666 Apologetics / Reflections Catholic Church Religion

Ang Iglesia Catholica Apostolica Romana ba ang tinutukoy na Patutot na Babilonia? By: Apolohistang Katekista

Marami sa mga sekta na nagsulputan ngayon ang nagkakapit ng Apocalipsis 18:1-7 sa Inang Sta. Iglesia Catholica Apostolica ROMANA na nagsasabing di umano ay ang Simbahang Catholico na nasa Roma ang tinutukoy ng hula, dahil ang pangalang Babilonia ay ginagamit pamalit sa Roma. Ang paratang naito ay kinopya ng isang sekta sa iba pang sekta na sa turing nila ay hindi sa Dios at mga peke (sa kabila ng katotohanang silang lahat ay mga huwad at bulaan, nagtatalo-talo pa sila kung anong klaseng kasinungalingan at “mas magandang pangdaraya” ang gagawin nila sa mga tao! Dapat maging maingat ang mga Cristiano Catholico pagdating sa pagsagot sa ganitong mga paratang, lalo na sa panahon natin ngayon ay maraming umaalis sa inang simbahan dahil sa napaniwala at nadala sa ganitong uri ng mga paninira dahil sa kakulangan ng aral sa catesismo ng Simbahan.
Ang Dalawang uri ng Roma
Nuong panahon ng mga apostol ay may umiiral na dalawang uri ng Roma:
Una, ay ang Paganong emperyo ng Roma na pinamumunuan ng mga emperador pagano. Ang mga emperador na ito ay siyang tumugis at nagpapatay sa mga unang catholico Cristiano sa Roma. Ipinako nila ang mga kristyano, sinunog ang iba’y pinugutan at ipinakain sa Leon. Sa panahon ng Emperador Romano na si Nero ay nakamit nina Apostol San Pedro at San Pablo ang pagkamartir alang-alang sa pananampalataya. Mas minatamis nila ang kamatayan kaysa ang sumamba sa isang tao na diyos-duyusang gaya ni Nero. Sa ganito’y nasabi ni Apostol San Pablo: ” Ngunit sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo at ang mamatay ay pakinabang.”
Pangalawa, ay ang Iglesia o Simbahang nasa Roma na pinamumunuan ng mga apostol, sina Apostol San Pedro at San Pablo. Makikita natin sa biblia kung paanong pinuri ng mga apostol ang Iglesia ng Roma. Sinabi ni Apostol San Pablo sa kanyang sulat:
” Sa lahat ninyong nangasa Roma. Mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at panginoong JesuCristo. ” (Mga Taga Roma 1:7)
Ano ang sabi ni apostol Pablo tungkol sa Simbahan ng Roma? iniibig ng Dios, ang simbahan ng Roma ay iniibig ng Dios sa anong dahilan? Sa talatang 8 ay sinabi ni Apostol San Pablo: ” …ang inyong Pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan. ” Inibig ng Dios ang Simbahan ng Roma dahil sa tibay ng kanilang pananampalataya. Ano ang patunay natin ngayon? Hindi ba’t tunay na ang Simbahan ng Roma ay kilalang-kilala sa buong sanglibutan at maging sa bawat sekta at relihiyon sa mundo? Ang kapangyarihan ng Simbahana y kinikilala din, pag ang papa ay namatay ang lahat ang ilang milyong mga catholico ang nagluluksa sa mundo at nag-aantabay sa botohan at pagpapahayag sa bagong uupo na Sto. Papa. bagay na hindi natin makikita sa ibang mga sekta na ginawang gatasan ang mga aba at kahabag-habag na mga miyembro nila na kinukuhaan nila ng ikapu! Ano pa ang sabi ni Apostol san Pablo tungkol sa Simbahan ng Roma? Ang sabi: ” tinawag na mangagbanal ” tiyak na ang Paganong Roma ay hindi ganito. Pansin nyo po ba ngayon ang pinagkaiba ng Simbahan ng Roma sa Paganong Roma? Katiyakan nga, kung kayo ay may bukas na kaisipan, mga erehe na kaaway ng Simbahan! Paano binati ni Apostol Pablo ang Simbahan ng Roma? ang sabi niya: ” Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at panginoong JesuCristo. ” Pagbati ng Kapayapaang mula sa Dios ang hatid ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma na nagsisisampalataya. Ngunit tingnan natin ang mga sektang nagpapakilalang mga Cristiano kuno ay galit na galit sa simbahan ng Roma, kabaligtaran sa pagtrato ng mga apostol. Sinabi ni Apostol San Pablo: ” Sapagka’t ang Dios ang aking saksi, na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kanyang Anak, NA WALANG PATID NA AKING BINABANGGIT KAYO SA AKING MGA PANALANGIN…” (Roma 1:9). Kabaligtaran nga diba? Naalala ko tulo’y ang Eucharistic Prayer natin kada misa:
