. Sa halip, madarama natin ang nanunuot at nananatiling ligaya sa pagsunod sa Diyos. Sa paggawa ng mabuti kahit mahirap. Sa pagpapatawad. Hindi mauubos ang ating tuwa dahil Diyos mismo ang magbibigay nito.

Siya ang Ama, tayo ang mga Anak at tayong lahat ay kabilang sa isang pamilya ng Diyos. Kasama ng mga anghel at mga banal na kapatid natin sa langit.

Pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

? Admin. FMMargarita. ?

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?