” Ama! Lingapin nyo po ang inyong SIMBAHANG LAGANAP SA BUONG DAIGDIG (Roma 1:8), puspusin mo po kami sa pag-ibig, kaisa ni Francisco na aming STO. PAPA (sa Roma) ni Gabriel na aming obispo (sa Dayosis ng Antipolo) at si Francisco na katuang niyang obispo at ng tanang kaparian…”
Dapat din natin malaman na sa loob ng maraming siglo ay walang ibang simbahan ang naitatag sa Roma maliban sa Inang Sta. Iglesia Catholica, kung gayon anong simbahan ang binabati ng mga Apostol sa sulat ni Pablo sa mga Taga Roma? Mga Burn Again? Iglesia ni Manalo? Sorianista? o kung ano pa? Hindi ba’t halata namang ang Iglesia Catholica? Kaya ikaw kapatid kong Catholico, pag-isipan mo itong mabuti at huwag padaya sa propaganda ng mga kaaway ng Simbahan. Mapapnsin din natin na sa bagong tipan, pagkatapos ng apat na evangelio at aklat ng mga Gawa ng mga Apostol ay unang-una ang Sulat sa mga Taga Roma. Bagama’t ang unang sinulatan ni apostol San Pablo ay ang mga taga Tesalonica.
Ang Pitong Burol sa Apoc 17:9
Sinabi sa aklat ng Pahayag 17:9 ang ganito: ” Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae ” Ito ay hindi tumutukoy sa Vatican kung saan naroroon ang sento ng Simbahan, kundi ito ay tumutukoy sa pitong buro ng Paganong Roma. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Aventinus Hill 2. Caelius Hill 3. Capitolium Hill 4. Esquilinus Hill 5. Palatinus Hill 6. Quirinalis Hill 7. Viminalis Hill
Makikita natin na sa listahang iyan ay hindi kasama ang Vatican Hill na siyang sentro ng catholisismo at kung saan namatay sina Apostol San Pedro at San Pablo. Ang Vatican Hill ay nasa kabila ng Tiber River. Mula sa burol na iyon ay nagmula ang liwanag ng Sta. Iglesia Catholica na siyang gumapi sa paganong Roma. Ngunit makikita natin na ang mga Sektang nagpapakilalang cristiano na nakikigamit lang ng Bibliang galing sa catholico ay walang utang na loob sa inang simbahan!
Ang Babaeng Nagpapaksasa sa Laman
Sinabi sa Pahayag 18:7 ” Kung paano siya nagmataas at nagpasasa sa kalayawan ” Ang Simbahan ay laban sa imoralidad, kagaya ng Diborsyo, Abosyon, Same Sex Marriage at iba pang tulad nito Samantalang ang mga Iglesia Protestante ay nagpapahintulot nito. Nariyan at meron nude church ng mga protestante sa virginia na sa kanilang pagtitipon ang lahat ng miyembro maging ang pastor ay hubo’t hubad! Anong klaseng Iglesia iyan na lantaran at walang pakundangang lumalabag sa katuruan ng mga apostol na nasa biblia (akala ko ba sola scriptura, eh bakit gyon nilalabag ninyo ang scriptura?) Tingnan ninyo ang video na ito: https://www.youtube.com/watch?v=RJirSK3PXx8 Nandiyan din ang isang Pastor Protestante, isang evangelical mula sa Brazil ang nagsabi na ang kanyang ari ay naglalaman ng ” Banal na Gatas ” Kaya naman daw ay kailangang i-oral sex sya ng mga kababaihang miyembro niya hanggang sa ibuhos ng espiritu santo ang kapangyarihan s apamamagitan ng pagpapalabas ng kanyang semilya sa bibig ng mga kababaihang kaanib niya. Halatang manyakin eh, bakit s amga babae lang, bakit di nya subukang sabihin ito s amga kalalakihang kaanib niya para makatanggap sia ng “Banal na Bugbog” at nang s agayon ay mabawasan ang kanyang kahalayan. Tingnan ang video na ito: https://www.youtube.com/watch?v=Ug0EF0jIpFQ. At ayon sa pinakabagong tala, ang mga protestante ay may mas higit na maraming kaso ng seksual na pang-aabuso (karamihan sa mga kabataan) kaysa sa ipinaparatang nila sa Simbahang Catholica. Tingnan ang link na ito:https://www.theguardian.com/commentisfree/2015/may/29/protestants-abuse-catholics-methodist-church. Nariyan din ang mga lider pangrelihiyong tulad ni Felix Ysagun Manalo na kinikilalang ” Huling Sugo ” at ” Anghel ” Kuno sa kanyang Iglesia ay isa pang ” Sugong Bulaan na Napasubo ” dahil sa kaso ng panghahalay na inihabla laban sa kanya ng isa niyang miyembro na si Rosita Trillianes na nagbulgar sa kahalayan ni Manalo at ang panggagahasa nito sa humigit na 30 pang mga kababaihan sa loob ng kanyang Iglesia sampu ng kurapsyon na ginagawa ng kanilang ” Sugo “! Tingnan ang Link na ito: http://catholicdefender2000.blogspot.com/2010/11/did-felix-manalo-raped-rosita-trillanes.html. At marami pang iba. Ang paratang at paninirang kanilang ibinabato sa Inang Sta. Iglesia ay siya din palang gawain nila at bumalandra pabalik sa kanilang mga mukha!
Kaya, ang tinutukoy na patutot na babilonia (Apoc. 18:1-9) at ang babae na nakaupo sa 7 burol ay hindi tumutukoy sa Iglesia Catholica Apostolica Romana kundi ito ay tumutukoy sa Paganong Roma. Ang mga bulang relihiyon na nagpapakilalang sa Dios diumano ay masasabi nating ang tunay na babiblonia ng panahon natin ngayon dahil sa mga kalaswaan at kahalayang kanilang ginagawa at pilit na itinatago. Bagay na bagay na ipangdescribe sa kanila dahil ang sabi: ” Kung paano siya nagmataas at nagpasasa sa kalayawan ” (Apoc. 18:7). Lahat ng paninira nila sa Simbahan ay wala nang iba pa maliban sa upang pagtakpan ang kanilang kasamaan gamit ang salita ng Dios at pagkukunwaring pagpapakabanal. Bago ko lubusang tapusin ang artikulo na ito ay nais kong isitas ang mga salita ng ating Panginoong Jesus tungkol sa mga mapagkunwaring Escribas at fariseos ng kanyang kapanahunan:
” Oo, sila’y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao; datapuwa’t ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri. Datapuwa’t ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao…Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok…Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili. Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag…Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! sapagka’t inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa’t sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan. Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas. Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan. ” (Mateo 23:4-5, 13,15-16, 25-28).
Kaya, kapatid kong Catholico, pag-aralan mo ang Aral ng Sta. Iglesia Catholica at huwag magpapadala sa mg bulong at panlalansi at panliligaw ng mga demonyong nagkalat. Palaguin mo at patibayin ang iyong relasyon sa inang simbahan. at ugaliing magtanong sa mga nakakaalam kung may bagay na gumugulo sa iyo (Ageo 2:9;Malakias 2:7).
Ang biyayang pagliligtas ng ating Panginoong JesuCristo, ang Pag-ibig ng Dios Ama, at ang pakikipisan ng Espiritu santo, nawa’y sumaating lahat. ngayon at magpakailan man. Amen.
Ad Majorem Dei Gloriam!
Soluta Est Veritas!
Pro Deo et Ecclesia!

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

Leave a comment

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Homo Sexuality Marriage Samesex marriage

Same-sex Marriage and Homosexuality.

  By Coco Apologist What is Homosexuality? According to the (Catechism of the Catholic Church 2357), “Homosexuality refers to relations